KABANATA 20

2.2K 93 11
                                        

Parang hinahabol ng kabayo ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. Hindi ko rin maigalaw ang buong katawan ko dahil sa sinabi ni Archie. Pilit kong inaabsorb ang sinabi niya ngunit hindi ito magsink in sa utak ko. Para itong nagsarado ng banggitin niya iyon. Hinawakn ako ni Archie sa balikat upang pakalmahin. Tumulo ang masaganang luha ko at bumubuka ang bunganga ko ngunit hindi ako makapagsalita. Walang salitang lumalabas sa bunganga ko.

“H’wag kang magalala, magiging okay din si Haiden, matapang ang taong yun” saad niya ngunit hindi mapanatag ang kalooban ko dahil kung hindi ako umuwi ng late at hindi ko siya sinigawan ay sana okay pa kami ngayon. Hindi sana siya nadisgrasya. Hindi ko na mapigilan ang paghikbi at tuluyan ng lumabas lahat ng luha ko.

“K-kasalanan ko bat nangyari ‘to sa kanya Archie..” paninisi ko sa sarili ko. dahil sa una’t sapul palang ako lahat ang may kasalanan. Agad nagpark si Archie ng makarating kami sa hospital kung nasan naroon naka-admit si Haiden. Agad akong lumabas ng sasakyan at patakbong nagtungo sa loob ng hospital. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot at kabang nararamdaman ko ngayon.

“Sa-saan po ang room ni Haiden Galiza?” tanong ko sa babaeng nurse ng makarating ako dito sa Nurse Station.

Tinignan niya ang computer at sinrarch ang pangalan ni Haiden.

“Room 114 po” nagpasalamat na ako at agad nagtungo sa elevator. Nakita kopa si Archie na tumatakbo, halatang hinahabol niya ako. Ng makarating ako sa second floor ay agad kong hinanap kung saan banda ang room ni Haiden.

Napahinto ako sa pagkakalad ng mahanap ko na kung saan ang room niya. Mas lalo akong binalot ng kaba at takot. Unti unti kong inangat ang kamay ko upang buksan ang pintuan ni Hiaden. Dahan dahan ko itong binuksan upang hindi ako kapaglikha ng ingay. Halos mapaupo ako sa kinatatayuan ko ng Makita si Haiden na nakahiga sa kanyang kama at napakaraming apparatus na nakakabit sa kanyang katawan. Pati ang ulo niya ay may benda. Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya dahil kapag binilisan ko ang paglalakad ay feeling ko matutumba ako.

“Haiden…” mahinang tawag ko sa pangalan niya. Naguunahan na rin  ang mga luha kong maglabasan. Ang bigat ng dibdib ko lalo na’t nakikita ng dalawang mata ko ang kalagayan ngayon ng lalaking mahal ko.

Hinawakan ko ang kamay niyang may clip finger. May host din sa kanyang bunganga. Hinalikan ko ang kamay niyang hawak hawak ko at hindi ko mapigilan ang paghikbi.

“Kasalanan ko ang lahat ng to, k-kung hindi sana kita sinigawan wala ka sana ngayon dito…” ika ko sa pagilan ng paghikbi ko. sobra sobra na ang mga napagdaanan niya. At ngayon nandito na naman siya sa hospital, nagaagaw buhaybng dahil na naman sakin. Puro nalang ako ang dahilan kung bakit siya nahihirapan. Napatingin ako sa pintuan ng magbukas ito at iniluwa nito si Archie. Kita ko ang pagkaawa niya sa kanyang kaibigan. Umupo na muna siya sa isang couch kaya naman naibalik ko ang tingin ko kay Haiden.

Tinititigan ko ang mukha niyang gwapo pa rin kahit na may galos. Kahit na nakapikit siya ay bakas na bakas sa mukha niya ang lungkot. Tumulo na naman ang masagana kong luha lalo na ng sumagi na naman sa isipan ko ang Sinabi ni Archie na siya ang gumawa ng letterings na nakasabit sa kwarto ko. iyon ba ang dahilan bakit nangingtim ang ibaiba ng mata niya at hindi ko man lang napansin yon.

“sana mapatawad mo pa ako” mahinang saad ko sa kanya at muling hinalikan ang kamay niyang hawak hawak ko.

Napatingin kami pareho ni Archie sa pintuan ng magbukas ang pinto. Tumayo ako ng pumasok ang isang lalaking Doctor.

“Kaano ano niyo po ang pasyente?” nagtinginan kami ni Archie dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko.

“Asawa niya po,”  anang niya. Hindi na ako nag reklamo pa ng tignan ako nung Doctor.

Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon