Maaga akong pumunta dito sa shop upang tignan kung ano ang mga kulang na gamit. Buti nalang at mapagkakatiwalaan si Bryan kaya kapag nasa manila ako ay siya ang iniiwan ko dito upang mag bantay. Abala ako sa laptop ng may kumatok sa pintuan
"Pasok"
sigaw ko ng hindi man lang tinitignan kung sino yon.
"Why aren't you answering my call?" Bungad na saad niya at umupo sa harapan ng mesa ko. Tinignan ko siya saglit at ibinalik ang tingin ko sa laptop
"I'm sorry. Masyado lang akong busy"
"Busy? Pati gabi busy ka? Bakit may schedule ka ba gabi gabi?"
"I'm not in the mood Patricia. Wag mo ng painitin lalo ang ulo ko"
"What the fuck, Haiden? Ikaw na nga itong may kasalanan, ikaw pa itong may ganang magalit. I just came here to check if you are okay. You didn't even reply to my text. I'm just worried tapos ganyan lang sasabihin mo sakin?" Bulyaw niya.
Napabuntong hininga ako at napahilot sa ulo ko. Here we go again. Naiinis ako sa gan'tong paguugali niya dahil ang hilig niyang magpaawa. Ewan ko ba kung anong ginagawa niya dito.
"What do you want?" Seryosong tanong ko.
"Gusto kong bumawi ka sakin for not answering my calls and responding my text. Date me," i looked at her. Isa rin ko sa kinakabwisitan kong paguugali niya.
"I can't date you now. May pupuntahan kami ni Archie. Maybe next time"
"Promise me"
"You know you how much I hate promises," walang ganang saad ko. Umirap naman siya sakin.
"Okay fine. Tomorrow night. Sunduin mo'ko sa bahay," iyon na lamang ang sinabi niya at lumabas na ng opisina ko. Napasabunot ako sa buhok ko. Tang'na ano na naman bang nakain ko at nasabi ko yung salitang 'next time'. Umayos ako ng upo at itinuon ulit ang atensyon ko sa laptop upang ipasa ang mga ipapasa ko sa cellphone. Mamaya maya pa ay may pumasok na naman sa opisina ko. Matapang kong tinignan kung sino yung pumasok at si Archie lang pala.
"Tangna anong itsura yan? Pang biyernes santo na naman" giit niya
"Anong ginagawa mo? Tara na kila yssa medyo malayo layo din yung bahay nila" bumuntong hininga ako at hindi na tinapos yung pinapasa ko. Hindi ko siya pinansin at pinatay na ang laptop ko.
"Tangna mo tol anomg problema? Hindi mo 'ko pinapansin," tinignan ko siya ng masama.
"Ah alam ko na. Isang tao lang naman ang sumisira ng araw mo e. Pumunta dito si Patricia, no?"
"E ano pa nga ba?"
Tumawa naman ng gago. Taena neto tawa talaga ng tawa
"Pucha bat ba ayaw mo si Patricia? Maganda naman siya, sexy, mabait tapos masarap. Ano pa bang kulang?"
"Kahit sino pang babae ang ipaharap mo sakin gago alam mong sa isang babae lang ako nababaliw" inaayos ko na ang gamit ko bago mapagdesisyunan na lumabas
"Tara na," giit ko. Itong kotse ko na ang ginamit namin ni Archie.
"Diba pre nakwento mo sakin na magkakilala sila Yssa at Maria?" Nabuhayan ako dahil sa tanong niya. Nilingon ko siya saglit at ibinalik ang tingin sa daan.
"Oo, bakit?"
"Nabanggit mo rin na si Yssa non ang nagsabi kay Maria na planado lahat ng ginawa mo sa kanya" nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ng marinig ko na naman yung planado. Tangina hanggang ngayon ang sakit pa rin pakinggan yung salitang planado. Naisip ko na sobra sigurong nasaktan si Maria nung sinabi ni Yssa sa kanya yon.
BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
RomanceLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...