KABANATA 17

2K 96 18
                                        

Wala ako sa sarili ng pumasok sa loob ng bahay. Nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko dahil sa biglaang pagaalis ni Eroll. Ilang araw siyang nawala tapos pagbalik niya malalaman ko nalang na tuluyan na siyang lalayo samin ng anak ko.

Agad akong umupo sa sofa. Lutang parin ako hanggang ngayon. Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Haiden at bumuntong hininga. Hindi ko siya kinakausap at diretso lamang ang tingin ko.

"Anong pinagusapan niyo?" Seryosong tanong niya

"H-he'll be leaving..." Wala sa sariling sagot ko.

"Hayaan mo na siya, andito naman ako. Hindi ko kayo sasaktan,"

"Napakadaling sabihin sayo na hayaan ko nalang siya dahil hindi naman ikaw ang nasa sitwasyon ko non nung wala ka,"

Yumuko siya at hinawakan ang kamay ko

"I'm sorry.. Magpahinga ka na, alam kong pagod ka,"

Tumayo ako ng hindi nagpapaalam sa kanya at iniwan siya sa sala na nakaupo. Agad akong humiga sa kama ko at niyakap ang isang unan ko at nagsimula ng umiyak.

Bakit gan'to? Hindi ako handa dito e. Hindi ko pa kayang maiwan magisa ulit lalo pa't hindi pa ako okay. Ngunit napakasama ko naman atang tao kung aasa lang ako kay Eroll hanggang sa maghilom ang sugat ng puso ko. Hindi ko man lang naisip na baka kailangan na din niyang lumayo for his own happiness. Mas lalo akong umiyak dahil sa iniisip ko hanggang sa diko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa araw na tumataba na mukha ko. Agad akong bumangon at nagtungo sa  Cr upang maligo. May pasok pa ako ngayon. Tinignan ko ang mata ko sa salamin at mugto ito. Saglitan lang naman ako naligo kaya nagpalit ako agad at nagtungo sa kusina. Nadatnan kong sinusubuan ni Haiden ang anak namin.

"Goodmorning mama," bati sakin ng anak ko.

Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"Goodmorning baby," saad ko at umupo sa harapan ng anak ko at nagsandok na ng makakain ko.

Sinusulyapan ako ni Haiden at mamaya maya ay bumubuntong hininga pero kahit na ganon ay hindi ko siya pinansin. Wala ako sa mood makipag usap ngayon lalo na't naaalala kong aalis ang isang taong napaka importante sa buhay ko.

"Ako na ang maghahatid sayo sa opisina mo. Ako na din muna ang magaalaga kay Zionne" saad niya habang nilalagyan ng bimpo ang likod ng anak ko.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Kinuha ko na ang bag ko at binuhat ang anak ko bago lumabas ng bahay. Agad naman akong sumakay sa passenger seat. Sumakay na din si Haiden at sinulyapan na muna niya ako bago niya binuhay ang makina ng sasakyan niya.

"Susunduin kita paguwi mo," pagsasalita niya.

"H'wag mo na akong sunduin, may lakad ako mamaya,"

Kita ko ang pagbagsak ng balikat niya ngunit hinayaan ko lang siya.

"Magkikita kayo?"

Hindi ko siya sinagot hanggang sa makarating kami dito sa harap ng kompanyang pinagtratrabahuan ko.  Tinignan ko ang anak ko at nginitian.

"Mag behave ka baby, okay? Wag matigas ang ulo,"

"Opo,"

Hinalikan ko siya sa noo. Lalabas na sana ako ng sasakyan ng hawakan ni Haiden ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Takecare of yourself. Iloveyou.." saad ni Haiden.

Tumango na lamang ako at tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago ako lumabas ng sasakyan niya.

Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon