Pinapanood ko lamang ang magama ko na naglalaro sa pool. Si Zionne ay nasa balikat niya na masayang tumatawa dahil nakikipaglaro sila sa ibang bata na sampa din sila ng ama nila sa balikat. Napatingin ako sa gate kung saan papasok na ang aming boss kasama ang kanyang pamilya pati ang kanyang pamangkin na mag bibirthday.
Kinalabit ko si Abby na busy sa pagseselfie
"Meron na sila Sir," saad ko kaya naman napaayos siya ng upo.
"Sht bakit ang gwapo ng boss natin?"
Napailing nalang ako. Aminado naman akong gwapo talaga ang boss namin. Nakasuot kasi ito ng simpleng polo shirt, maong na short at naka sunglasses. Kahit sino ay maagaw nito ang pansin mo.
"Tawagin mo na yung iba nating ka- officemate na nasa pool. Sabihin mong meron na sila. Pakisabi na din sila Haiden, Salamat," saad ko at nginitian ko siya
"Ikaw, ha. Inuutusan mo nalang ako," natawa naman ako.
"Sige na abby, ang sexy mo pa man din ngayon tiyak na mapapansin ka ni Boss,"
Namilog naman ang kanyang mata at nagpacute pa talaga
"T-talaga? O sige saglit lang at tatawagin ko sila," sabi niya at nagmadaling pumunta sa pool. Natawa nalang ako sa inasta niya dahil parang bata at napakadaling bolahin. Inayos ko ang tapis ko ng lumapit sakin ang anak ko at niyakap ako sa bewang.
"I lob you, mama,"
"Ang sweet naman ng anak ko, sandali at punasan kita," ika ko at kinuha yung towel na dala ko sa bag ko para punasan siya.
"Ma, laro tayo maya sa pool,"
"Opo mamaya maglalaro tayo. Puntahan na muna natin yung boss ni mama kasi meron na sila, opo?"
Tumango siya
"Opo,"
Ng mapunasan ko siya ay sinampay ko ito. Inabutan ko naman si Haiden ng towel niya para makapagpunas na rin siya.
"Ma, punas mo rin si papa," sabi ni Zionne
Tinignan ko si Haiden at tumutulo ang tubig sa mukha niya gawa ng buhok niyang basa. Napalunok ako ng pilyong ngumiti siya.
"Ma, punasan mo raw ako sabi ng anak natin," hindi ko kumilos sa kinatatayuan ko ng marinig ang sinabi niya. A-anong sabi niya? Ma? As in mama? Ang feeling talaga netong mokong na 'to.
"Malaki na si papa mo kaya na niya punasan sarili niya, anak," sagot ko kay Zionne.
"E bakit ako ma? Malaki naman na ako pero pinunasan mo ako. Hindi mo ba love si papa, ma? Ako nalang magpunas sa kanya," napailing nalang ako dahil sa sinabi ng anak ko.
"Hindi na baby, si Mama nalang ang magpupunas kay papa," pagsuko ko.
Lumapit ako kay Haiden at pinunasan ang basa niyang buhok pababa sa dibdib niya. Kita ko ang pagngisi niya.
"Mahal mo na ako, no?"
Inirapan ko siya, "At sino naman nagsabi?"
"Sus. Sabihin mo na kasi na mahal mo na ulit ako, mahal naman kita e," saad niya kaya tinignan ko siya. Doon ko lang narealize na sobrang lapit pala namin sa isa't isa. Bumilis naman ng tibok ng puso ko.
Hinawakan niya ang baba ko upang mas lalo umangat ang mukha ko. Ngumiti siya at kitang kita ko ang mapuputi at pantay pantay niyang ngipin.
"Mahal mo na ba ako, mama?" Tanong niya.
Tinulak ko naman siya onti para makalayo ako sa kanya. Tumawa naman siya. Bwisit 'tong lalaking to napaka Manyak may anak na nga lang kami.
"Nahihiya ka pa sakin e may anak na tayo," natatawang saad niya.
BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
Любовные романыLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...