Chapter Six

354 6 0
                                    

Kaumagahan ay panibagong araw na naman sa mansion at abala na naman ang lahat.

"Gwen? May iaakyat nga pala ako sayo sa kwarto ni Chris. Ilagay mo sa cabinet nya tong isusuot nya ngayon." utos ni Manang Sita na galing sa pamamalantsa ng isusuot ni Christopher.

"Okay po manang." sagot ni Gwen at tinanggap nya ang utos ni Manang.

Paakyat na sya patungo sa kwarto ni Chris at kumatok na sya sa pintuan.

"Sir? May ipapabigay nga po pala si manang Sita sa inyu. Yung susuotin nyo po ngayon" sabi ni Gwen.

Sa kanyang pagkatok ay walang bumukas ng pinto.

"Sir?" sabi nya ulit ngunit wala na namang nagbukas ng pinto.

Napilitan ng pumasok si Gwen sa kwarto. Pagpasok nya doon ay namangha sya sa itsura ng kwarto. Mga limpak-limpak na dokumento na naka-arrange accordingly na hindi pariwara tignan.

At inilagay na nga nya sa cabinet ang isusuot ni Chris.

............

Habang si Chris naman ay nasa C.R. na naliligo. Patapos na syang maligo nang may isang bagay syang nakalimutan sa C.R. Ang kanyang tuwalya.

"Oh God, I forgot mu towel. Lalabas muna ako." sabi ni Chris sa sarili.

At lumabas na nga si Chris sa C.R.
Pagkalabas nya ng C.R. at tila may narining syang kaluskos ng cabinet na parang hindi pamilyar ang kaluskos ng paa. Sanay na kase syang si Manang ang naghahatid sa kanyang isusuot araw-araw.

"Sino yan?" tanong ni Gwen.

"Pinapahatid po pala ni-------" si Gwen na gulat na gulat sa kanyang nakita. Ang halos hubad na katawan ni Chris!

At gayun din si Chris! Gulat na gulat na hindi si Manang ang naghatid sa kanyang isusuot kundi si Gwen!

Todo takip si Chris sa kanyang private part at gayun din naman si Gwen na dire-diretsong tumalikod.

Hindi naman masyadong nakahubad si Chris. Tanging underwear lang ang suot nya.

"Sorry sir, pumasok ako sa kwarto niyo. Pinapahatid po kase ni manang ang isusuot nyo ngayon" rason ni Gwen.

"Okay, okay. I'm so sorry. Nakalimutan ko kaseng dalhin ang towel ko sa C.R." sabi naman ni Chris.

"Wag po kayong mag-alala sir. Wala ho akong nakita. Pramis" tila pawis na pawis na si Gwen sa kaba.

"Okay. Kunin ko na towel ko." si Chris na kinuha ang towel nya sa kama at bumalik na din sa loob ng C.R.

"okay po" sagot naman ni Gwen na lumabas na kaagad ng kwarto na tila nahihiya sa nangyari.

...........

Paglabas ng kwarto ni Gwen.

'Oh my God, Lord. Patawarin nyo po ako sa nagawa ko kanina. Wait, wala naman akong ginawang masama. Ginawa ko lang naman ang inuutos ni Manang Sita. Pero grabi pala talaga si sir. Ang batak naman ni sir. Medyo may abs. Ano ba tong nagyayari sa kin? Hoy Gwen. Relax! Aksidente ang nangyari. Hindi mo sinasadya, okay?'

- si Gwen na pababa na nang hagdaan hanggang sa may napansin sina Chona at Tes na tila tulala ang dalaga.

"Gwen? okay ka lang?" tanong ni Tes habang nakatingin kay Chona.

At tulala parin si Gwen.

"Gwen? YoHo?" si Chona na pilit ginigising sa katotohanan si Gwen.

"May nangyari ba sa taas?" tanong ni Tes.

"Yes po. Ay wala po!" sagot ni Gwen.

"May nakita sa taas noh?" biro ni Chona na may tawa pang kasama.

"Ho? wala po" sagot ni Gwen na umalis na sa eksena.

.............

Patungo na sa trabaho si Chris at nakita nya sa may main door si Gwen.

"Sir? sorry po talaga kanina " sabi ni Gwen.

"It's okay. Ginawa mo lang naman ang trabaho mo." sagot naman ni Chris.

"salamat po sa pag-intindi" sagot naman ni Gwen.

"By the way, sinabihan ko na si Ate Chona na samahan ka sa University na papasukan mo. Tutulungan ka nya sa pag-aasikaso sa lahat. Si manong Ambo ang maghahatid sa inyu." Sabi ni Chris.

"Thank you po talaga" sagot naman ni Gwen

"Okay. I'll get going. Bye!" at umalis na si Chris.

...........

Sa Korte....

Nasa korte na si Chris at magsisimula na ang hearing sa kanyang hinahawakang kaso.

Chine-check ni Chris ang mga dokumentong dala nya nang mga missing sa mga ito na isa sa mga importanteng dokumento.

Nagsimula ng mag-alala ni Chris sapagkat magsisimula na ang hearing.

"Can you give me few minutes your honor? I just forgot something." sabi ni Chris sa Judge at pumayag naman ito.

Lumabas na kaagad si Chris sa korte nang sinalubong sya ni Gwen.

"Gwen?" sambit ni Chris.

"Nakalimutan nyo sir. Nakita ko kase sa may garahe. Nahulog nyo po siguro" sabi ni Gwen.

"Oh! Thank God! Gwen! Salamat talaga." sobrang saya na si Chris.

"Your welcome sir." sagot ni Gwen.

"Pano ka nakapunta dito? Buti't alam mo papunta rito?" tanong ni Chris

"Sinamahan po ako ni Manong Ambo. Andun sya sa labas. Tapos nagtanong-tanong narin ako dito." explain ni Gwen kay Chris.

"Okay, okay. Salamat talaga sobra. Pasok na ako sa loob. Ikaw, umuwi kana rin. Pupunta pa kayo sa school" sabi ni Chris.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay umuwi na din si Gwen.

..........

Alas 9 nang umaga ng makarating sa unibersidad si Gwen. Papasok palang sila nang sobrang namangha si Gwen sa paligid ng school.

"ang ganda pala talaga dito Ate Chona! Pangarap ko talagang makapasok dito!" ani Gwen.

"Ako rin. Kung may pagkakataong makapag-aaral, mag-aaral talaga ako. Pano kase't nag-asawa kaagad. " Sabi ni Chona kay Gwen.

Pumunta na kaagad sila sa isang part ng school para mag-inquire tungkol sa kanyang papasukang kursong gusto nya.

"Sure ka naba dyan, Gwen?" tanong ni Chona ng tapos na silang magpasa ng mga requirements na kakailanganin at nakapag-fill up narin ng form si Gwen para sa entrance exam.

"Yes ate Chona. Sure na sure" sabi pa ni Gwen.

"sige. Tapusin mo na yan para makauwi na tayo." sabi naman ni Chona.

Tatayo na sana si Gwen ng may nakita syang isang lalakeng napakapamilyar sa kanya. Nakasuot ito ng shades sa mata. Galing ito sa isang opisina at lumabas din kalaunan at nakalayo na din ito. Lalapitan sana ito ni Gwen ng sinabihan sya ni Chona.

"Gwen? Sinong nakita mo't nakatulala ka dyan kanina?" sabi ni Chona.

"Parang pamilyar kase sakin yung lalakeng lumabas ate Chona." sabi pa ni Gwen.

"Ah, baka namalik-mata ka lang. Tapos ka naba dyan?" ani Chona.

"....opo" at ipinasa na nga ni Gwen ang form sa office.



Sino ba talaga ang lalakeng iyon?

Abangan! ^_^

Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon