Siyam na buwan na ang nakalipas ngunit hindi pa rin gumigising si Haiden. Nawawalan na ako ng pagasa, hindi ko na alam kung magigising pa ba siya o tuluyan na niya kaming iiwan ng anak ko.
Hindi na rin ko pumapasok ng trabaho ko dahil mas pinili kong bantayan siya. Minsan kasi umuuwi sa Manila si Ate Hannah upang asikasuhin ang business ni Haiden. Madami na rin kasing papeles na kailangan niyang fill up'an kaya si ate hannah na muna ang nag manage.
Malaki na rin ang bill namin dito sa hospital at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Hindi biro ang siyam na buwan. Ang tagal tagal na non. Wala na ding paramdam ang magulang niya. Nahihirapan na akong paasahin ang sarili kong magigising siya at uuwi pa siya sa bahay namin. Hinahanap na din siya ng anak ko. Meron pa yung kwento niya na napanaginipan niya daw si Haiden na naglalaro sila at napaka gwapo neto. Sinasabi niya daw na wag niya ako pababayaan at mahal na mahal niya daw kaming dalawa.
"Pwede po ba kitang makausap Mrs. Galiza?" Anang ng doctor.
Tinatawag niya ako sa apilyido ni Haiden without knowing na hindi pa kami kasal. Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya sa labas.
Bumuntong hininga siya na para bang napakabigat ng sasabihin niya sakin.
"Nine months na pero hindi pa rin nagigising ang pasyente niyo. Gusto ko lang po na malaman niyo na kailangan niyong ihanda ang sarili mo sa maaring mangyari. Machine nalang ang nagpapabuhay sa kanya, 'pag tinanggal yon, tuluyan na siyang mawawala.." malungkot na anang ng doctor.
Hindi ko alam kung anong irereact ko. Walang salitang lumalabas sa bunganga ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi ako makagalaw. Naguumpisa na rin mangilid ang luha ko.
"We're doing our best ngunit mukhang hindi na kaya ng katawan niya.. If you'll excuse me.." iyon na lamang ang sinabi niya at tuluyan na niya kong tinalikuran.
Wala akong sa sariling pumasok sa loob ng room ni Haiden. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Unti-unti kong tinignan si Haiden na payapang nakahiga sa kanyang kama. Agad akong nagtungo sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Nagsimula na rin tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata. Nararamdaman ko ang pagkirot ng puso ko, ang sakit sakit! Unti unti akong dinudurog dahil sa nalaman ko.
Hinalikan ko ang kanyang kamay at hindi na rin mapigilan ang pag hikbi.
"Please... pleasee wake up... H'wag mo akong iwan.. Please love.. Not now.. I already love you.. please..." Saad ko sa pagitan ng paghikbi ko. Inangat ko ang kanyang ulo at niyakap ito.
"Please.. comeback to me.... Come home..." patuloy lamang ako sa pagiyak. Sobrang sakit. Walang sakit na pwedeng maikumpara sa nararamdaman ko ngayon. Walang wala. Unti-unti kong dinudurog at pinapatay.
Ayaw kong sumuko kahit na nawawalan na ako ng pagasa. Dahil meron dito sa puso ko, kahit onting katiting naniniwala akong mabubuhay pa siya. Mabubuhay pa ang taong mahal ko. Hindi ko maimagine na sa isang iglap lang, lahat ng naiisp ko ngayon na maaring naming gawin pag gising niya ay mawawala na parang isang bula kung iiwan niya kami.
Hindi ako nagstay ngayon sa tabi ni Haiden, iniwan ko siya dahil hindi ako makapagisip ng matino. Lumulutang ang utak ko ngayon. Kahit anong oras, pwede niya kaming iwan. Handa akong isugal lahat ng meron ako, handa akong ibenta yung bahay na ilang taon kong pinaghirapan ng may pang dagdag lang ako sa pangangailangan ni Haiden.
Hindi ko namamalayan habang naglalakad ako ay patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Ang puso kong nanakip dahil sa sakit. Ang isip kong gulong gulo sa nangyayari ngayon. Para akong mababaliw.
Napatingala ako ng umulan ng malakas. Iniangat ko ang kamay ko dahil mukhang dinadamayan ako ngayon sa problemang pasan ko. Napatingin ako sa mataas na lugar, para itong bundok at mukhang familiar. Nagtungo ako dito at kahit na mataas ay inakyan ko. Mas lalo ako naiyak ng marealize ko ang lugar na 'to. Ito ang lugar kung saan niya ako sinurprise noon kasama ang mga kaibigan. Lugar kung saan namin plinano ang lahat ng gusto namin in the future. Ito ang lugar kung saan gustong gusto niyang puntahan upang panoorin namin ang araw na papalubog. Unti-unti akong napaupo at hinayaan ang ulan na tuluyan akong binabasa. Ang mga luha kong patuloy sa pagbagsak. Sobrang sakit!
BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
RomanceLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...