HAIDEN' POV
"Tol, ano ng nangyari sayo? Para kang asong pinabayaan sa kalsada," saad ni Archie ng makita ako dito sa bar na lagi kong pinupuntahan. Hindi ko na alam ang gagawin ko simula nung nagusap kami ni Maria. Ayaw na niya akong makita at pati ang anak ko ay galit na sakin. Isang linggo na simula nung huli kaming nagusap. Pero hindi pa rin ako tumitigil, simple pa din akong pumupunta sa opisina niya para makita kung okay lang ba siya tuwing uuwi siya. May contact din ako nung ka officemate niyang si abby at sa kanya ako lagi nagtatanong kung kumusta siya, kung masyado ba siyang nahihirapan sa trabaho niya o kung kumakain ba siya.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking daliri. "Hindi ko na alam ang gagawin ko tol.. sising sisi naman na ako sa ginawa ko non pero hirap niya pa rin akong patawarin.." giit ko at tumanggo ulit sa bote ng alak ko.
"Alam ko naman yun pre pero hindi naman solusyon ang alak diyan sa problema mo. P*ta maawa ka naman sa atay mo, isang linggo ka ng umiinom," hindi ako umimik. Ito nalang kasi ang paraan para makalimutan ko ang magina ko. Hindi na rin ako nakakakain ng maayos. Pag gising ko sa umaga, alak agad ang hanap ko hanggang sa makatulog ako at pag kagising ko, alak na naman. Hindi ako nakakaramdam ng sakit, hindi ko rin maramdaman yung sakit ng ulo ko. Isang sakit lang ang nararamdaman ko, ang pagkirot ng puso ko.
"Ano pa ba ang dapat kong gawin? Sabihin mo nga Archie, ano pa ba? Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko para makuha ulit ang loob ni Maria.." saad ko at hindi ko mapigilan umiyak. Mabuti nalang at nasa private room kami na kahit umiyak ako ng umiyak dito ay hindi nila ako makikita at maririnig
"Madaming pwedeng gawin para mabawi mo yung magina mo, pre. Bigyan mo muna siya ng oras at panahon para makapag isip isip ng sa ganon ay hindi kayo masaktan pareho. Pero sa ginagawa mo, pinapakita mo lang na sumusuko kana,"
Umiling ako at tinakpan ang mata ko gamit ang daliri ko. Durog na durog na ako. Nakakabakla ang umiyak pero tao lang din naman ako, nasasaktan at nadudurog.
"Wala naman akong balak sumuko, nagpapahinga lang ako.." huminga ako ng malalim. "Nasasaktan din naman ako pero tuwing naiisip ko ang magina ko, deserve ko itong sakit na nararamdaman ko.." dagdag ko.
Kung ito nalang yung paraan para mabawi ko sila, titiisin ko lahat ng sakit. Tatanggapin ko lahat kahit ikakababa na ng pagkalalaki ko. Kung darating man sa punto na kailangan kong isuko lahat ng meron ako kapalit ng magina ko, gagawin ko. Mababaliw na ako kapag nawala silang dalawa. Sila nalang ang meron ako. Ayaw ko ng mawala pa sila. Dahil ang pamilya ko, iniiwan na din nila ako.
"Lumaban ka lang at magtiwala tol, babalik at babalik ang magina mo" napatingin ako kay Archie ngayon at halatang awang awa na siya sakin.
"Limang buwan nalang tol, limang buwan nalang ang itatagal ko dito. Baka sa loob ng limang buwan na yon ay hindi ko mabawi ang magina ko.. kapag nangyari yon katapusan kona.. mawawala na lahat ang meron ako.. l-lahat lahat pre.." saad ko at muling yumuko upang ilabas lahat ng bigat ng dibdib ko.
Handa naman akong magpaliwanag kay Maria. Handa kong sabihin lahat lahat kapag tinanggap niya na ulit ako sa buhay nila ng anak ko. Pero masyadong sarado ang isip niya, hindi niya ako magawang pakinggan. Kung alam niya lang sana kung anong buhay din ang naranasan ko noon, mas masahol pa sa pinagdaanan niya.
"H'wag kang magalala, tutulungan kita para hindi mawala lahat ng meron sayo, mababawi mo rin ang mag ina mo"
Hindi ko siya tinignan. Nawawalan na din kasi ako ng pagasa na mabawi ko pa silang dalawa. Malabong papakinggan pa ako ni Maria.
MARIA'S POV
"Bakit kaya tayo pinapatawag ni Sir?" Tanong sakin ni Abby. Nagkibit balikat lang din ako dahil maski ako ay wala din akong ka ide-ideya kung anong meron.

BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
RomanceLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...