KABANATA 5

2.5K 76 5
                                        

"Bryan, yang mga bagong dating na stock ilagay mo nalang sa loob. Ikaw na din bahala dito,"

"Sige boss," iyon na lamang ang sagot niya at isa isang pinasok ang mga kararating lang na stock. Tinulungan naman na siya ng mga kasama niya kaya pumasok na lang ako sa loob ng opisina ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko mag ring to. Unknown number. Hindi ko ito sinagot pero paulit ulit na tumatawag.

"Who's this?" Malamig na bungad ko,

|Haiden, si Yssa to. Nasan ka?|

"Andito ako sa shop, bakit?

|Eroll is here in the mall. Kasama niya yung anak daw nila ni Maria| napapikit ako ng mariin,

"Hindi ba nila kasama si Maria?"

|Hindi|

"Okay, thanks" ieend ko na sana ang tawag ng magsalita ulit siya

|Haiden, I heard something about the baby and Eroll|

"Ano yon?"

|Hindi naman ako nakinig sa usapan nila e. Sadyang narinig ko lang talaga. Si Jenny, yung kaibigan ni Maria. They're talking about Maria's baby. Narinig ko na buti nalang hindi ka nagmana sa papa mong gago. Something like that|

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ito na ba yung kutob ko na baka anak ko talaga yung kasama ni Maria?

|Heey, are you still there?|

Napakurap kurap ako.

"Yes, I'm still here. Are you sure na sila Eroll talaga yung naguusap?"

|Yes, kung gusto mo pumunta ka dito sa mall. Andito sila sa Quantum naglalaro|

"No need. Thankyou Yssa," after that I ended the call at lumabas agad ng opisina ko upang magtungo sa kotse ko. Agad ko itong binuhay. Kailangan kong makausap si Maria.

Gusto kong marinig mula sa kanya kung ano ang totoo. Kung ako ba ang ama non o si Eroll. Hindi ako mapapanatag kung hindi ko siya tatanungin ngayon. Alam kong pumasok siya kaya hindi siya nakasama ngayon sa lakad nila Eroll. I know im not a good boyfriend to her before pero nagbago na 'ko. Willing naman akong iexplain lahat lahat sa kanya e pero ayaw niya akong makausap.

Ng makarating ako sa opisina nila ay agad akong nagpark at pumasok kung saan ako naghintay dati.

"Hi, I'm looking for Ms. Mosqueda. Is she already here?" Ngiting tanong ko sa babae.

"Ay oo andito na siya. Sandali at tatawagin ko siya"

I smiled, "Thankyou,"

Pinaglalaruan ko ang kamay ko habang naghihintay dito sa labas. Kinakabahan ako na galit. Dahil na din siguro sa maaring isagot sakin ni Maria na anak ba namin yon o hindi. Bumukas ang pinto at inilabas neto ang babaeng inutusan ko kanina.

"A-ay Sir b-busy po si Maria.. Nasa opisina p-po siya ng boss namin. Sige po may gagawin pa po ako," ika niya at tinalikuran niya ako. Liar. Alam kong andito lang siya. Sumunod ako sa babae ng pumasok siya.

"Maria.." rinig kong tawag sa kanya ng inutusan ko.

"Ano umalis na ba siya?" My jaw clenched. Ganon ba niya talaga ako ayaw makita at kailangan niya pa magsinungaling. Umiling naman yon babae kaya tuluyan na akong pumasok sa loob. Matalim ko siyang tinignan. Naiinis ako sa kanya. Why she acted like this? Like she's hiding something na hindi ko pwedeng malaman.

"We need to talk," malamig na saad ko. Tumayo naman siya at matapang akong hinarap. Umalis na din yung babae.

"Sorry sir pero busy po ako ngayon,"

Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon