Kinabukasan, nagising ako ng wala na si Haiden sa tabi ko. Tinignan ko kung anong oras na at 7:30 palang. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa baba. Nasa hagdanan palang ako ng maamoy ko ang masarap na niluluto niya. Agad akong nagtungo sa kusina at nadatnan ko siyang nagluluto. Hindi ako umimik, tinitigan ko lamang ang likuran niyang mapakaganda ng hubog. Wala kasi siyang pang itaas at tanging boxer lang ang suot niya. Para itong nag gygym. Ibang iba ang katawan niya noon sa ngayon. Ng mapansin niyang may nakatitig sa kanya ay lumingon siya sa kanyang likuran.
A sweet smile flashed on his face, "Goodmorning, kanina ka pa diyan?"
Tumikhim ako at umupo sa upuan na nasa harapan ng mesa, "Hindi, kararating ko lang," pagsisinungaling ko. Ayaw ko naman kasi aminin na yes, kanina pa ako dito at tinitignan ang topless mong katawan.
Habang naghahain siya ay tahimik lamang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Kinukumbinsi ko ang sarili ko kung totoo bang nakatabi ko si Haiden sa pagtulog. Sa limang taon na nakalipas, hindi sumagi sa isipan ko na magkikita at makakasama ko pa siya ulit dahil wala na akong balita non sa kanya. Sa isip isipan ko, Siguro ay masaya na sila ni Anne at baka kasal na din sila. Simula non, hindi ko na ulit siya inisip pa at tuluyan ko na siyang ibinaon sa limot.
"Eeey, are you okay?" Tanong niya sakin at hinawakan ang kamay kong nakapatanong sa mesa
I blinked, "Ano nga ulit yon?"
Nagpakawala siyang ng malalim na hininga and he looked at me straight into eyes, "Ang lalim ng iniisip mo. Tinatanong ko lang kung may kailangan ba tayong dalhin sa birthday na pupuntahan natin,"
Shocks! I almost forgot na may lakad pala kami ngayon. Ano ba yan!
"Wala tayong dadalhin. Pupunta lang ako ng mall mamaya para bumili ng swimsuit at isusuot ng Anak ko,"
"Samahan na kita," saad niya at nagumpisa na siyang mag sandok ng pagkain sa pinggan ko.
"And correction, anak natin dahil hindi yon mabubuo kung wala ako," ngumisi siya sakin at kumindat pa.
Hindi ko nalang siya sinagot at nagpokus nalang ako sa kinakain namin. Pasimple siyang sumusulyap sakin at mamaya ay ngingiti na parang tanga. Anong problema ng lalaki to?
"Anong nginingiti mo diyan?" Masungit na tanong ko
Nginuya niya muna ang pagkain na nasa bunganga niya and then he bite his lower lips. Napalunok ako ng wala sa oras. Kasi naman! Ang hot niya nung ginawa niya yon.
"I just can't believe na kasama kita ngayon kaya ako ngumingiti," nagiwas ako ng tingin.
"H'wag mo na akong titigan, hindi ako makakain ng maayos e,"
"But I love staring you. Hindi ka nakakasawang titigan at kahit kailan hindi ako magsasawang titigan ka,"
Ngumuso ako, "Sus. May nalalaman ka pang ganyan. Baka mamaya iiwan mo din kami ng anak ko. At sinasabi ko sayo Haiden Lucas Galiza, kapag ginawa mo pa yon hindi ako magdadalawang isip na tanggalin yang sandata mo," Ang sarap tuloy ng tawa niya dahil sa sinabi ko. Napangiti naman ako.
"Don't worry, hinding hindi na yon mangyayari. Hindi ko itataya lahat ng meron ako kung sa huli ay iiwan ko din kayo,"
Hindi ako sumagot at sumubo ng pagkain ko. Nginuya ko muna ang pagkain ko ng may maalala ako.
"Haiden, kapag ba nagtanong ako sayo about sa past natin magsasabi ka ba ng totoo?"
Tinignan niya ako sa mata, "Matagal ko ng gustong marinig yan sayo. Gustong gusto ko naman talagang magpaliwag kaso sarado ang isip mo,"
Bumuntong hininga ako, "E nasaktan mo ako e. Tsaka takot akong pagkatiwalaan ka ulit kasi mas nangingibabaw yung takot ko. Pero ngayon, gusto kong malaman kung anong nangyari,"
BINABASA MO ANG
Be Mine Again (COMPLETED BOOK 2)
RomanceLimang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay sila Haiden at Maria. Sa pagkakataong magkita sila ulit handa nga bang patawarin ni Maria si Haiden at tanggapin ito sa buhay niya o hahayaan niya na lamang ito dahil nakaya na niyang mabuhay ng wala...
