Chapter Twenty

340 4 0
                                    

"Okay. Aalis ako at sa puntong 'to. Hindi pa tayo tapos. Mag-uusap pa tayo." sabi ni Sofia sabay labas sa kwarto ni Chris.

Bumaba na ng hagdanan si Sofia at naisipan nyang umalis nalang habang pansin ni Conchita ang mukha nito.

"Sofia? Are you okay? Anong nangyari?" tanong ni Conchita.

"Ah, nothing tita. At, uuwi napo ako. See you next time. Tito. Tita." si Sofia na nagpapaalam kina Eduardo at Conchita habang nakipagbeso-beso sa dalawa.

Habang umalis si Sofia ay may nasabi si Conchita sa asawa.

"Anong nangyari dun? Baka nag-away sila ni Christopher." sabi nya sa asawa.

"Parang ganun nga. Hay" sagot nya sa asawa.

At sunod na bumaba si Chris at tinanong nila ito.

"Oh, anak? May nangyari ba? Anong nangyari dun kay Sofia?" tanong ni Conchita sa anak.

"I just told her what I wanted to say to her mom. After what she did to me." sabi ni Chris habang nagkatinginan naman sina Conchita at Eduardo.

"Halika anak, may sasabihin ako sayo tungkol kay Sofia." sabi nya sa anak habang papaupo sila para sabihin ang sinabi ni Sofia sa kanila kanina.










Sa mga sumunod na araw ay nasa eskwela si Gwen. Habang nasa hallway na sila ni Cathy ay nagkaroon muna sila ng konting pag-uusap.

"Talaga? Dumating na ang ex nang sir mo?" tanong agad ni Cathy.

"Oo. Mukha ngang mataray at hindi malapitan. Yan din ang sinabi nina ate Chona sa'kin. Ganun daw talaga ang ugali nun." sabi ni Gwen sa kaibigan.

"Tinarayan ka ba nya?" tanong ni Cathy.

"..Uh...oo. Pero ayoko namang dibdibin yun. Siguro, ganun na talaga ugali nya." sabi ni Gwen.

"Karma na talaga sa kanya yung pagtaboy sa kanya ng sir mo. Akala nya sya lang ang maganda sa mundong to para habulin. My Ghaad!" kwelang sabi ni Cathy.

Hanggang sa umabot na sila sa room ay pumasok na sila.






Pagsapit ng hapon ay papauwi na sana sina Cathy at Gwen nang makasalubong nila si Philip na may kasamang ibang babae. Tila sweet na sweet ang mga ito.

Hindi na masyadong nakatingin si Philip sa kanila at lumipat ang tingin nito sa babaeng kasama nya at si Gwen at Cathy naman ay tingin ng tingin kay Philip hanggang sa lumagpas na sina Philip sa kanilang dinadaanan.

"Ambilis makahanap ng iba ha!" biro ni Cathy.

"Hayaan na natin sya, Cathy. Ang importante, masaya sya sa taong gusto nya. Hayaan na natin. Okay? Tara na nga, uwi na tayo." sabi ni Gwen sa kaibigan.

Paglabas nila sa school ay dumating na kaagad ang sundo ni Cathy.

"Fren. Sabay na tayo. " offer nya kay Gwen.

"ah. Hindi na Fren. May dadaanan lang ako sa kanto. Okay lang " sagot nya kay Cathy.

"Sure ka?"

"Yes, fren. Okay lang " ani Gwen.

"Sige....Bye fren" paalam ni Cathy kay Gwen habang nagbeso-beso at pagkatapos ay pumasok na ito sa sasakyan para umuwi.










Dumating na sa mansion si Chris nang maabutan nya ang mommy nya sa salas na may kausap na professional fashion designer at event coordinator. Kilala na nya ang mga ito dahil anh dalawa na ang pinagkakatiwalaan ng mommy nya kapag may mga event sa pamilya nila.

"Oh son. You're home." salubong ni Conchita sa anak habang binebeso ito.

"Anong meron mom? Nakit andito sila?" tanong nya kaagad sa mommy nya.

"Nakalimutan mo na ba? It's your dad's birthday next week. Friday. Nakalimutan mo na ba?" sabi nya sa anak.

"Ah. Oo nga pala. Sige mom. Maiwan ko muna kayo dyan. Punta muna ako sa kusina." sabi ni Chris habang papunta ito sa kusina. Inilapag na nya muna ang dala nya sa isang table.

Nakasalubong nya si Chona at napatanong ito.

"Dumating na po ba si Gwen, ate?" tanong ni Chris.

"Hindi pa po." sagot ni Chona.

"Ano? Magsi-six na ng gabi. Ba't di pa sya umuuwi?" ani Chris.

"Oo nga po eh. Mukhang maggagabi na" sabi naman ni Chona.

"Tawagan ko muna sya " si Chris para tawagan si Gwen.

Buti naman at sumagot ito.

"Gwen? Nasan ka na? Pauwi ka na ba?" ani Chris.

"Opo sir. Nag-aabang na po ako ng masasakyan." sagot naman ni Gwen sa kabilang linya.

"Wait, maghintay ka muna dyan. Ipapasundo kita kay Manong Ambo." offer ni Chris sa dalaga.

"Sige ho. Salamat po sir." sagot naman ni Gwen.








Habang si Sofia naman ay papauwi na sa bahay niya. Bigla syang napalingon sa may kanto nang makita nya si Gwen sa daan. Hininto nya ang kanyang sasakyan sa gilid para tignan si Gwen upang mabantayan nya ang kilos nito.









"Oh my God! Anong gagawin nila sa babaeng iyan! Yan! Bagay sayo yan. Mag-eenjoy lang akong manuod sayo rito. Sana mawala ka sa buhay ni Chris!" - sabi ni Sofia sa kanyang isip habang pinagmamasdan lang nya ang nangyari kay Gwen.














Si Gwen naman ay nasa daan na para maghintay kay Manong Ambo na dumating upang sumundo sa kanya.

Sa pagtingin-tingin nya sa daan ay may napansin sya. Ang lugar kung saan sina unang nagkakilala ni Chris. Sa panahon na malapit syang magasa nang kunin sana sya ng dalawang barumbadong lalake. Sumagi naman sa kanyang isipan ang nangyari noon sa kanya.

Nabigla nalang sya nang may humawak sa kanyang kamay.

"Hi miss. Musta?" sabi ng lalake tsaka sya lumingon sa mukha nito at pamilyar na pamilyar sa kanya ang nasabing lalake.

"Sino ka?!" sabi ni Gwen.

"Nakalimutan mo na kami?" tanong pa ng lalake.

Biglang sumagi sa isip ni Gwen na ang lalake palang iyon ay isa sa mga gagahasa sana sa kanya noong una. At yun din ang lalakeng naka engkwentro ni Chris nang iligtas nya si Gwen.

"Ikaw yung....." hindi na natuloy sa pagsalita si Gwen nang biglang sumulpot ang isa pang lalake. Ang isa sa kasama nito nung una.

"Kayo yung mga bastos!" pasigaw na sabi ni Gwen.

"Mabuti't naalala mo kami HAHAHAHA" sabi ni lalake 1.

"Tulong! Tulong! Tulo----" hindi na nakatapos sa pagsalita si Gwen dahil biglang natakpan ang kanyang ilong ng panyo na may bahong pampatulog na isa sa mga ginagamit ng mga mandurugas ngayon.
















Sa isang abandonadong tila factory naidala si Gwen. Pagdilat ng kanyang mga mata ay ang dalawang lalake na ang nakita nya. Napansin nyang nakatali ang kanyang mga paa, anh kamay nya'y nakatali sa isang matigas na bakal.

Mr. Lawyer into Mr. Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon