Sol
Heaven.
One word to describe this place, heaven.
Nagniningning ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang hile-hilerang mga panghimagas.
Eat all you can ang dessert restaurant na ito. There are about sixty ice cream flavors, a hundred different kinds of desserts, and each one of them can end you up in a hospital if consumed too much.
Mabilis na naglakad ako sa chocolate fountain na nakita ko. Wala pang tatlong minuto ay napuno na agad ang plato ko kaya bumalik na ako sa upuan namin.
When I came there Aku is already seated and is surrounded by plates mounted with sweets. Kanyang sakalukuyang pinagtutuunang pansin ang strawberry ice cream na napupuno ng sprinkles.
"Aku hinay lang baka madi-" Napahinto ako nang maalalang hindi nga pala tao si Aku. Sasabihin ko sana baka ma-diabetes sya.
Pero parang hindi naman ako narinig ni Aku at tuloy lang sya sa pagkain.
Nagsimula narin ako lumantak ng cake. Gusto kong magsayaw sa sobrang sarap. It has creamy coffee ice cream inside with moist and soft base. Coffee flavored din ang icing nito at may candies sa taas. Worth it ang pera ko dito.
Speaking of pera, hinarap ko si Aku nang may maalala. "Aku, what do you plan on buying with the money you won yesterday?"
Napatigil pa ito saglit, tila nagiisip. Matapos ang tatlong segundo ay nagsalita ulit sya "Coffee Jelly maker"
Hmm, smart.
Nagpatuloy ako sa pagkain ngunit ginambala ulit ako ng katanungan sa aking isip.
"Aku, tumitibok na ba yung puso mo?" Napatingin siya sa akin at hinawakan ang kaniyang dibdib.
"No. Why do you ask?"
Medyo na-disappoint naman ako sa aking sarili dahil dun. Pero sumubo lang ako ulit ng cake at nawala na ito.
"Ang step 9 kasi ay 'support him'. I supported you with the competition yesterday. Baka lang gumana" Mahinang sabi ko. Lalo ko naman naramdaman ang bigat nang mapagtantong tatlo nalang ang steps na natitira.
"That's alright. How about we try another one? Ano ang susunod sa listahan mo?" Tanong nya at agad ko naman inilabas yung cellphone ko.
Attempt #10. Feed him
Namula nalang ako dahil sa pikon.
But that is what I have been doing since day 1!
At sa dinami-daming beses na pinakain ko yung patay gutom, hanggang ngayon ay hindi parin nabubusog ang kanyang puso!
"Why? What's the matter?" I heard him ask cautiously and I harshly showed him the list.
Tumaas ang kanyang dalawang kilay nang mabasa ito at bumalik sa pagsubo ng ice cream. "Well then I guess you have to feed me again"
I feel cheated.
"Hindi pa ba kita pinapakain ngayon?" Iritang sabi ko at tinitigan ang mga pagkaing nakapaligid sakanya.
"I earned this. And I really think we should try that step repeatedly until my heart reacts" Sinabi nya ito na parang ito nga ang sulusyon.
"Wag ako Aku, gusto mo lang laging makakakain eh" Inis na sabi ko sakanya at sumubo ng malaking bite.
"Alright fine. Let's just try the step after that" Bagot din niyang sabi at tinignan ko ulit yung cellphone ko.
"But let's atleast try it one more time" Pahabol niya kaya nag give in nalang ako. "Oo na sige na lulutuan na kita mamaya" Sabi ko at ngumisi lamang sya nang nakakaloko.
BINABASA MO ANG
Man in Moon
Fantasy√ Sol √ Young Sol Esguerra found herself dangling at the edge of the underworld on the night of April 21st. Out of desperation and naiveness, she silently wished to the moon that she may live a little longer. Luckily, somebody heard her. Thus, 15...