Umuwi ako ng bahay na ang bigat bigat ng buong katawan ko. Ni hindi ko nga naramdaman na andito na pala ako sa amin kung hindi pa ako sinigawan nung driver. Lutang ang isip ko hanggang ngayon.
Nadatnan ko ang anak kong naglalaro sa sala samantalang si mama ay nanunuod. Agad siyang napatayo ng makita niya akong pumasok ng bahay.
"Mama!" Salubong sakin ng anak ko. Lumuhod ako sa upang magpantay kaming dalawa at ngumiti ng pilit.
"Kumusta ang baby ko?"
"Okay lang ako mama. Nasan po si papa, ma?" Napangiwi ako dahil sa tanong niya. Humugot na muna ako ng malalim na hininga at tinignan si mama na nasa harapan ko din.
"Hmmm... May ginagawa si papa, anak kaya hindi s-siya makakauwi ngayon,"
"Uuwi pa siya satin, ma?"
Ngumiti ako ng mapait at tumango. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang namumuong luha sa mata ko. "O-oo anak... Uuwi si papa satin."
"Hindi niya po tayo iiwan?" Hindi ko alam ang isasagot ko dahil maski ako, tanong ko iyan sa sarili ko na hanggang ngayon ay wala akong sagot. Lumapit nalang ako sa anak ko at niyakap niya ng mahigpit at doon na tuluyan bumagsak ang luha ko. I wiped my tears bago ko tinignan muli ang anak ko.
"Maglaro kana, maguusap na muna kami ni mommy lola," saad ko. Mabilis naman tumango ang anak ko at bumalik sa paglalaro.
"Tara sa kusina," saad ni mama kaya naman sinundan ko siya kaagad doon. Hinila ko ang isang upuan sa harap ng mesa at umupo doon.
"Ano ba kasing nangyari anak at naaksidente si Haiden?" Naguguluhang tanong sakin ni mama. Hindi ko na itinago ko at hinayaan kong tuluyan na tumulo ang masagana kong luha ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang paghikbi ko.
"K-kasalanan ko lahat ma..."paninimula ko. Hanggang ngayon ay naninikip ang dibdib ko. Lubos pa rin akong nasasaktan sa nangyari sa kanya. "....Hindi ako sa usapan namin lalo na't birthday niya iyon.. Sinabi ko nalang sana na hindi ako makakapunta, E-edi sana hindi siya naghintay. Kung hindi sana ako tanga at sinigawan siya e-edi sana... E-di sana wala siya sa hospital ngayon.." tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking palad at hinayaan ko na rin ang sarili ko sa paghikbi. Ang bigat ng dibdib ko, kumikirot ang puso ko at kahit umiyak ako hindi pa rin nababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Para akong pinipiga ng paunti unti. Nakakamatay ang sakit na nararamdaman ko ngayon lalo na't sa isipan ko, ako ang dahilan kahit nasa ganong sitwasyon siya ngayon.
Lumapit sakin si mama at niyakap ako ng mahigpit kaya isinandal ko nalang ang sarili ko sa kanya. Ito ang kailangan ko ngayon, mahigpit na yakap at suporta sa pagsubok na haharapin ko magisa. Problemang ako ang nagumpisa. Paano ko aaminin ang nararamdaman ko sa kanya gayong ganon ang kalagayan niya? Paano ko sasabihin na bumalik na siya dahil handa na akong tanggapin siya ulit sa buhay namin ng anak ko. Paano ko sasabihin na magsimula ulit kami at kalimutan na namin ang nakaraan naming pilit na sumisira sa amin ngayon. Paano? Kung ultimo ang doctor na tumitingin sa kanya ay hindi alam kung kailan siya magigising.
Tanging ang kailangan naming gawin ang maghintay. Maghintay kung kailan siya magigising o kung kailan siya susuko. Ang sakit! Lalong kumikirot ang puso ko tuwing naiisip kong susuko siya. Ayaw kong maiwan kami ng tuluyan ng anak ko. Siya nalang ang meron kami ngayon. Ito na ang pagasang mabubuo kami sa wakas ngunit nananadya ata ang tadhana dahil sunod sunod ang problemang napagdadaanan namin.
"Tatagan mo ang loob mo ngayon anak. Dito nasusukat ang lakas at tapang mo. Ikaw ang kailangan ni Haiden sa gan'tong problema. Hindi man siya magising sa ngayon, alam kong lumalaban siya hindi para sa kanya kundi para sa inyong dalawa,"
BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
RomansaLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...