"Tapos kana mahal?" Tanong sakin ni Haiden at niyakap ako sa bewang ko. Nararamdaman ko ang labi niyang hinahalikan ang leeg ko. Napapikit ako.
"Ang ganda talaga ng asawa ko," komento niya. Nasa harapan kasi kami ngayon ng salamin at parehas kaming naka suot ng Red Shirt.
Hinaplos ko ang pisngi niya at ngumiti, "It's been 4 years since we get married pero yung spark parang nung Senior High School pa din. At ikaw, walang pinag bago. Ikaw pa rin ang gwapo sa paningin ko," saad ko sa kanya. Simula nung ikasal kaming dalawa ay mas lalo kong naramdaman kung gaano niya ako kamahal. Ang pagaalaga niya samin ni Zionne hanggang sa magkababy kami ulit.
"Haiden, Maria, baba na daw kayo kanina pa kayo hinihintay nila mama," boses pa lamang niya ay alam na alam ko na. Si Ate Hannah iyon. Narinig ko na lamang ang papaalis na yabag.
"Tara na mahal, baka kanina pa tayo hinihintay," ika ko. Muli kong inayos ang suot kong damit na pinaresan ko ng high waist white na pantalon.
Pababa na kami ng hagdan at kitang kita ko sila mama na masayang naguusap kasama ang magulang ni Haiden. Samantalang ang mga anak ni ate Hannah at sila Zionne ay busy sa kanilang laruan.
"Hello, ma," bati ko sa mama ni Haiden at hinalikan ito sa pisngi ganon din si mama.
"Ang tagal niyo naman. May balak na ba kayong sundan agad si Zianne?" Tanong sakin ni papa, ang papa ni Haiden.
"Okay lang naman pa, magdodonate lang naman ako ng sperm e," sagot ni Haiden na siyang ikinatawa nilang lahat. Tinignan ko naman siya ng masama
He chuckled and he kissed my forehead, "Just kidding, love."
"Happy New Year!" Napatingin kaming lahat sa pintuan ng pumasok ang mga maiingay kong kaibigan. Lumapit sila samin at naghalikan sa pisngi.
"Hello baby, Shiela, how are you?" Tanong ko sa anak ni Jenny. Napaka ganda netong bata manang mana sa nanay niya.
"Im good tita ninang. Where's... Where's...."
Napangiti ako, "Zionne?"
Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi kaya mas lalo akong natawa. "There," turo ko sa gawi ng anak ko kung saan binabantayan niya ang kapatid niyang si Zianne.
Hinalikan niya ang pisngi ko, "Thankyou tita ninang," saad niya at patakbong papunta sa kanila.
"Nako, baka naman maging balae kita in the future be," saad ni Jenny na mas lalong ikinatawa nila.
"Mukha nga," sagot ko.
"Pumunta na din kayo sa kanila, baby," sabi ni Angel sa anak nila ni Rhona. 4 years old na din ang anak ni Angel at babae ito ganon din kay Rhona ngunit lalaki ang anak niya.
"Let's go?" Tanong ni Samara kay Kurt at inilahad nito ang kamay sa harap niya. Ngumiti naman si Kurt at hinawakan ang kamay neto at sabay silang naglakad. Napatingin nalang kaming magkakaibigan dahil sa asta ng mga anak namin
"Hindi masama," sabay sabay naming sagot. Inilagay nila ang dala dala nilang Regalo sa harap ng malaking Christmas Tree bago kami nagkwentuhan.
Nagtungo kami sa Pool Area kung saan nakalagay ang mga pagkain. Napagkasunduan kasi namin na magkakasama nalang ulit ngayon bagong taon ng mas madami at masaya gaya noon.
Okay na rin kami ng parents ni Haiden. Tanggap na din nila kami simula nung nag propose siya sakin at kasabwat din pala sila non. Hindi ko yun inexpect kasi hindi maganda ang una naming pagkikita namin and good thing dahil maayos na ang lahat. Nagtatampo pa nga si Haiden dahil mas tinuturin nila akong anak kesa kay sa kanya. Mas mahal daw nila ako kesa sa kanyang na totoo nilang anak.
BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
RomantikLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...
