KABANATA 22

1.8K 90 7
                                    

Ng makarating ako sa room ni Haiden, nadatnan ko si Archie na nanunuod. Napatingin siya sakin ng buksan ko ang pintuan. Pumasok na ako ng tuluyan sa loob at inilapag sa couch ang mga dala kong bag.

Bakas sa kanyang mukha na naboboring na siya dahil hindi na 'to maipinta. Medyo natagalan din kasi ako kaya hindi ko siya masisisi.

"Kumain kana?" Tanong ko sa kanya.

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kanyang daliri at umiling, "Hindi pa. Sa labas nalang ako kakain,"

Lumapit ako kay Haiden at hinalikan ang kamay niya. Andito na ako mahal.

Muli kong tinignan si Archie at napasinghap, "Hindi pa rin ako kumakain,"

Kunot noo niya akong tinignan, "Bakit hindi ka kumain sa inyo?"

"Wala akong gana.."

Narinig kong napa-tsk siya.

"Baka gusto mong ikaw naman ang sumunod kay, Haiden. Kumain ka, hindi magugustuhan ng kaibigan ko kapag binabayaan mo ang sarili mo."

Napangiwi ako. Alam ko naman yon, tandang tanda ko pa kung paano niya ako alagaan before. Binibili niya lagi ang mga paborito kong pagkain, nilulutuan niya ako. Lahat ng mabubuting ginawa niya sakin non, hindi ko pa rin limot. Napaka sinungaling ko lang sa sarili ko dahil kahit anong sabihin kong binaon ko na siya sa limot, tandang tanda ko pa rin ang masasayang ala-ala naming dalawa.

"Halika na, iwan na muna natin siya dito at sumaglit tayong kumain sa canteen.."

Hindi ako nakasagot agad. Nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako dahil walang kasama dito si Haiden. Baka mamaya kung anong mangyari sa kanya ay mas lalong hindi kakayanin ng konsensya ko.

Parang nabasa naman ni Archie ang nasa utak ko.

"H'wag mong isipin si Haiden, walang mangyayaring masama sa kanya. H'wag kang nega, nagpapagaling lang siya.."

Bumuntong hininga ako at tumango. Hinaplos ko ang kamay niyang hawak hawak ko. Hinalikan ko siya saglit sa pisngi.

"Hintayin mo ako mahal..."bulong ko bago kami lumabas ng room niya.

"Kaya mo bang magbantay ngayon?" Kunot noo kong tinignan si Archie.

"Oo naman"

Tumango siya, "Uuwi ako. May kailangan akong ayusin bukas ng maaga kaya hindi kita masasamahan sa pagbabantay,"

Umiling ako, "Ano kaba Archie, okay lang ako. Tsaka salamat rin dahil sinamahan mo ako maghapon.."

"Wala yon, parang kapatid ko na rin si Haiden. Kahit ano gagawin ko lalo na't ganyan ang sitwasyon niya ngayon.."

Napabuntong hininga ako

"Archie, what if..."

"H'wag mo ng ituloy," pagpipigil niya. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko. "Paulit ulit ko ng sinasabi sayo 'to, hindi basta basta sumusuko ang kaibigan ko. Magpakatatag ka. Wala siyang malay pero maniwala ka man o hindi, naririnig ka niya." Tumango nalang ako.

Masisisi niyo ba ako? Hindi ko maiwasan magisip ng negative lalo na't ganon ang kalagayan niya. Kumbaga nakahukay na ang kalahati ng katawan niya. Hindi ako makapagisip ng matino. Laging si Haiden ang nasa utak ko.  Yun pa ang isa sa mga rason kung bakit hindi ako makakain ng maayos. Nawawalan ako ng gana lalo na kapag sariwang sariwa sa isip mo ang itsura niya habang nakahiga sa kama niya. Ang katawan niyang napakaraming apparatus. Sinong hindi maawa doon? Para akong dinudurog paunti unti tuwing siya ang nakikita ko pero nilalabanan ko lang ang takot ko.

Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon