KABANATA 1

7.5K 136 14
                                    

HAIDEN

“Tangina mo nasan kana?” Bungad na tanong agad sakin ni Archie. Nagkayayaan kasing iinom kami ngayon sa Gerries. Hindi na sana ako pupunta kaso 'tong punyetang lalaking to ang kulit. Pinilit ako ni Gago. Minsan na nga lang daw siya ulit mag aya hindi ko pa siya pagbigyan. Sa tuwing nagaaya daw kasi siya lagi akong tumatanggi.

“Gago hindi na ako pupunta” birong sabi ko.

“Potangina mo talaga Haiden Lucas Galiza! Napakahayop mo talaga kausap tol” sigaw niya sa kabilang linya. Natawa naman ako.

“Tanga on the way na ako bobo ampota. Hintayin mo nalang ako diyan” litanya ko at pinatay na yung tawag kahit hindi pa siya nakakasagot. Ibinulsa ko naman na ang aking cellphone at ibinaling ang aking atensyon sa pagmamaneho. Napabuntong hininga ako. Limang taon na ang nakalipas simula nung maghiwalay kami ni Maria. Potangina sising sisi na ako ngayon.

Naguguilty ako tuwing naiisip ko kung paano siya magmakaawa non para lang hindi ko siya iwan. Yung pagpatak ng luha niya na hindi ko man lang pinunasan dahil katarantaduhan na pinaggagawa ko non. Akala ko kasi handa na akong magmahal non. Totoong minahal ko naman siya, pero ang kaso bigla akong nawalan ng gana. Pag gising ko isang araw hindi ko na siya mahal. Pota gulong gulo na ako sa pagiisip na meron ako non. Sinayang ko yung babaeng walang ginawa kundi ang mahalin ako ng totoo. Sinayang ko yung babaeng kahit kailan hindi pinaramdam sakin na hindi ako minahal. Sinaya ko yung babaeng tapat sakin.

Hindi ko rin alam kung bakit sa dinami dami ng babaeng pwede kong patusin si Anne pa.  Tangina hindi ko maimagine ko sarili ko non kung paano ko sabihin kay Maria non na mahal na mahal ko si Anne. Nasabi ko lang siguro yon dahil may mga bagay na hindi kayang gawin sakin non si Maria na kaya niyang gawin sakin.

Hindi ko lubos makilala ang sarili ko non. Sige na, tawagin niyo na akong gago, sabihan niyo na ako ng masasakit na salita. Habang kami pa non si Maria may nangyari na samin si Anne. Napapaligaya niya ako. Yung sarap na hinahanap hanap ko non na hindi kayang gawin ni Maria, nagawa niya sakin.

Pero habang patagal ng patagal, nakakasawa pala. Narealize kong hindi iyon ng nagpapasaya sakin. Nakakaumay. Hindi rin naman kami nagtagal si Anne e. Nasaktan ko rin siya nung sinabi kong hindi na ako masaya sa relasyon namin. Tangina nakasakit na naman ako ng babae. Simula nung wala na kami ni Anne, don ko na namiss si Maria. Para akong pinapatay sa sakin sa tuwing naiisip ko siya lalong lalo na ang maamo niyang mukha. Ang tawa niyang ang sarap pakinggan, ang paghalik niya sakin tuwing umaga.

Ganon pala yon, hindi porket gusto mo yung isang bagay, hindi ka mauumay. Habang patagal mg patagal magsasawa ka rin pala at don mo na marerealize kung ano yung pinakawalan mo dahil sa bagay na gusto mong maranasan at walang kasiguraduhan kung magsasawa ka ba o hindi.

Ng makarating ako dito sa Gerries nagpark na muna at bumaba na ng kotse. Pagpasok ko nakita ko agad si Archie na may kasamang dalawang babae. Potangina napakababaero talaga ng lalaking to. Hindi na nakontento sa isa at dalawang babae pa talaga ang tinable niya.

Agad akong umupo sa harapan niya kaya nakuha ko ang atensyon niya. Tinignan ko siya ng masama.
“O tol, meron kana pala” giit niya at tinanggal ang pagkakayakap sa dalawa niyang babae. Yung isa todo ngiti sakin at nagpapacute. Kitang kita pa ang dibdib neto na halatang peke naman at pinahanginan lang. Tangina sarap tusukin ng karayom para mawalan ng hangin. Natawa naman ako sa iniisip ko.

“Hindi ako to tol, picture ko lang to” natawa naman si gago. Tangina neto tawa ng tawa.

“Tol, si sheena pala at claire. Gusto mo sayo nalang yung isa sa kanila? Mamili kana” tinignan ko siya ng masama at binato ng ice. Pasalamat siya nakailag ang gago.

Agad naman tumabi tong babaeng pinahanginan ang dibdib at niyakap ako sa braso. Nandidiri akong tinignan siya at pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sakin.

“Pwede ka ba mamaya?” malanding tanong niya sakin.

“May girlfriend ako” tinignan ko siya taas baba “mas maganda at mas sexy pa sayo” dagdag ko. Agad naman sumama ang tingin niya sakin at tumayo sabay alis. Napangisi ako. Buti nalang at umalis. Ayaw na ayaw ko pa naman sa mga babaeng sobrang kapal ng make up at kita ang buong katawan dahil sa ikli ng suot. Kung ikukumpara siya kay Maria, walang wala siya. Napabuntong hininga ako. Kahit kailan never siyang nawala sa isipan ko. Hanggang ngayon siya parin ang hinahanap ko.

“Tangina mo kaya wala kang nagiging babae e, ang sakit sakit mong magsalita” hindi ko pinansin si Archie at tumungga ako dito sa beer ko. Nakita ko naman na binulungan niya yung babae niya kaya umalis ito.

“Ano kumusta ka?” kunot noo ko siyang tinignan.

“Tangina mo rin no? Kung maka kumusta ka kala mo kung isang taon tayong di nagkita animal ka” natawa naman siya sa sagot ko. Tangina tawang tawa talaga tong lalaking to pag ako ang kasama niya.

“Hindi kasi gago. Ibig kong sabihin, kumusta ang puso mo?” napainom ulit ako sa beer ko sabay tingin sa mga babaeng sumasayaw.

“Durog pa rin. Hindi ko pa kasi nakikita yung babaeng makakapagbuo neto”

“Tangina tol, limang taon na ang nakalipas pero siya pa rin? Solid ka naman magmahal” napangisi ako. Naisip ko naman bigla ang mukha ni Maria tuwing tumatawa siya. Mas lalo siyang gumaganda tuwing tumatawa siya dahil mas lalong lumalaki ang pisngi niya

“Ibang iba kasi yung babaeng yon. Kung hindi ba naman kasi ako  gago non edi sana kami pa hanggang ngayon”

“Hindi rin. Mauumay din yon sa pagmumukha mo”

“Tangina mo. Salamat ha” sarcastic na sabi ko at sumubo sa pulutan.

“Oo nga pala tol, may pupuntahan tayo bukas”

“Saan naman?”

“Kila Yssa don sa ex mo. Binyag kasi nung anak niya inimbitahan niya tayo. Actually ninong tayong dalawa naiwan ko lang yung invitation na para sayo. Tinatawagan ka daw niya kaso hindi ka niya makontak” napangisi ako. Tignan mo nga naman yung babaeng yon, makahanap rin ng lalaking mamahalin siya ng totoo at ngayon magpapabinyag na

“Sige sama ako”

“Dapat lang. Baka sakaling don mo na makita yung babaeng para sayo talaga”

“Kahit sinong babaeng iharap mo sakin si Maria lang ang pipiliin ko” kahit iharap niya pa sakin isa sa mga artistang magaganda si Maria pa rin ang gusto ko. Kung may makita man ako sana siya nalang ulit.


TO BE CONTINUED

Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon