After ng paguusap namin ni mama kahit papano ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Umuwi na rin naman kami sa bahay dahil meron na si Eroll. Galing kasi siyang Boracay kasama ang magulang niya dahil inasikaso ang business nila. Hanggang ngayon ay hindi pa din nagpaparamdam si Haiden. Nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko ba siya o hindi. I wanna see him pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko after kong sabihin na layuan na niya kami ng anak ko. Bukas na din yung birthday ng pamangkin ng boss namin at hanggang ngayon hindi ko pa nakakausap si Eroll. Hindi sigurado kung makakasama ba siya bukas samin o hindi. Kung hindi kami pupunta, sayang ang perang ibabayad ko.
"Nakabili kana ba ng swimsuit mo?" Tanong sakin ng abby ng makalapit siya dito sa table ko. Bumuntong hininga ako at huminto muna sa pagtatype sa laptop ko.
"Hindi pa.. Hindi ko alam kung makakapunta ba ako o hindi.."
"Gaga pumunta ka. Ayaw mo non, mageenjoy ang anak mo kapag sinama mo siya doon,"
Naisip ko na din naman yan kaso ang problema, hindi kami kompleto. Gusto ko sanang magsabi sa boss ko pero nasabi na naman niya na magmunulta nalang ang hindi pupunta.
"Alam ko naman yon, pero hindi ko alam kung makakasama ba samin si Eroll o hindi.."
"Bat hindi nalang yung si fafa pogi ang isama mo?" Kunot noo kong tinignan si Abby. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?
"B-bakit naman siya? Tiyak magagalit si E-Eroll kapag malaman niyang may sinasama akong ibang lalaki,"
Hindi siya sumagot at tinitignan lang ako sa mukha na para bang may mali sakin. Ewan ko ba, these past few days hindi ko din maintindihan si Abby e. Laging pamilya ko ang tinatanong niya samantalang hindi naman siya ganon.
Bumuntong hininga siya.
"Hanggang kailan mo itatago sakin ang katotohanan, Maria?" Kumabog ang dibdib ko dahil napaka seryoso niya. Ngayon lang siya naging ganton at hindi ako sanay. Nasanay ako sa pagiging masayahin at joker niya.
Umiwas ako ng tingin
"A-ano bang pinagsasabi mo?"
Tumingin na muna siya sa paligid, ng makita niyang busy ang lahat tsaka siya nagsalita.
"Alam ko na, hindi si Eroll ang ama ni Zionne.."
"Paano mo nalaman?"
"Like duh, Maria! Magkahawig na magkahawig ang anak mo at yung si fafa pogi. Imposibleng pinaglihi mo siya doon dahil hindi ka naman bibigyan ni Fafa pogi ng bulaklak kung wala kayong past or hindi ka niya gusto. Now tell me, tama ba ako?"
Tumayo ako at hinawakan sa wrist si Abby. Heto na, magsasabi na ako sa kanya tutal alam naman niya ang totoo. Pumunta kami sa likod ng opisina kung saan walang katao tao.
"Oo abby.. Si Haiden ang ama ng anak ko. Pero please, wag mong sasabihin sa ibang ka officemate natin.." pakiusap ko.
"Paano? Ano ba kasing nangyari at bakit mo pinapalabas na si Eroll ang ama ng anak mo?"
Humugot na muna ako ng lakas ng loob bago ako nagkwento sa kanya. Kwinento ko lahat kay Abby tutal mapagkakatiwalaan naman siya. Ayaw ko na din magtago ng sekreto ko sa kanya.
"Willing si Eroll maging ama ni Zionne pero hindi ako pumayag dahil alam kong magkikita at magkikita kaming tatlo at dadating yung araw na magtatanong ang anak ko tungkol sa ama niya,"
"Woah, hindi ko alam ang sasabihin ko, napaka speechless ang kwento niyo. So before ikaw pala ang naghahabol kay Haiden at ngayon siya naman na? Pang wattpad ang kwento niyo," saad niya.
".... Pero If i were you besh, pagbibigyan ko ng pagkakataon si Haiden. Sabi mo nga, nagsisisi naman na siya sa ginawa niya noon sayo so why not give him a chance? Don't look back at your past, look forward, look for the future. Hindi magiging ganon ang isang lalaki kung hindi ka niya totoong mahal. And I think, he's changed base sa kwento mo,"
BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
RomansaLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...