KABANATA 24

2.1K 108 21
                                    

Dalawa kami ang nagbantay ni ate hannah kay Haiden. Anong oras din kaming natulog dahil nagkwentuhan kami. Kwinento niya kung paano niya nakilala ang asawa niya, kung anong mga problemang pinagdaanan niya. Nagkahiwalay din pala sila ng Asawa niya noon pero sila talaga ang nakatadhana sa isa't isa, dahil tignannl niyo naman, sila pa rin in the end.

Ang saya lang kasi napakabait ng ate niya. Mabait din naman si Haiden. Parehas lang silang dalawa. Ewan ko ba kung bakit ganon ang paguugali ng magulang nila samantalang kabaliktaran naman ng ugali ng mga anak nila.

"What's now? Ang boring dito sa hospital," nababagot sa saad ni Ate Hannah. Napabuntong hininga ako.

Actually may naisip ako, tutal hindi pa naman nagigising si Haiden, I want to surprise him. Hindi rin naman ako magtatagal sa gan'tong lugar. Napaka boring at wala man lang magawa.

"Ate Han, lilipat na kami sa bahay ni Haiden.." saad ko. Napaupo naman siya ng tuwid at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"R-really?" Gulat na tanong niya. Napayuko ako dahil nahihiya ako. Ewan ko ba kung gusto ni ate yung naisip ko o hindi.

"Oo ate. Para pag gising ni Haiden, doon na kami sa bahay niya uuwi."

Nagulat ako ng lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Tumili pa siya sa pagitan ng yakapan namin.

"He will be happy if he knows na lilipat na kayo sa bahay niya! Oh, Finally hindi na rin ipapakasal ang kapatid ko sa bruhang yon," saad niya.

Hindi ako sumagot at hinayaan nalang si ate. Wala rin kasi akong masabi. Napagisip isip ko yon simula nung nagopen sakin si ate kahapon.

"So, kailan mo balak lumapit doon? Gusto mo ba bukas? O ngayon? Pwede naman ngayon, ako nalang muna ang magbabantay kay Haiden dito," masayang saad ni ate.

Ngumiti ako. Balak ko rin talagang ngayon na lumipat. Medyo marami-rami rin ang mga gamit na ililipat namin sa bahay ni Haiden.

"Pwede bang ngayon na ate?" Tanong ko.

"Sure sis. Tumayo kana diyan at magayos na ng makaalis kana. Paniguradong magiging masaya ang kapatid ko pag gising niya."

Napangiti ako. Iyon naman ang gusto ko, ang maging masaya siya pag gising niya. Ayaw ko na rin maging malungkot, ayaw ko ng maging komplekado ang lahat ng bahay. Mahirap maging masaya kung papairalin lang ang kalungkutan. Ikaw mismo ang masisira.

Nagpaalam na ako kay Ate at agad namara ng tricycle. Tama itong desisyon kong lumapit doon dahil first of all, may anak na kami. Gusto niya na din naman dati na pa lumipat na kami doon upang mabuo kaming pamilya. Kaso, masyado akong naguguluhan at matigas ang puso ko.

Ngayong nalaman ko na ang buong kwento, hindi ko na kailangan magdalawang isip pa. Sobra sobra na ang ginawa niyang pagsasakripisyo para sakin, samin ng anak ko. At alam ko, sa simpleng bagay na gagawin ko ngayon ay lubos na magpapasaya sa kanya.

"Mama!" Salubong sakin ng anak ko ng makapasok ako sa loob ng bahay.  Umupo ako upang yakapin siya ng mahigpit. Namiss ko siya.

"Nasan si papa, ma?" Tanong niya sakin

"Hmmm busy pa si papa anak pero may sasabihin ako," ika ko at ngumiti. "Diba gusto mong makasama si papa mo?" tumango ang anak ko.

"Doon na tayo titira sa bahay niya, gusto mo ba yon?" Ngumiti ang anak ko at tumalon talon.

"Opo! Yeheeey! Makakasama ko na si papa!" Masayang saad niya.

Lumapit ako kay mama upang halikan siya sa pisngi.

"Kumusta si Haiden, anak?"

"Hindi pa rin po siya nagigising," sagot ko at umupo kami sa sofa.

"Totoo bang lilipat kayo sa bahay niya?"

Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon