"Wag kang mag-alala tutulungan kitang mahanap ang mama niyo." sabi ni Chris sa dalaga.
"po?" tanging sagot na lamang ni Gwen kay Chris.
Natapos na ang lahat at nakauwi na din sina Gwen at Chris. Nakapagpaalam na din sila lalong lalo na ang napakabibong si Tope.
Habang nasa biyahe ay may konting pag-uusap kina Gwen at Chris.
"uh, sir? Pwede pong magtanong?" sabi ni Gwen.
"Cge ano yun?"
"Sino po ba yung tinutukoy ni Tope kanina na Miss Sungit?" tanong ni Gwen.
"Ah, si Sofia. The first and the last time na pumunta kami don with her, napagsungitan nya kase ang bata. Kaya ganun." sagot ni Chris.
"Ah, kaya po pala. Eh, masungit po ba talaga sya?" tanong ulit ni Gwen.
"Ah, medyo. Pero mabait naman yun." sagot ni Chris. "Ikaw? nagkakaboyfriend ka na ba?"
"Wala pa po. NBSB here" sagot ni Gwen.
"Bakit? sa ganda mong yan? wala?" sabi ni Chris.
"Oo nga po eh. HAHAHA joke lang po" sabi ni Gwen na may tawa.
"Ikaw talaga. Ano bang hinahanap mo sa iisang lalaki?" tanong ni Chris sa dalaga.
"Simple lang naman po. Mabait. Matangkad. May prinsipyo at paninindigan sa buhay. Siyempre gwapo. Okay lang din kahit hindi" ani Gwen.
Naputol ang kanilang pag-uusap ng huminto bigla ang sasakyan nila. Hindi na nakayanan ng sasakyan kaya kailangan itong i-recharge. Bumaba sila ng sasakyan para i-check ito ngunit biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
May nakita silang isang bakanteng bahay na tila walang nakatira. Pumasok sila rito para magpatuyo.
Chineck ni Chris ang kanyang cellphone ngunit ito'y lowbat. Wala rin namang dalang cellphone si Gwen dahil sa ito'y nanakaw.
"Paano na tayo makakauwi nito sir" sabi ni Gwen.
"Dito na tayo magpalipas ng gabi. Maggagabi na rin naman. baka sakaling may ibang taong pwede nating mahingan ng tulong." ani Chris.
Hanggang sa sumapit na ang gabi ay mas lalo pang lumakas ang buhos ng ulan. Napansin ni Chris na tila giniginaw na ang kanyang kasamang si Gwen. Kaya ang ginawa nya ay hinubad nya ang kanyang long sleeve para isukob ito sa dalaga. Una, ay sa pagtanggal nya ng butones na tila may pag-aalala si Gwen.
"Sir? A-a-ano pong ginagawa nyo?" tanong ni Gwen.
Bigla namang napangiti si Chris dahil mali ang iniisip ni Gwen. Sumagot sya sa tanong ni Gwen ng mahubad na nyang husto ang kanyang suot.
"Ito. Para hindi ka maginawan" sabay saklob ni Chris kay Gwen.
"Pero paano po kayo?" sabi ni Gwen.
"I'm okay. Just stay still." sagot naman ni Chris.
Hanggang sa kalagitnaan ng gabi ay medyo humupa na ang buhos ng ulan. Habang natutulog si Gwen ay pinagmamasdan ito ni Chris.
........
Kaumagahan, may babaeng biglang pumasok sa kanilang tinutuluyan. Ang may-ari.
"Hoy? Anong ginagawa nyo rito?" sabi pa ng babae.
"Paumanhin po. May aberya lang po sa sasakyan namin kaya tumuloy nalang po kami dito sa bahay nyo pansamantala." explain ni Chris sa babae.
"Ano? okay na ba kayo? Pwede na kayong umalis. Matapos nyong pagsamantalahan tong bahay ko" sabi pa ng babae.
"Po? hindi po sa ganun" sabi ni Gwen.
"Sige na. Magsialisan na kayo" sabi ng babae at nagsilabasan na nga sina Gwen at Chris.
Napakaswerte nila't may dumaan na sasakyan at tinulungan silang ayusin ang kanilang awto.
........
Sa mansion...
Sobrang nag-alala ang lahat lalong-lalo na si Manang Sita.
"Okay lang ba kayo? Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama sa inyu." sabi ni manang.
"I'm just okay manang. Don't worry. Just check Gwen if she's okay too." sabi ni Chris na nag-alala kay Gwen.
"Okay lang po ako sir " sabi naman ni Gwen.
"Wait, ang init mo Tope ah, magpahinga ka muna sa kwarto mo't dadalhan kita ng gamot." si Manang na sobrang nag-aalala sa alaga. "Ah, Gwen. Paki alalayan ang sir mo sa kwarto nya please. Baka kung anong mangyari sa kanya sa hagdanan."
"Okay po manang " tugon naman ni Gwen.
At inakyat na nga ni Gwen si Christopher para samahan ito sa kanyang kwarto para makapagpahinga.
Nang umabot na sila sa kwarto ay may itinanong si Gwen.
"Sigurado po ba kayong okay kayo? Parang hindi kase eh " tanong nya.
"Medyo masakit lang talaga ang ulo ko." sagot ni Chris.
"Dapat hindi niyo na ibinigay sa kin yung long sleeve nyo kagabi" sabi naman ni Gwen.
"Wag kang masyadong mag-alala sa akin Gwen." ani Chris.
Naputol ang kanilang pag-uusap ng makarating na sa kwarto si manang para maghatid ng gamot.
"Ito Tope. Inumin mo na ito kaagad." sabi ni manang sa alaga.
"Salamat manang" sabi ni Chris sabay inom nya ng gamot na pinapainom ni manang.
"Uh, Gwen. Pwedeng pakibantayan mo na muna sir mo dito. Wag ka na munang tumulong sa baba, pakibantayan mo nalang sya" sabi ni manang.
"Okay po. Walang problema" ang pagsang-ayon naman ni Gwen.
"O sige. At bababa na ako" sabi naman ni manang.
Pagkatapos ay bumaba na nga si manang at binantayan ni Gwen si Chris hanggang sa gumabi na.
At alas 9 na gabi ng magising si Chris at nadatnan ng kanyang paningin si Gwen na nakatulog sa inuupuan nyang silya malapit sa kanyang study table. Habang pinagmamasdan nya ito'y naalala nya ang nangyari sa araw na ito. At bigla nalang syang napangiti at bigla namang nagising si Gwen.
"Sir? may kailangan po kayo?" tanong ni Gwen
"Uh no no." sagot naman ni Chris.
At tumango naman ang dalaga.
"Uh, Gwen?" ani Chris.
"Yes po sir?" sagot naman ni Gwen.
"Pwede mo na akong iwan dito. Medyo mabuti na ang pakiramdam ko." sabi ni Chris.
"Sigurado po kayo?" pag-alalang sabi ni Gwen.
"Yes I'm fine. pwede kanang pumunta sa kwarto mo" sagot naman ni Chris.
At sumunod nga naman si Gwen sa ipinag-uutos ng kanyang amo.
..........
Kinabukasan.....
Panibagong araw na naman sa mansion. Kakagising lang ni Chris at pinagmamasdan nya ang sikat ng araw habang nakahiga. Medyo bumuti na ang kanyang pakiramdam matapos uminom ng gamot kagabi.
Ngunit isang text ang dumating sa kanyang cellphone. Tiningnan nya ito at ito nga ay si Sofia.
"Good morning love. Happy Birthday!!!"
Hindi na nireply'yan at in'open sa messaging app na tanging sa notification bar lang nya binasa ang mensahe.
Bumangon na nga sya sa kanyang higaan.
BINABASA MO ANG
Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)
Storie d'amoreGwyneth Perrera, a simple girl from Cebu, who wants to seek opportunity - ang pumunta ng Maynila upang makapagtrabaho. Nang makarating ng Manila ay isang di inaasahang pangyayari ang dahilan upang makilala nya ang gwapo, pasensyoso, strikto sa umpis...