Gaya ng sabi ni Eroll, lagi niya akong sinusundo pagkatapos ng trabaho ko. Pinuntahan namin lahat ng paborito naming lugar at kinain ang mga pagkain na gusto namin. Sa bawat lugar na pinuntahan namin ay may mga picture kami.
Hindi ko na din naabutan ang anak kong gising tuwing umuuwi ako at sa umaga na lamang kami nagsasama. Si Haiden nalang ang nadadatnan kong gising odi kaya minsan ay tulog na din. Gaya nung una, hindi ko pa rin siya kinakausap. Natanong ko na rin siya kung wala ba siyang balak umuwi sa kanila at sinabi niyang wala dahil hindi naman daw kami sasama sa kanya kaya siya nalang ang titira dito samin. Okay lang naman daw siya sa sofang tinutulugan niya at wala naman daw problema. Habang patagal ng patagal mas lalong nagiging mag kasundo si Zionne at Haiden. Hindi na kasi namin siya iniiwan nila mama. Sinasama nalang siya ni Haiden sa shop niya odi kaya namamasyal silang dalawa sa mall kapag nagaaya si Zionne kumain sa jollibee.
"Anong oras ka uuwi mamayang hapon?" Tanong sakin ni Haiden habang kumukuha ng tubig sa ref at nagsalin sa baso.
"Hindi ko alam. Last day na ngayon ni Eroll dahil bukas na ang flight niya," sagot ko ng hindi ko man lang siya tinatapunan ng tingin.
"Agahan mong umuwi mamaya. Magluluto ako ng para satin,"
"Titignan ko,"
"Birthday ko ngayon," napatingin ko dahil sa sinabi niya.
Hindi ko alam na birthday niya pala ngayon. Tinitigan ko ng mabuti ang kanyang mukha at nangingitim ng ibaba ng mata niya. Parang gabi gabi itong nagpupuyat at parang nangayayat siya. Hindi ko makitaan ng sigla ang kanyang mga mata. Ang tanging nakikita ko lamang ay purong lungkot at sakit.
"Bakit hindi mo sinabi ng mas maaga sakin?"
"Paano ko sasabihin sayo kung sa tuwing uuwi ka diretso ka ng kwarto," saad niya gamit ang malungkot niyang boses kaya naman napaiwas ako ng tingin.
Oo nga naman kasi, sa tuwing uuwi kasi ako dito sa bahay. Kakausapin niya lang ako saglit nagpapaalam na ako agad na papasok na ng kwarto dahil pagod at inaantok na ako.
Narinig ko siyang tumawa ng peke, "Okay lang. Naiintindihn naman kita. Pero sana maaga kang umuwi mamaya. Kahit yun nalang ang pambawi mo, okay na ako,"
"Sige," iyon na lamang ang sagot ko at iniwan siya sa kusina upang puntahan ang anak kong abala sa panunuod ng cartoons. Agad akong lumapit sa kanya at hinalikan ang kanyang noo.
"Aalis ikaw ulit, ma?" Tanong ng anak ko.
"Opo. May pupuntahan lang si mama pero uuwi rin ako,"
"Birthday ni papa ngayon ma," napangiwi ako. Pati pala anak ko ay alam ang birthday ng ama niya. Ako lang pala ang hindi nakakaalam.
"Opo. Alam ni mama. Binati mo na ba si papa mo?" Tumango ang anak ko. Napatingin ako ng may kotseng huminto sa harapan ng bahay namin. Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa table at muling hinalikan ang anak ko.
"Aalis na si mama, h'wag kang pasaway para hindi mapagod si papa mo sayo, okay?"
"Otey ma,"
Muli kong tinignan si Haiden sa kusina na ngayon ay nakaupo na ito at parang problemadong problemado.
"Aalis na ako. H'wag mong pababayaan si Zionne," ngumiti lang siya ng pilit at tumango.
"I know. Ingat kayo," tumango nalang din ako at tinalikuran na siya.
Pagkalabas ko ng bahay. Napangiti ako ng makita ko si Eroll na nakasandal sa kotse niya. Naka shades ito at naka suot ng simpleng shirt ay pantalon.
"Ang gwapo, ha,"
"Ha?"
Sabi ko ang gwa--"
"Hakdog"
![](https://img.wattpad.com/cover/220409628-288-k541207.jpg)
BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
Любовные романыLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...