KABANATA 7

2.3K 77 5
                                        

"Mag wholeday ka ba ngayon?" Tanong sakin ni Eroll. Hinatid niya kasi ako ngayon dito sa trabaho. Hindi na sana ako magpapahatid kaso saktong papasok siya ng trabaho kaya nakisabay na rin ako.

Tumango ako, "Oo kailangan kong pumasok maghapon para matapos na yung pinapagawa sakin ni Maam Buena," last week niya pa yun pinagawa sakin pero dahil ako ang nagayos ng mga files ay hindi ko natapos.

"Bakit pala?" Tanong ko.

"Aayain sana kita kumain pero dahil busy ka, mamaya nalang paguwi mo. Sunduin kita dito, okay?" Napangiti ako ng pagkatamis tamis sa kanya.

"Gusto ko yan! Kailangan ko din yan dahil ang tagal ko ng 'di lumalabas,"

"Tamang tama pala. O sige na, pasok kana at baka malate ka pa," tinignan ko ang wrist watch ko tas 10minutes bago mag 8 na pala. Tinanggal ko ang seat belt ko at inayos ang bag ko. Tinignan ko naman siya.

"Magiingat ka sa pagdadrive ha? Itext mo ako kapag nasa trabaho kana," he smiled sweetly. Ang gwapo din naman ng lalaking 'to.

"Sounds sweet. Oo magiingat ako," lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo. Iyon talaga ang hinihintay ko bago ako bumaba ng kotse. I waved at him ng paalis na siya. Tsaka lang ako pumasok ng makalayo na ang sasakyan niya.

"Goodmorning, Maam" bati sakin ng mga security guard

"Goodmorning din ho," bati ko at nag sign sa log book.

Habang naglalakad ako patungo sa opisina ay binabati ako ng mga ka office mate ko ganon din ang mga nagtratrabaho dito. Inilapag ko ang bag ko sa mesa ko ng makarating ako at inopen ang laptop ko.

"Ang ganda ng umaga, ha. Ang ganda ng ngiti. Anyare?" Tanong ni Abby at tumabi pa talaga sakin.

"Wala no, ano ka ba," ika ko ngunit hindi nawawala ang ngiti sa labi ko.

"Anong wala? Ngiting ngiti ka nga e. Parang may magandang nangyari sayo. Kwento kana dali," pangpipilit niya.

"Wala nga. Masaya lang ako dahil nakagala ulit yung anak ko kahapon at ang saya saya niya," pagsisinungaling ko.

"Oo nga pala, kumusta na yung baby mo? Palaki na siya ng palaki at pa gwapo ng pagwapo. Ilang taon na ulit yon?"

"Apat na taon palang,"

"Paki alagaan ng mabuti yung anak mo. Baka kasi siya talaga ang nakatadhana sakin," ang sarap ng tawa ko dahil sa sinabi niya. Napaka sira talaga ng babaeng 'to.

"Baka gusto mong makasuhan ng child abuse," pambibiro ko.

"Nako kung ganon ba naman kagwapo papatusin ko na kahit mas bata sa'kin," giit niya. Napabalik naman siya sa table niya  ng dumating ang boss namin.

"Goodmorning, Sir" bati ko sa kanya. Nginitian niya naman ako.

"Morning" sagot niya at diretso lamang patungo sa conference room.

"Ang gwapo rin ni Sir, no? Ang sarap" kinikilig na sabi niya. Napailing nalang ako dahil sa mga pinagsasabi niya. Kanina yung anak ko lang ang gwapo tapos ngayon si Sir na naman. Halos lahat na ata sa kanya gwapo e.

Ngayong umaga hindi ko alam kung bat ang saya saya ko. Basta nagising nalang ako na may ngiti sa labi at parang walang problemang pasan. Nadatnan ko pa nga si Eroll na nagluluto sa kusina kanina e. Bumungad pa ang nakakapang akit niyang ngiti. Masaya lang kaming kumakain kanina. Hinatid na muna namin si Zionne bago ako.

Simula kagabi, ang saya saya ko na tuwing nakikita ko si Eroll. I feel safe when Im with him. Nawawala ang lungkot ko pati ang problema ko ay nakakalimutan ko tuwing nasa tabi ko siya. Sa loob ng limang taon, kagabi ko lang narealize kung gaano siya kahalaga sakin. Kung ano yung mga sacrifices na ginawa niya samin ng anak ko. Hindi siya mahirap mahalin dahil mabait siya at napaka responsableng lalaki. Hindi ko rin ikakaila na gwapo siya. Sa tutuusin ang daming nagkakagusto sa kanya nung Senior kami. Naalala ko pa, may college na nagkakagusto sa kanya. Narinig ko kasing pinaguusapan nila si Eroll at sinabing ang lakas daw ng appeal which is true naman kasi talaga.

Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon