Ng magpaalam sila Maria upang kumuha ng pagkain nila ay agad kong hinila si Yssa sa lugar na walang gaanong tao.
"Tang'na anong problema at nanghihila ka nalang bigla bigla?" Inis na tanong niya at napahawak sa kamay niya.
Napasabunot ako sa sarili ko at malungkot na tinignan siya.
"S-sila na ba?"
"Aba ewan ko. Last week lang din kami nagkaroon ng communication ni Maria dahil nakita ko siya sa Mall non," paliwanag niya. Tinignan ko siya ng seryoso at napabuga.
"Anak ba nila yung bata, yssa?" Hindi ako mapakali. Gusto kong malaman kung sila ba o hindi dahil yung batang lalaki ay nakikita ko ang sarili ko sa kanya nung bata ako.
"Hindi ko alam. Ang sabi ni Eroll anak daw nila yon," tumalikod ako sa kanya at sinabunutan ang buhok ko. Tang'na ang sakit.
Umaasa akong makikita ko siya pero hindi ko naisip na maaring hawak na siya ng iba.
"Yssa nasasaktan ako," iyon na lamang ang nasabi ko. Ang sakit kasi ng didib ko. Kumikirot at hindi ko mapigilan hindi makaramdam ng galit. Galit ako sa sarili ko. Hinawakan niya naman ako sa braso
"Hindi pa naman sigurado kung sila ba o hindi. Why don't you try talk to her? Ng sa ganon naman ay malinawan ka," napapikit ako ng mariin. Gustuhin ko mang kausapin siya ay hindi ko alam kung paano ko sisimulan lalo na't bakas sa boses niyang galit siya sakin.
Napatingin ako sa kinaroroonan nila ngayon at masaya silang kumakain. Tumatawa si Maria habang sinusubuan ang batang kasama niya, ang anak niya.
"Yssa, paano kung anak ko yung batang kasama nila?" Napatingin sakin si Yssa at nanlaki ang kanyang mga mata.
"Oh my God. Don't tell me sa loob mo pinuputok tuwing nagsisiping kayo?" Hindi ako sumasagot. Nanatiling akong nakatingin sa kanila hanggang sa tumayo si Eroll upang sagutin ang tawag. Pinagmamasdan ko lamang sila hanggang sa maging malungkot itong bumalik sa pwesto nila Maria. May sinasabi siya kay Maria at ngumiti lamang siya. Hinalikan niya si Maria sa noo ganon din ang bata bago siya umalis.
"Mukhang nakikisama ang tadhana. Kung swineswerte ka nga naman, o," giit ni Yssa. Tinignan niya naman ako, "Ano pang hinihintay mo? Lapitan mo siya at kausapin wag kang tanga diyan," iyon na lamang ang sinabi niya bago niya ako nilayasan.
Bumuntong hininga ako upang mailabas ang kabang nararamdaman ko. Alam kong galit siya ngunit gusto kong magtanong. Gusto ko siyang kumustahin at kung anak ba nila ni Eroll yung batang kasama niya. Habang hinahakbang ko ang mga paa ko papunta sa kanila ay mas nilalamon ako ng matinding kaba. Pota sa buong buhay ko never akong kinabahan ng gan'to. Ngayon palang.
Ng makalapit ako sa kanila ay tinignan niya lang ako taas baba at itinuon ang atensyon niya sa anak niya. Pota nasaktan ako don, ha. Pero kailangan kong magtiis. Naguumpisa palang ako.
"Maria, can we talk?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi niya man lang ako sinagot o tinignan. Sinusubuan niya lang yung bata.
"Mama, I wanna play with them," masayang saad ng bata. Ang gwapo niya. Ang bilog ng kanyang mata, ang mahaba niyang pilik mata na nakuha niya sa mama niya, ang ilong niyang ang liit, ang pisngi niyang ang taba taba at ang manipis niyang labi. Isa lang ang masasabi ko, gwapo ng batang to.
"No baby. Hintayin natin si Dada Eroll dito at uuwi na tayo, okay? Open your mouth," ika niya at sumunod naman ang bata upang isubo ang pagkaing nasa kutsara.
"Maria, pwede ba tayo magusap?" Ulit ko pero nilakasan ko na onti ang boses ko para makuha ang atensyon niya.
"Why do you want to talk with my mom?" Inosenteng tanong ng bata. Umupo ako at akmang hahawakan siya ng magsalita si Maria.
BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
عاطفيةLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...