KABANATA 10

2.2K 101 5
                                    

Nagising ako dahil sa linawag na tumatama sa mukha ko. Napahawak ako sa ulo dahil para itong nabibiyak. Ipinikit ko ulit ang mata ko at niyakap ang unan ko. Gusto ko pang mahiga, parang sakit ng katawan ko ngayong araw na 'to. Mamaya maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Agad kong hinanap kung nasan ang bag ko at nakapatanong sa center table. Hawak hawak ko ang ulo kong naglakad upang kunin ang cellphone kong tumutunog. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag at sinagot na ito agad.

"Hello" inaantok na sabi ko.

|Maria, nasan ka ha?! Salbahe kang babae ka kanina ka pa namin tinatawagan hindi ka sumasagot. Pumunta kami kila mama mo pero wala ka doon! Nasan ka bang babae ka?! |

Parang nabuhay ang dugo ko dahil sa narinig ko. Tinignan ko ang suot ko at bullshit nakapangtulog ako ng suot. Tinignan ko rin kung may undies ba ako at wtf?! Wala akong suot suot na bra. Andito naman ako sa bahay. Sinong ang naguwi sakin dito?

"Hmmm Jenny magusap tayo mamaya. Tatawagan kita, bye" ika ko at agad pinatay ang tawag.

Dali dali akong lumabas ng bahay at amoy ko agad ang mabangong niluluto. Agad akong nagtungo sa kusina at halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. He's wearing a white shirt and boxer. How could this happen? Ang natatandaan ko lang ay nakita ko siya sa Gerries kagabi at...at ngayon ay andito siya sa pamamahay ko.

Bumalik ako sa katinuan ng humarap siya sakin at ngumiti ng pagkatamis tamis. "Goodmorning" bati niya. Hindi ako agad nakasagot.

"How is your feeling? Masakit ba ang ulo mo?" Dahil sa tanong niyang yon ay napairip ako sa kanya.

"What are you doing here in my house?" Malamig na tanong ko. Nagtungo ako sa ref upang kumuha ng maiinom ko dahil ang totoo niyan at kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Woah! Is that how you say thankyou?" Tinignan ko siya at nakakunot ang noo niya.

"Bat ako magpapasalamat sayo? Sinabi ko bang iuwi mo ako dito sa bahay?"

"Because I care," inirapan ko siya at kumuha ng baso upang magsalin ng iinumin.

"Care mo mukha mo," sagot ko. Imbes magpapasalamat na ako sa ginawa niya pero dami niyang alam. Yan tuloy hindi ko nasabi. Manigas siya bwisit!

"Masakit ba ang ulo mo? May binili akong gamot kanina," hindi ko siya sinagot at inubos ko lang ang tubig ko at umupo na.

"Nagugutom na ako," malamig na saad ko.

"Wait, sandali nalang to." Ika niya. Inilapag niya sa mesa ang fried rice, hotdog, scrumble egg, bacon at yung niluluto niyang sinigang na baboy hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya kumilos dito sa kusina. Ang sakit ng ulo ko lalo na't kasama ko 'tong kinaiinisan kong lalaki.

"Saan ka pala natulog kagabi?"  Tinignan niya lang ako saglit at ibinalik ang tingin sa niluluto niya.

"Sa tabi mo" nanlaki ang mata ko dahil sa sagot niya.

"Wtf?!" Bulalas ko. Tumawa naman siya na akala mo ay may nakakatawa sa sagot ko.

"Just kidding. Diyan ako sa sofa natulog don't worry"

"I-ikaw din ba a-ang nagpalit sakin?" Nahihiya na tanong ko. Isinalin niya muna sa bowl yung ulam at inilapag sa mesa. Umupo naman siya sa harapan ko at tinitigan ako sa mukha. I can't look at him straight kaya nagiwas agad ako ng tingin. Nakakatunaw siyang tumingin.

"Oo. Nasukaan mo kasi kagabi yung uniform mo. I have no choice, alangan naman na hayaan kitang matulog ng may suka ang suot mo," saad niya. Napakagat ako sa ibabang kong labi. Ramdam ko din ang pagiinit ng mukha ko.

"Don't worry, wala naman akong ginawang masama sayo" pagsasalita niya. Lumunok ako at umayos ng upo.

"Mabuti kong ganon,"

Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon