Chapter 4. Winnie The Pooh

64 4 35
                                    

Sol

Napamulat ako ng mata nang marinig ang ingay galing sa pinto. Sino ba iyong kumakatok? Naputol tuloy ang panaginip ko na nakakakain din ako nang marami at hindi tumataba.

Bagot akong tumayo at tila zombie at naglakad papuntang pinto. Nakapikit parin ako at daladala ko pa ang unan na nang buksan ko ang pinto.

Idinilat ko nang kaunti ang aking mga mata. I guess I shouldn't be suprised to see gray eyes standing behind the door.

Este, si 'Aku' pala.

Nakita kong tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa bago ngumisi at sinabing "Good morning, fresh human. May I come in?"

Agad ko namang ibinagsak ang pinto pasara sa mukha niya. Anong akala nya sakin, gulay?

Bumalik ako sa higaan para matulog ulit ngunit nakarinig ako ng sunod sunod na katok sa pinto.

Iritado ulit akong tumayo at pinagbuksan ang bwisit "Anong kailangan mo?" Singhal ko kay Aku.

Nanatili lamang na entertained ang kaniyang mga mata. "May I come in?" tanong niya ulit.

"Pumasok ka na!" naiinis na sabi ko, umagang-umaga nambubwisit. Bumalik na ako sa loob at dumiretso ulit sa kama para matulog muli.

Narinig ko naman ang mga yapak niya at pagupo sa single couch. Pati na rin ang tunog ng paglapag ng mahaba niyang stick at kung anong bagay na hinablot niya.

Unti-unti ulit ako sumusuko sa kadilimman nang biglang marinig ang nakakabinging boses ng isang hapon.

Agad akong napamulat ng mata at nakita na binuksan ni Aku ang telebisyon. Nasa full volume pa ito kaya binato ko siya ng naabot kong unan.

"Aku wag kang maingay! Natutulog yung tao ehh!" Singhal ko pagkatapos ay lumubog sa ilalim ng mga unan at kumot para takpan ang tenga ko laban sa ingay.


pinatay naman ito ni Aku. I hear him chuckle "The human woke up grumpy"


It's because he doesn't sleep so he doesn't know how irritating sleep deprivation is.

"Gumising ka na. The train leaves at 8:00, remember?" I heard him say with a little irritation in his voice.

Nang ma-realize kung ano ang ibigsabihin niya ay marahas akong napamulat at tumayo. Dali dali ko namang hinila papalabas ng kwarto si Aku "Labas, Magbibihis ako!" sabi ko sakaniya at isinara ang pinto nang makalabas na siya.

I ran straight to the bathroom and took my bath as fast as Flash. Pagkatapos at kinuha ko na ang nasa pinaka tuktok na damit at nagbihis.

Isa ulit itim na cargo pants ang aking nakuha at gray na longsleeves. Pagkatapos ay kinuha ko ulit ang pinakamakapal kong Hoodie.

I took a look at the time and the pressure inside me rose as I saw that it is nearly 7. Bibiyahe pa ako bago makapunta doon train station.

Nang maihanda ko ulit ang backpack ko ay sinuot ko na ito atsaka lumabas. Aking hinanap si Aku sa hallway ngunit wala siya roon. Pagbaba sa lobby ay doon ko na siya nakita at may kausap ulit na foreigner.

Madaldal din itong isang 'to.

Dire-diretso na ako papunta sakanya "Aku tara na, naghihintay yung kotse sa labas" sabi ko at sinusubukan na hilain siya.

Nakipag-bow siya doon sa foreigner at lumabas na kami. Nakita ko ang isang kotse na nakapark sa labas na pagmamay-ari nitong hotel. Pumasok na kami doon ni Aku at sinabi sa nagd-drive na ihatid kami sa train station.

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon