A year later, April 21.
Sol
"Chocolate, cheese, o strawberry?" Alok ni mamang nagtitinda ng ice cream.
"Ay di na po, busog pa po ako. Salamat" Pagtanggi ko at dumiretso papunta sa pwesto nila Mommy.
Habang naglalakad papunta kaila daddy ay tinititigan ko ang lapag para iwasang maapakan iyong mga puntod. Tumigil ako saglit para galawin ang mga makahiya. At nang mahiya sila ay tumuloy ako sa paglalakad.
Pagdating ko doon ay ninais kong sabunutan ang aking sarili.
Stop it, Sol! What do you expect? May puting rosas na naghihintay ulit doon at nakapangalan sayo?
Naramdaman ko ang pamumuo ulit ng luha sa mga mata ko pero agad ko itong napigilan at naibalik.
I am happy to announce that for the past year, I mastered the art of ceasing tears!
yehey...o(╥﹏╥)o
I guess pain really makes you strong.
No, erase that. It didn't made me strong, it just hightened my tolerance for it.
I sat down and tried my best not to look at the roseless tomb.
"Happy tsugi anniversary! Mommy, daddy" Sabi ko at pinagmasdan ang makulimlim na langit.
Huminga ako nang malalim at hinipo ang 'Mary' sa pangalan ni Mommy.
"Ma, pa. Handa na po akong mag move-on..." Matigas kong anunsyo.
Hindi ko alam kung papalakpakan ko ba ang aking sarili.
"Bukas" Pambabawi ko.
Hinaplos ko naman ang 'Solomon' sa pangalan ni daddy.
"Pero promise. Sisimulan ko na po ang pagm-move on bukas" Desididong sabi ko.
Napalunok ako. It has been 403 days since.....Aku left. I never forgot him, I always see him in my dreams, sometimes nightmares, and I remember him every single minute.
Ginamit ko ulit iyong skill na na-master ko at pinigilan ang aking mga luha. Matapos ang mga minuto ay tumayo na ako at nagpaalam.
"Bye Mommy, daddy" Pagpapaalam ko at kinuha ang bagpack ko.
Naglakad ako papunta sa jeep ko. Nagmaneho ako papuntang Quiapo. After ng mass, nagsindi ako ng kandila sa labas at naglakad papuntang parking.
Napahinto ako sa paglalakad nang may mamataan.
Napadaan ako sa isang pamilyar na kubo na nababalutan ng mga kumikintab na tela. Isa lang ito sa mga dose-dosenang nakahilera na kasing katulad ng kubong ito. Binasa ko ang nakalagay sa labas na karatula.
Lola Baby, the finest seer in Manila since 1910!
Palm reading
Tarot cards
Fortune tellingWith a free tea and tea reading after!
Sa baba noon ay may translation sa tagalog pero hindi ko na binasa at naramdaman ko nalang ang paa ko na naglakad papasok.
As I enter it was exactly the way as I last remembered. Amoy ko agad ang tsaa at ang maliliit na light lanterns lang ang nagpapa-ilaw sa paligid. Madami shelf sa paligid na puno ng mga bagay-bagay na karaniwang ginagamit ng mga manghuhula.
Sa gitna ay nandoon ang lamesa at dalawang upuan. Isang bar stool at isang single sofa.
On the sofa I saw lola Baby sitting calmly, and smiling softly.
BINABASA MO ANG
Man in Moon
Fantasy√ Sol √ Young Sol Esguerra found herself dangling at the edge of the underworld on the night of April 21st. Out of desperation and naiveness, she silently wished to the moon that she may live a little longer. Luckily, somebody heard her. Thus, 15...