Wala akong ginawa maghapon kundi ang bantayan lamang si Haiden. Tumawag din si mama dahil gusto raw akong kausapin ng anak ko. Umiiyak ito ng makausap ko siya, namimiss niya na daw ang papa niya, wala na daw siyang kalaro. Sabihin ko daw na umuwi na ito para hindi na siya umiyak. Hindi ko na naman mapigilan ang maiyak dahil sa sinabi ng anak ko. Hindi ako nagiisip ng mabuti, ganon pala ang impact ng mga desisyon ko. Hindi lang ako ang nahihirapan kundi pati ang anak ko. Ngayon, sa sitwasyon ako, ako ang nahihirapan at nasasaktan. May anak akong kailangan kong bantayaan ngunit meron din si Haiden na kailangan ako sa tabi niya. Hindi ko mahati ang katawan ko.
Kahit walang malay si Haiden ay kinakausap ko pa rin, nagbabakasakaling marinig niya talaga ako. Ang hirap mapagisa lalo na kapag sunod sunod ang problema. Ang hirap kapag magisa ka lang lumalaban. Hindi sapat ang sinasabi ng ibang tao. Oo nga't natutulungan ka nila financially pero mentally at physically hirap na hirap na ako.
Lalabas na muna sana ako ng room ng bumili ng pagkain ko ng saktong may babaeng papasok rin sa kwarto ni Haiden. Napaka ganda netong babae at napakaputi. Nakadress siya ng kulay red kaya lutang na lutang ang kaputian neto. Parehas lang kami ng kulay ng buhok ngunit mas mahaba ang buhok niya. Girl version ni Haiden.
"Hi, Dito ba ang room ni Haiden Galiza?" Nakangiting tanong neto. Mas lalo siyang gumanda nung ngumiti siya. Ang gaganda din ng ngipin niya.
Tumango ako.
"Opo, dito nga po. Sino po sila?" Tanong ko kahit obvious na kapatid siya ni Haiden.
"Ow, Im Haiden's older sister. By the, way, I'm Hannah," pakilala niya at inilahad neto ang kamay sa harapan ko kay tinanggap ko ito.
"Ako po pala si Mari--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Maria. Ang babaeng kinababaliwan ng kapatid ko," pagkasabi niyang yon ay natawa siya kaya naman namula ang mukha ko.
"You're cute. May I come in?"
Napakurap ako at ngumiti sabay tango. Niluwangan ko naman ang bukas ng pintuan ng makapasok siya sa loob. Lumapit siya kay Haiden at hinalikan ito sa pisngi.
"Kawawa naman ang kapatid ko. He don't deserve this.." malungkot sa saad ni Ate Hannah. Napakagat ako sa ibaba kong labi. I know, he don't really deserve this. It's all my fault. Ang tanga tanga ko kasi.
"Maria, can we talk?" Ika ng ate niya ngunit nanatiling nakatalikot ito. Mukhang pinupunasan ang luha niya. Tumango ako kahit na hindi niya naman ako nakita.
"Sige po,"
Umupo na ako sa isang couch ganon din siya. Pinupunasan niya ang kanyang mata gawa ng luha niya. Suminghap siya at naawang tinignan si Haiden.
"Simula nung bata kami, wala akong masabi sa kapatid ko.. napakabait niyang bata. Laging sumusunod kila mommy at daddy kahit na nahihirapan siya. At the age of 14, doon na siya nahirapan.." nangingilid na naman ang luha sa kanyang mata.
"Pinipilit siya nila daddy na magtake ng course na doctor kahit pa ayaw niya. High school palang siya noon, ha." Ika niya at ngumisi.
"But my parents didn't understand that, Hindi niya pinangarap maging doctor. Ayaw niya rin mapahiya ang magulang namin dahil alam niya sa sarili niya na hindi niya maipapasa yon. Since that day, nagiba ang trato sa kanya ng magulang namin.." tumulo ang isang butil ng luha ni Ate Hannah.
"He did all his best just to make them proud of him but my parents didn't see his efforts. Balewala lang lahat ng yon sa magulang ko dahil hindi niya sinunod ang gusto nila. Pero napakalaki ng respeto niya sa magulang namin, wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kanya.." humikbi siya. Hindi ko na rin maiwas ang maiyak.

BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
Любовные романыLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...