KABANATA 11

2.2K 95 5
                                        

Hindi ko magawang tignan si Haiden. Malamang ay naguguluhan siguro siya sa ngayon. Nagdadalawang isip din ako kung sasabihin ko ba talaga kay Zionne ang totoo o hindi. Pero kasi andito na kami e, nakita na niya ang totoo niyang ama. Kakausapin ko muna si Haiden mamaya ng sa ganon ay maging handa siya at magkalinawan kami. Wala na din namang sense na ilihim ko pa sa kanya ang anak namin. Alam kong malaman at malalaman niya din kung ano ang totoo.

"Hi big boy. Where do you want to go?" Pagtatanong ni Haiden sa kanya dahil hindi siya kinakausap ng anak ko. Ni hindi nga niya magawang sagutin si Haiden sa tanong niya o tignan e. Kita ko naman ang paglungkot niya habang nakatingin sa daanan.

"Anong gusto mong kainin? Gusto mo ba ng fries? Burger?" Tanong niya ulit but my son didn't respond. He just ignored his father like he didn't heard what he's asked.

"Alam mo ang daming toys sa bahay, gusto mo ba ng ganon? May mga cars don at transformers. Gusto mong maglaro tayo mamaya?" Tinalikuran siya ng anak ko at isunubsob ang mukha sa dibdib ko.

Tinignan ko naman si Haiden na bakas na bakas sa mukha niya lungkot at sakit. Lumunok din siya ng ilang beses. He smiled at me ngunit hindi iyon abot sa tenga niya. Ngiting pilit. Bumuntong hininga ako.

"Baby, he's talking to you. Bat hindi mo siya sinasagot?" Tanong ko sa anak ko at hinaplos ang buhok niya.

"Maingay po siya. I don't like him," napatingin ako kay Haiden at ganon pa din ang itsura niyo. Bumagsak ang kanyang balikat dahil sa narinig niya.

"You wanna go to Jollibee baby, right? Talk to him" pagkukumbinsi ko sa anak ko. Ngunit may katigasan din ang ulo niya dahil kahit anong sabihin ko hindi niya ako pinapakinggan.

Bumuntong hininga ako dahil pati ako ay suko na din sa paguugali ngayon ng anak ko.

"Gustong gusto niyang kumakain sa Jollibee. Isa sa mga poborito niya ang spaghetti, chicken at fries" pagoopen ko ng topic. Bigla naman siyang nabuhayan dahil sa sinabi ko.

"Gusto mo bang lutuan kita ng mga poborito mo bigboy?" Tanong niya ulit. This time, tinignan siya ng anak ko.

"Magaling ka po ba magluto?" Tanong niya.

Ngumiti naman siya. Ngiting masaya dahil finally, kausap na din siya ng anak ko. "Oo naman. Yun lang ba ang poborito mo? Wala ng iba?"

Hindi na ulit sumagot ang anak ko. Tinignan ko si Haiden at saktong nakatingin din pala siya sakin.

"He wants ice cream" i mouthed ngumiti naman siya sakin

"Gusto mo ba ng Ice cream? Paborito ko kasi yon, e" saad ni Haiden. Kita ko ang pagkabuhay ng anak ko dahil sa narinig niya. Ngumiti na din ito Haiden at kita ko ang panlalambot ng itsura neto.

"I want ice ceam" (cream) masayang saad ng anak ko

"Okay, anong flavor?" Ngiting tanong niya.

"Tsotolate" natawa kami pareho ni Haiden dahil sa  pagbigkas niya ng chocolate. Medyo may pagkabulol pa kasi ang anak ko dahil apat na taong gulang palang siya.

Kinuha naman ni Haiden ang cellphone niya sa kanyang bulsa at may tinawagan na numero.

"Hello, Bryan? Pabili ako ng isang kilong legs ng manok, limang kilo ng fries, spaghetti at dalawang galon ng ice cream, chocolate ang flavor ---- sige salamat" iyon na lamang ang sinabi niya at ibinalik ang kanyang cellphone sa bulsa niya. Tinignan niya ulit kami ng anak ko at ngumiti ng pagkatamis tamis.

Hindi na ako nagulat ng huminto kami sa harap ng isang malaking bahay. Familiar ang lugar na ito ngunit hindi na ako nagtanong dahil tiyak na babalik lang kami sa nakaraan namin.

Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon