KABANATA 30

2.3K 106 14
                                    

"Asan kana ba? Kanina pa kami naghihintay dito bat ang tagal mo?" Bungad na sabi ko kay Haiden dahil maguumpisa na ang kasal nila ate Kelly ngunit wala pa siya. Kanina pa siya tinatanong sakin ng mga relatives niya ngunit wala akong maisagot. Sinabi kong malelate siya dahil yun lang naman ang sinabi niya sakin. Akala ko pa man din last week sabay sabay pupunta e.

"On the way na ako mahal, may dinaanan lang ako saglit kaya ako natagalan" napabuntong hininga ako

"Okay sige, bilisan mo kasi maguumpisa na. Mauna na kami ni Zionne sa loob ng simbahan"

"Yes. Sorry baby, malapit na din naman ako. I love you.."

"I love you too, magiingat ka," pagkasabi kong yun ay inend ko na ang tawag. Hinawakan ko ang kamay ng anak ko na nasa tabi ko lang.

"Mama, pupunta ba si papa?"

"Oo anak susunod si papa. Tara na sa loob para mapanuod natin ang kasal ni Tita Kelly," ngumiti na lamang ang anak ko at hawak kamay kaming naglakad.

Napaka ganda ng simbahan kung saan ikakasal sila Ate Kelly, napakadaming bulaklak dahil bawat gilid ng upuan ay may nakasabit. Ang red carpet na may mga petals ng red flowers. Gan'to ang pangarap ko mula noon hanggang ngayon. Ito ang unang kasal na masasaksihan ko kasama ang taong pinakamamahal ko.

"Wala pa ba si Haiden?" Napatingin ako kay ate hannah ng magsalita siya. Kakarating din pala niya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sa pisngi.

"Wala pa nga ate, ang sabi niya may dadaanan lang saglit. Baka dina siya makaabot dito," she smiled at me. Ngiting napakatamis.

"Shh.." hinaplos niya ako sa braso ko, "H'wag kung ano ano ang iniisip mo. Makakahabol yon lalo na't yon ang sinabi niya. May isang salita si Haiden. Just wait for him," tumango na lamang ako kay ate at nginitian siya.

"Oo nga pala ate, nasan sila Jenny? Akala ko sabay sabay kayong pupunta kasama si Archie,"

"Hmmm malelate din ata sila. I don't know. Basta ang sabi nila sakin aattend sila,"

Hindi na ako umimik. Ano ba yan! Parang pinagusapan nilang malelate sila sa kasal ni Ate Kelly at lahat sila ay wala pa dito. Nagsimula na nilang tumugtog ang kanta senyales na magsisimula na ang kasal. Binuhat ko si Zionne at pinatayo sa upuan upang makita niya ang mga batang naglalakad patungo sa harapan.

Muntik na akong napatili ng may kumalabit sa bewang ko at ng pagkaharap ko ay may humalik sa labi ko. Napakurap ako at hindi maalis ang gulat sa mukha ko. Napalunok ako.

"S-saan ka dumaan?" Tanong ko dahil hindi ko man lang siya nakitang naglakad sa harapan.

Tinuro niya ang right side ng simbahan kung saan may pintuan pa doon. "Diyan. Bawal naman na kasing maglakad sa harap mahal dahil mag start na,"

Tumango tango na lamang ako. Tinignan ko ang mukha niya at inayos ang buhok niya humaharang sa maamo at gwapo niyang mukha. "Akala ko hindi kana makakahabol e. Kanina pa kita hinihintay,"

Ngumiti siya ng pagkatamis tamis at hinaplos ang pisngi ko, "Pwede ba naman yon. Hindi na nga lang tayo sabay pumunta dito tapos hindi pa ako hahabol. Tsaka ito ang unang kasal na masasaksihan ko kasama ka kaya importante din sakin 'tong araw na 'to dahil kasama kita ngayon," Napangiti na lamang ako dahil parang may paru paru na nagliliparan sa tiyan ko. Ang lakas pa rin talaga ng epekto ko sa lalaking 'to. Sa simpleng salita niya kaya niyang baliwin ang puso ko at para na naman itong hinahabol ng kabayo sa sobrang bilis.

Tumingin ako sa likuran ni Haiden dahil hindi ko na makita si Ate Hannah, "Asan si Ate? Andito lang yun kanina e,"

"Ewan ko. Baka lumabas mahal," tumango na lamang ako. Andito na si Haiden pero siya naman itong nawala. Napatingin ako ulit sa likod ng magumpisa ng maglakad ang mga abay ni Ate Kelly. Napaka cute ng mga bata, bagay na bagay sa kanila ang suot nilang kulay Green dahil iyon daw ang favorite color ni ate Kelly. Pagkatapos nilang mag martsya ay nagpalakpakan kaming lahat ng magsimula ng maglakad si Ate Kelly. Nakaka speechless ang ganda niya! Napaka simple ng kanyang make up at napaka ganda ng gown niya. Paballoon ito at tube ang design. Kitang kita ang mayayaman niyang dibdib. Ng makalapit siya samin ay kita kong naluluha siya. Tears of Joy. Tumango na lamang ako at nginitian siya. Hindi ko rin maiwasan ang mapaluha. Feeling ko parang ako ang ikakasal. Ramdam ko ang sayang nararamdaman niya ngayon.

Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon