Pagkatapos namin kumain agad nagpahinganna muna kami saglit. Andaming pagkain, napakabongga ng birthday ng batang yon. Kung sabagay, mayaman sila. Kaya nilang bilhin lahat ng gusto nilang bilhin.
Pagkatapos namin kumain ay dumiretso agad sa pool ang magama ko dahil kinukulit na naman ni Zionne ang papa niya na gusto niyang maglaro doon kasama ang mga batabngunit ang lolo niyo, nakisali sa mga batang maglaro.
"Zionne, tingin dito sa camera, anak," saad ko habang abala ako sa pagkuha sa kanilang mag ama. Ang gwapo kasi nilang tignan. Gusto ko naman na after netong celebration na ito ay may picture silang magama.
"Mama, lika sama ka samin," tawag sakin ng anak ko. Nginitian ko lang siya at tumango. Wala kasi ako sa mood magswimming ngayon.
"Halika na dito ang lamig ng tubig," sabi naman ni Haiden.
Bumuntong hininga ako at tinignan ang umaalon na tubig. Oo nga naman at mukhang nagtatawag pa ito na pumunta sa kinaroroonan nila.
"Ilalagay ko lang 'tong camera sa bag," paalam ko at naglakad patungo sa cottage.
Nasalubong ko naman ang boss kong papunta sa pool ngayon
"Hindi ka maliligo, Maria?"
"Maliligo po boss, ibabalik ko lang itong camera sa bag ko," nakangiting saad ko
"Don't call me boss. Tawagin mo nalang ako sa pangalan ko knowing na asawa mo pala si Mr. Galiza," naalala ko, magkakilala nga pala sila ni Haiden. Hindi naman siguro masama kung magtatanong ko sa kanya about kay Haiden diba? Tsaka andami kong katanungan sa sarili ko tungkol sa kanya na hanggang ngayon hindi pa nasasagot. Sabi niya magkwekwento siya bukas e pero dahil sa nalaman kong kakilala niya pala ang boss ko, magtatanong nalang ako kung paano nila nakilala ang isa't isa.
"Ahh.. Boss, pwede ko bang malaman kung paano mo nakilala si Haiden?" Nahihiyang tanong ko. Bigla namang bumuntong hininga si Boss
"Okay lang po kung ayaw mong ikwento, pasensya na po,"
"No, Im willing to tell you. Tara sa cottage niyo doon tayo magusap," sabi niya kaya naman nagtungo kami doon at umupo. Sa harapan niya ako umupo dahil baka iissue nila kami kapag nakita nila kaming magkatabi.
"Magkakilaka ang mama at mama ko. I met him nung birthday ng mama niya dahil invited kami," tumango ako.
"It was happened 3yrs ago, Nung birthday ng mama niya, doon ko nalaman na may something sila ni Chelsea. I like Chelsea, Actually Im courting her. Kaya pala hindi niya ako masagot sagot kasi may isang Haiden," hindi ako makasagot. Lumunok ako dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.
"May napagkasunduan ang magulang nilang dalawa pero si Haiden, hindi sumang-ayon. He refused the offer. Nung ginawa niya yon, Pinalayas siya sa kanila at tinakwil bilang anak. Hindi niya daw kayang tumanggap ng ibang babae dahil iisang babae lang daw ang mahal niya... And guess what? It was you, Maria,"
"....Nung pinalayas siya, nagusap na muna kami ulit bago siya pumunta sa ibang bansa. Hindi ko alam kung sa Canada ba or America. I already forgot it. Nagtrabaho siya doon, nagsumikap, at nagipon. Kaya siya nakapag patayo ng sarili niyang business, Nationwide,"
"Kaya nagulat ako kung bakit andito siya sa Isabela. Hindi ko alam na ikaw pala ang pakay niya,"
Hindi maprosesso ng utak ko ang mga sinasabi ni Sir. Bakit may kasunduan at sino yung Chelsea na yon? Hindi ba't sila noon ni Anne? Ano yon, after niyang makuha si Anne iniwan niya din tapos narealize niyang ako pala ang mahal niya? Dahil palansa Chelsea na iyon kay magkakilala sila ni Haiden.
BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
RomanceLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...
