KABANATA 28

2.7K 111 31
                                        

Nagising ko ng wala na sa tabi ko si Haiden. Napakurap kurap ako. Napatingin ako sa kisama at hindi ko mapigilan mapangiti tuwing naiisip ko ang ginawa namin ni Haiden kagabi. Ramdam ko ang pagmamahal niya habang ginagawa namin ang bagay na iyon. Ang sarap sa pakiramdam na nagising akong wala sakit na problemang iniisip. Dahil kompleto na ulit kami ngayon. Hindi ko na kailangan magpanggap simula ngayong araw na 'to dahil sa totoo lang, nakakagaan ng buhay kapag nagpapakatotoo ka sa sarili mo. Naalala ko tuloy si Haiden, tinotoo niya nga ang sinabi niyang may round two pang magaganap. Ang sakit tuloy ng pagitan ng hita ko. Bumangon na ako sa kama at nagtungo sa CR upang maligo na dahil pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko kahit may aircon sa kwarto. Simpleng cotton short lang sinuot ko at sando. Sinuklay ko na rin ang buhok ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Nasa hagdanan palang ako ngunit amoy na amoy ko na ang masarap na niluluto. Adobo!

Pagkarating ko ng kusina, bumungad sakin ang magama kong masayang nagluluto at nagtatawanan.

"Dahan dahan kasi ikaw, papa," natatawang saad ng anak ko at tawa ng tawa. Napansin kong nagpapanggap si Haiden na napapaso ng mantika habang hinahalo ang adobong niluluto niya. Ang tagal kong hinintay ang araw at panahon na 'to, ang makitang masayang naguusap ang mag-ama ko. Akala ko hindi na kami dadating sa point na to dahil wala na akong balita kay Haiden but looks who's here now, A happy man bonding with his son. Nakikita ko sa ngiti niya ang sayang walang katumbas tuwing magkasama sila ng anak namin.

"Hey, kanina ka pa diyan?" Tanong niya sakin ng maramdaman sigurong may nakatingin sa kanila. Pinahinaan niya ang apoy at lumapit sakin, "Goodmorning, how's your sleep?" He asked and kissed my forehead.

"Ang sarap sana ng tulog ko kung walang nangangalabit," birong sabi ko kaya naman tinawanan niya ako. Ang sarap lang ng tawa niya. Hinalikan niya ulit ako sa noo.

"Mamayang gabi ulit?" Mahinang saad niya sakin at tinaas baba niya pa ang kilay niya na parang nangaasar.

"Ikaw, napaka manyak mo," natatawang sabi ko.

"Ma, ano yung manyak?" Napalunok ako. Bakit ba lagi kong nakakalimutan na kasama natin ang anak namin. Napalingon ako kay Haiden at napalunok. Nagkibit balikat lang siya kaya naman lumapit ako sa anak ko upang yakapin siya ng mahigpit.

"Goodmorning baby. I love you," malambing na saad ko sa kanya at hinalikan ang buong mukha niya.

"I lob you too mama," humahagikgik niyang sabi.

"Bakit siya may halik ako wala?" Pagmamaktol ni Haiden na parang bata kaya natawa ang anak ko. Napangiti na rin ako dahil sa itsura niya

"Kiss mo din papa, ma," natatawang sabi sakin ng anak ko

"Sige na, kiss mo na rin ako," sabi ni Haiden at ngumuso pa with matching pikit mata na parang bata. Jusqo! Sabihin niyo sakin ngayon ba't ko tinanggap ulit tong lalaking 'to sa buhay namin ng anak ko. Tawang tawa ang anak ko dahil sa itsura niya ngayon. "Sige na kiss mo na ako," sabi niya ulit.

Napailing-iling nalang ako at lumapit sa kanya upang halikan siya ng mabilis sa labi. Kunot noo niya akong tinignan. "Yun na yon?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Oo bakit angal ka?"

Tinignan niya ako ng mariin. Bumuntong hininga siya at nilagay sa mesa ang adobong niluto niya. Pinaupo ko na rin ang anak ko. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang alaga niya sa pwetan ko. "Mamaya ka lang, I will make you scream again," bulong niya sa teinga ko na s'yang ikinatayo lahat ng balahibo ko. Ano ba naman 'to umagang umaga ang harot harot. Hindi ko nalang siya pinansin at umupo sa tabi ng anak ko.

"Nasan pala sila Ate Hannah? Umuwi sila?" Tanong ko dahil ngayon ko lang narealize na ang tahimik pala ng bahay.

"Oo, umalis silang lahat kanina pag kagising ko. Hindi ko alam kung saan sila pupunta pero ang sabi niya gagala daw sila nila Jenny," paliwanag niya. Nilagyan ko ng kanin ang pinggan ng anak ko samantalang siya ay nilagyan din ang plato ko.

Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon