Maria' s POV
Maaga akong nagising upang magluto ng umagahan namin ng anak ko. Simula ng makapagtrabaho na ako ay bumukod na kami ni Zie kila mama dahil gusto kong maging independent. Nakakahiya na rin naman sa kanila na doon kami titira ng anak ko kahit na wala naman silang sinasabi saming dalawa. Nung sinabi ko kila mama na bubukod kami ni Zy ay ayaw nila pero pinilit ko sila ng pinilit hanggang sa pumayag na din sila. Hindi din naman kalayuan ang bahay namin sa kanila kaya kung gusto nil mama na puntahan nila kami ay pwede.
Habang hinahanda ko ang naluto kong pagkain na nagring ang phone ko kaya naman agad kong sinagot ito dahil iisang tao lang naman ang tumatawag sakin ng gan'tong oras.
|Goodmorning|
"Goodmorning too. How are you?"
|I'm fine. I missed you Ria," malamig na saad niya. Napangiti naman ako dahil umaagang umaga naglalambing na naman siya.
"I missed you too. Nakauwi kana ba? Nagluto ako ng umagahan gusto mong kumain dito?"
|Sure. Magbihis langa ko at pupunta na 'ko diyan|
"Sige, take care," inend ko naman agad yung tawag at pumunta na sa kwarto ni Zy upang gisingin siya. Ang baby ko tulog an tulog pa. Hinahaplos ko ang buhok niya at tinitignan siya. Kahit anong view ay hindi maipagkakaila na mag kamukha sila ng tatay niya. Kaya ayaw kong pumayag kay Haiden na magusap kami dahil alam kong tatanungin niya si Zy at ayaw kong ipaalam sa kanya na anak namin siya. After all ng ginagawa niya sakin? Hindi ko siya kayang patawarin at makasama sa iisang bubong. Aaminin ko, hanggang ngayon andito pa rin yung galit at sakit at kahit anong gawin niya hinding hindi ako babalik sa kanya.
Hinding hindi rin ako papayag na mukha niya si Zy sakin. Magkakamatayan na muna kami kung sakaling mangyari yon.
Napabalik ako sa katinuan ng gumalaw ang anak ko. Kinusot kusot niya ang mata niya at onti onting minulat ito.
"Mama.." ang galit na naramdaman ko kanina ay agad na nawala ng marinig ko ang boses niya. Yumuko ako upang mahalikan siya sa noo.
"Goodmorning my baby boy. Iloveyou, anak.." bumangon naman siya at nagpabuhat sakin.
"I lob you too mama.." inayos ko ang magulo niyang buhok at hinalikan siya sa noo. Buhat buhat ko siyang lumabas ng kwarto at nagtungo kami sa kusina. Pinaupo ko siya sa isang silya at naglabas ng maiinom na tubig. Mamaya maya pa ay bumukas ang pintuan at iniluwa neto si Eroll na nakasuot ng simpleng white shirt at pantalon.
"Dada!" Masayang tawag sa kanya ni Zy ng makita niya si Eroll kaya agad niya itong binuhat.
"How's my baby?"
"I'm otey dada"
"Binantayan mo ba si mama habang wala ako?" Tumango tango naman ang anak ko na may ngiti sa labi.
"Tama na muna yan kumain na muna tayo dahil may pasok pa ako," pagagaw ko sa atensyon nila. Pinaupo niya naman si Zionne at lumapit siya sakin upang halikan ako sa noo.
Inuna kong pinakain si Zionne dahil hindi niya pa kayang kumain magisa. Natatapunan lang pagkain niya kaya naman habang sinusubuan ko siya ay kumakain rin ako.
"May pasok ka?" Tanong ko kay Eroll.
"Wala, hindi na muna ako papasok dahil kauuwi ko lang kaninang madaling araw,"
"Dada punta tayong Jobee mamaya," napatingin ako kay Zionne. Umagang umaga jollibee agad ang nasa isip ng anak ko. Tumawa naman si Eroll.
"Sure baby," tinignan ko siya ng masama.
Ito kasi ang ayaw ko sa kanya e, masyado niyang inispoiled ang anak ko. Ayaw kong binibigay niya lahat ng gusto ni Zionne dahil kapag yan nasanay na ibibigay lahat ng gusto niya ako ang kawawa.

BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
RomanceLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...