Ng matapos ako sa trabaho ko ay nagpaalam na agad ako kay Abby. Tinext ko na din si mama na magagabihan ako ng uwi dahil magkikita kami ngayon nila Jenny. God knows how much I miss them. Ilang buwan din naming hindi nagsama.6month, 8months? Hindi ko alam. Masyado kasi silang busy sa trabaho. Sila Angel at Rhona kasi sa Manila nagtrabaho samantalang si Jenny ay dito rin sa Cauayan ngunit hindi kami nakakapagkita dahil bukod sa busy ako sa trabaho ko, meron akong anak na kailangan alagaan. Saktong hindi makakapunta ngayon si Eroll sa bahay dahil may kailangan daw siyang ayusin sa business nila at naiintindihan ko naman yon.
Napatayo ako sa pagkakaupo ko dito sa waiting shed ng may isang itim na kotse ang huminto sa harapan ko. Bumaba ang bintana at gitnang daliri agad ni Angel ang sumalubong sakin. Napangiti naman ako at agad na pumasok sa passenger seat.
"Aba, tangina, Maria ilang buwan lang tayong hindi nagkita bat biglang gumanda ka?" Tanong sakin ni Angel na abala sa pagmamaneho.
"Syempre ikaw ba naman may isang Eroll na nagaalaga sinong hindi gaganda? Taena gwumapo din yung lalaking yon e. Mukhang hiyang niyo ang isa't isa" sagot ni Jenny
"Ilang taon ng nanliligaw sayo si Eroll? Limang taon na diba?" Tanong ni Rhona.
"Oo"
"Gabi gabi ka naman nadidiligan?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
"Hooy salbahe ka, Rhona! Kung ano anong pinagsasabi mong bruha ka!"
"Oh c'mon! Don't tell me, walang nangyari sa inyo sa loob ng limang taon?"
Umiling ako, "Wala tangek. Tsaka di ganon si Eroll no. Ang laki ng respeto sakin, non,"
"Pota bihira nalang yung mga lalaking ganyan sis. Nakakayang magtiis ng ilang taon. Yung jowa ko nga sumasakit na pechay ko dahil kulang sa kanya ang limang rounds," sagot ni Angel na siyang ikinatawa naming lahat.
"Nasasaktan ka pala?" Tanong ni Jenny.
"Oo gaga. Pero syempre kahit masakit kailangang umungol na parang sobra kang nasasarapan sa ginagawa niya para di ako iwan,".
"E ano namang paborito niyong posisyon?" Tanong ni Rhona.
"Kahit ano. Natry na nga namin sa lababo, sa mesa, upuan, dingding, kama. Halos lahat ng sulok ng unit niya natry namin. Pero ang pinaka dabest, dogstyle besh. Taena ang sarap kapag sinasagad niya," sagot niya. Napailing nalang ako dahil sa usapan nila. Hindi ko alam na sa loob ng ilang buwan naming pagkikita ay gan'to na pala ang mga kaibigan ko. Na poison na ata ang mga utak nila.
Nagpark na si Angel at agad namin kaming bumaba ng kotse ng patayin niya ang makina ng sasakyan. Kunot noo kong tinignan kung saan kami ngayon.
"Gerries?" Tanong ko.
"Yes ghorl. Namiss ko punta sa gan'to e. Di kasi ako nakakapunta sa mga resto bar dahil nagagalit ang bebe ko." Hindi ako agad nakapagsalita at tinitignan palang ang harap ng Bar. Madaming pumupunta dito dahil kilala itong Bar na ito dito samin. Maski ang mga kaworkmate ko ay dito dumidiretso every saturday night.
"Don't tell me, never ka pang nakapasok sa gan'to?" Tanong ni Jenny.
"Hindi pa nga," honest na sagot ko. Actually this is not my kind of place. Hindi ako mahilig sa gan'to. Mas pipiliin ko nalang na magkulong sa kwarto at magsulat ng mga kwento kesa pumunta sa gantong lugar.
"Taena hindi ko alam kung paano ka namin naging kaibigan. Pero hayaan mo na, atleast ngayon alam mo na kung anong itsura ng bar. Tara na sa loob," ika ni Angel at naglakad na kami papasok sa Bar. Bumungad agad sakin ang nakakahilong ilaw neto at napakaingay. Madami na ding tao. Napatingin ako sa mga babaeng andito at halos lumabas ang kaluluwa nila dahil sa mga suot nila. Meron ang kitang kita ang malulusog nilang dibdib na pinaresan ng napaka ikling short. Tinignan ko naman ang mga suot nila Angel at shiit! Ngayon ko lang narealize na ako lang pala ang naka uniform saming apat. Nakapang party sila ng suot.
BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
RomansaLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...