Ng matapos ang trabaho ko kanina ay agad naman akong sinundo ni Eroll. Mabuti nalang at mabilis siyang nakarating kanina dahil kailangan ko talaga ng mapagsasabihan. Parang lumulutang ang isip ko ngayon at kung saan saan pumupunta.
'i like you'
Tama ba talaga ang narinig ko kanina? Sinabi ba yon kanina ni Sir? Masyadong mahina ang pagkakasabi niya kaya naman hindi ko gaano marinig at naintindihan. Ginugol ko nalang ang oras ko sa pagtratrabaho ng sa ganon ay hindi ko gaano maisip yung pinagusapan namin kanina.
"Ang weird lang kasi.. Hindi naman ganon si Sir e. As in kanina lang siya nagkaganon at hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya." Tinitigan ako ni Eroll na parang hindi din niya alam kung bakit nangyari yon. Uminom muna siya sa Coke niya at inilapag ito.
"Maybe he likes you too babe," walang prenong sagot niya. Nabilaukan naman ako sa sarili kong laway.
"That's imposible! Hindi ako magugustuhan non, no. Tsaka ano ka ba! Laging may pumupuntang magandang babae don sa amin para puntahan si Sir. Tapos sakin? Ako magugustuhan niya? Walang wala nga ako don sa babaeng laging pumupunta sa opisina, e"
"Look, not all men ay bumabase sa labas na anyo. May mga lalaking mas pinipili ang paguugali kesa sa labas na kagandahan. At ikaw? You are beautiful inside and out. Hindi malabong magkagusto sayo ang amo mo. At mukhang kailangan na kitang bakuran dahil magkakaron na naman ako ng karibal" giit niya. Napanguso naman ako. Kung ano ano naman sinasabi ng lalaking 'to
"Isa ka rin e, As if naman na papayag ka na agawin ako ng iba sayo,"
"Definitely no, babe. Akin ka lang. Hindi man kita pagmamayari pero gusto ko akin ka lang. Im selfish. What's mine, Mine only." Ika niya at kinindatan ako.
"Oo na, sige na sayo na ako. Bilisan mo na kumain diyan at gusto kong maglibot libot" ika ko. Humigop na muna siya sa coke niya at nagpunas na ng tissue sa labi.
"I'm done," ngumiti naman ako at sabay kaming tumayo upang maglakad lakad. Bawat babaeng madadaanan namin ay napapatingin kay Eroll. Ikaw ba naman may kasamang gwapong nilalang. Sinong babae ang hindi kayang tignan ang kagwapuhan neto? Wala.
"Nagmumukha akong yaya sayo e. Kanina ka pa nila pinagtitinginan, o" bulong ko kay Eroll. Tinignan niya naman ako at kinunutan ng noo.
"Hindi ako ang tinitignan nila kundi ikaw," nagtataka ko naman siyang tinignan.
"Bakit ako? Kasi masyado kang gwapo para makasama ko?"
Umiling siya, "Hindi yon. Masyado kang maganda kaya nila tayo tinitignan. Tsaka hayaan mo sila kung tinitignan nila tayo. Basta ang importante, magkasama tayo."giit niya at hinakbayan ako. Simple akong napangiti. Kung ibang babae lang siguro ang kasama neto ay tiyak na hihimatayin sa kilig. Ako nga na ilang taon na siyang nakakasama ay kinikilig ako sa mga asta at sinasabi niya. This man deserve to be love.
"Let's play basketball, babe" ika niya.
"O sige. Gusto ko yan!"
"Kapag natalo mo'ko, bibilhan kita ng isang Galon na Ice cream," halos mapalundag ako dahil sa sinabi niya.
"O sige. Sinasabi ko sayo, gagawin ko ang lahat para matalo ka,"
"Pero kapag ako natalo kita. Kiss mo ako sa cheeks,"
"Yon lang pala e, Game!" Hamon ko.
Dumiretso naman kami sa Quantum. Medyo oonti nalang ang tao dito dahil gabi na rin kasi at pass 7:30 na. Agad naman bumili si Eroll ng token namin. Kita ko ang mga babaeng pinagtitinginan siya at parang kinikilig. Ng bumalik siya sakin, ay agad napawi ang ngiti nung mga babae. Buti nga senyo
BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
RomansaLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...
