KABANATA 6

2.4K 76 9
                                    

Wala ako sa sariling umuwi ng bahay. Ginugol ko lamang ang oras ko sa pagtratrabaho. Hindi pa rin mawala sa utak ko yung nangyari kanina. Ang kapal masyado ng mukha niya para tanungin ako kung siya ba ang ama. Naawa ako sa anak ko dahil alam kong lalaki siya at hahanapin yung sino ba yung totoong ama niya pero sa ngayon ay hindi ko pa pwedeng ipakilala ang ama niya. Hindi ko kaya. Naisip ko palang na makakasama ko yung lalaking yon sa iisang bahay para na akong pinapatay sa galit at sakit ng nakaraan na dulot niya.

Mag ala sais na pero wala pa rin sila Eroll. Kaya naglinis na muna ako ng bahay at nagluto ng kanin para naman kahit papano malibang ko ang sarili ko. Para akong pagod na pagod at nawalan ng lakas dahil sa lalaking iyon. Nagtungo ako sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig sa ref. Mamaya maya pa ay may narinig akong bumusina. Inubos ko muna ang sinalin kong tubig sa baso ko bago ko binuksan ang pintuan. At tama nga ako, sila Eroll nga. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis ang sinalubong ang masaya kong anak na tumatakbo palapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Mama,"

"Imissyou baby,"

"Mama, dada bought me a new toys," masayang saad niya. Inayos ko naman ang buhok niya.

"Mukhang nagenjoy talaga kayo ni Dada Eroll, ha," tumango tango naman siya. Kinuha niya yung mga bitbit ni Eroll na laruan niya at pumasok na ng tuluyan sa loob ng bahay. Tinignan ko si Eroll at nginitian ng pilit. Lumapit naman ako sa kanya upang yakapin siya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Amoy na amoy ko naman ang mabango niyang pabango. Hinaplos niya ang buhok ko at naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.

"Hey, are you tired?"

I nodded.

"Pwede bang dito ka nalang muna matulog? I badly need you," saad ko. Hindi ko na kasi kayang kimkimin pa lalo na't nahihirapan ako ngayon sa siwatsyon naming dalawa.

"Ria, may nangyari ba?" Bumuntong hininga ako.

"Oo. Kaya gusto kong dito ka muna matulog para maikwento ko sayo lahat," tumango naman siya.

"Sige. Buti nalang at may dala akong damit sa kotse," kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at nginitian siya.

"Thankyou. Tara na sa loob at magluluto ako ng ulam natin," tumango naman siya at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Iniwan ko muna sila sa  sala para makapagluto ng ulam. Adobong manok nalang ang lulutuin ko dahil favorite iyon ni Zionne. Napapadami siya ng kain kapag yon ang ulam. Hindi naman mapili yung anak ko sa ulam pero ayaw na ayaw niya lang talaga ng ampalayang bunga at dahon. Kaya kapag gusto kong kumain ng ampalayang bunga na may itlog ay nagluluto nalang ako ng hotdog na ulam niya.

Ng maluto ko na yung ulam ay naghain na agad ako at tinawag silang dalawa. Nagtatawanan silang pumunta ng kusina habang buhat buhat ni Eroll si Zy. Napangiti ako. Para silang totoong magama. Pero pagtitignan sa itsura ay hindi sila magkamukha. Hindi maikakaila na anak siya ni Haiden dahil magkahawig sila. Tanging ang mata, pilik mata at pisngi ko lang ang nakuha niya sakin. The rest, kay Haiden na lahat.

"Mama, mahal mo po si dada?" Tanong sakin ng anak ko na nakaupo na ngayon sa upuan niya.

Napangiti ako

"Ofcourse baby. Mahal ko kayong dalawa,"  tinignan ko naman si Eroll na nakatingin sakin na may matamis na ngiti. Umupo na rin ako sa tabi ng anak ko at habang kumakain ako ay sinusubuan ko siya. Hindi ko mapigilan hindi mapangiti dahil ang daldal niya Tawa siya ng tawa habang nagkwekwento siya. Kwinekwento niya na pumunta sila ng  Jollibee at naglaro buong maghapon sa quantum. Sumabat naman si Eroll

"Alam mo ba, habang naglalaro kami ng basketball umutot yan si Zionne ang bantot," natatawang saad ni Eroll kaya naman natawa na rin ako. Ginaya niya pa talaga yung tunong nung utot niya kaya tawang tawa si Zionne habang kumakain kami.

Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon