Simpleng pantalon na white, t-shirt na black at doll shoes ang suot ko. Sinuklay ko na rin ang blonde kong buhok at naglagay ng light na liptint. Tumingin ako kay Haiden na nakaupo sa kama. Kanina pa kasi ako hinihintay.
Ngumiti ako, "Ready na ako, Tara na?"
"Sabay tayong naligo pero napaka tagal mong magbihis," saad niya at tumayo na. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng kwarto.
"Maka reklamo ka diyan. Nung sinabi mo kaninang ligo lang, nagreklamo ba ako?" Ang sarap naman ng tawa niya dahil sa sinabi ko.
"Kasi naman mahal, ang ganda ng katawan mo hindi ko mapigilan hindi ka tikman ulit. Kumbaga sa pagkain ikaw yung putahe na hindi nakakasawa, ikaw yung adobong paulit ulit kong titikman,"
"Sus. Hindi daw nakakasawa. Imposibleng sa limang taon nating hindi nagkita wala kang tinikman na iba," saad ko. Gwapo kasi si Haiden at hindi ako magtataka kung sakaling madami na siyang naikama. Si Anne nga na sinasabing hindi na gusto si Haiden pero nung nagkaproblema natikman niya kaagad.
Binuksan niya ang gate at nauna akong lumabas kesa sa kanya. Sinabi ko na kasi kanina nung nasa CR kami sa walang magdadala ng kotse. Gusto kong maglakad lakad lang.
"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong kahit isa wala akong naikama?" Balik na tanong niya sakin.
Hinawakan niya ulit ang kamay ko matapos niyang isara ang gate at sabay naglakad. "Hindi. Kasi gwapo ka, ang lakas ng appeal mo. Isang ngiti mo lang, nakakaakit na"
"So inaamin mo ding gwapo talaga ako?" Balik na tanong niya sakin at ngumisi pa.
"Hindi ko naman itatanggi yon, gwapo ka naman talaga e. Pero wag mong ibahin ang usapan,"
Pinisil niya ang kamay kong hawak hawak niya. "Maniwala ka man o hindi mahal wala akong naikama ni isang babae noon. Wala na kasi ako sa stage na yon. Basta ang nasa isip ko lang, mabawi kita,"
Hindi ako makapaniwalang tinignan siya. "Weh? Kahit retohan ka non nila wala kang nagustuhan?"
Umiling siya, "Lagi akong nireretohan non ni Archie sa tuwing pumupunta kami ng bar pero walang nagtatagal"
"Bakit naman?"
"Kasi lagi kong sinasabi na may girlfriend ako at mas maganda ka pa kesa sa kanila"
Napayuko ako dahil namumula ang mukha ko. "Sinasabi mo talaga yon?"
"Oo nga"
"E si Patricia, yung pinsan ko. Pumunta non sa Hospital tapos inaway ako,"
"Inaway ka niya?" Kunot noong tanong niya.
I nodded "Oo. Pero nung sinabi kong asawa kita hindi siya makaimik. Sabihin mo sakin, paano mo siya nakilala? Chixx mo din ba siya?"
"Hindi. Nakilala ko lang non si Patricia sa States nung doon ako tinapon nila mama. Pero walang namagitan samin. Siya lang tong nagfefeeling na may something saming dalawa."
"Walang nangyari sa inyo?"
"Mahal! Syempre wala. Tsaka diko alam na pinsan mo yon,"
"Sabay din ba kayong umuwi dito sa pinas?"
Umiling siya, "Hindi. Hindi ko alam na nakauwi na din pala siya dito. Mas nauna ako"
"Baka sinusundan ka niya,"
"Hayaan mo na siya mahal. Hindi ko naman gusto yon. Mas maganda at mas sexy ka pa rin kesa sa pinsan mong 'yon"
"Pero naiinis pa rin ako sa kanya lalo na nung sinabi niyang sa kanya ka lang daw," nakangusong sabi ko.

BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
RomansaLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...