Takbo lakad ang ginagawa ko habang tinutungo ang room ni Haiden. Yakap yakap ko ang paper bag na bigay sakin ni Ate Hannah. Hindi ko na nga naisip na sumakay sa elevator. Sa hagdanan nalang ako naglakad. Napahinto ako ng may nakita akong nurse sa side ng kwarto niya. Hindi ito ngumiti at yumuko lamang siya. Kinakain na ako ng kaba. Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay may nakaharang sa lalamunan ko. Humugot ako ng malalim na hininga at patakbong pumasok sa kwarto niya.
I freeze when I saw him sitting on his bed while he's reading my letters to him. Nasa side ang doctor niya at masaya akong tinanguan. I can't believe! It feels like im dreaming.
"Bat ngayon ka lang? You're late," sabi niya ngunit hindi nawala ang ngiti niya sa labi.
Oh god! Patakbo akong lumapit sa kanya. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang yakap yakap kong paper bag. I hugged him like this is the last. Hindi ko na rin mapigilan ng umiyak. Tears of Joy! Worth it lahat ng hirap at pagod ko. This is what I prayed for. Ang magising siya ng mabuo na kami.
"I missed you so much.." I said while sobbing.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko at hinaplos ang buhok ko.
"I missed you too mahal.."
Ilang minuto ang tinagal namin sa ganong posisyon. Nakausap ko na rin ang doctor niya. Kailangan pa namin magstay dito para makapag recover siya ng maayos.
Pagkalabas nila ay isinara ko na ang pinto at suminghap. Tumingin ako sa kanya at sumalubong sakin ang nakangiti niyang mukha. Agad akong lumapit sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan 'to.
"Nabasa ko yung nasa notebook, ano yung mga yon?" Tanong niya.
"Mga araw na nagdaan kung anong nangyari habang wala kang malay"
"So pumunta pala dito sila mama? Anong sinabi nila sayo?"
Kwinento ko sa kanya kung anong buong nangyari noon at bumuntong hininga siya
"S-sinabi mo yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo. Yun nalang ang naisip kong tanging paraan para tumigil na sila sayo."
"Alam mo na ba?" Nagaalanganin niyang tanong.
"Oo,"
"Magpapaliwanag ako," kinakabahan niyang sabi niya kaya pinisil ko ang kamay niya
"Wala kang dapat ipaliwanag kasi alam ko na. Okay na ako, hindi ako galit," sabi ko at nginitian siya.
"Upo ka dito," utos niya. Agad naman akong sumunod at umupo sa kama niya at niyakap ako ng mahigpit.
"Ikaw pa rin ang pipiliin ko kahit na buhay ko ang kapalit"
"Ikaw rin ang pipiliin ko hanggang sa huli Haiden, mahal kita at walang nagbago doon,"
"Tinatanggap mo na ba ako ulit?" Tanong niya
"Gusto ko ng kompletong pamilya. At oo, tinatanggap na kita" nakangiting saad ko.
Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi.
"So ibig sabihin ba niyan pwede na natin gawan si Zionne ng kapatid?" Pilyong ngumiti siya
"Manyak ka talaga kahit kailan,"
"Nagbibiro lang ako mahal,"
"Anong gusto mo? Nagugutom kana ba?" Tanong ko
"Gusto ko ng apple mahal,"
Tumayo agad ako upang maghiwa ng apple na makakain niya. Akala ko naman siya lang ang kakain pero habang kumakain siya sinusubuan niya rin ako.
BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
Любовные романыLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...