Sol
15 years later
"Chocolate, cheese, o strawberry?" Tanong sa akin ni mamang sorbetero.
"Lahat po, hehe" ngumiti sa akin si manong pabalik at nagsimulang mag scoop ng ice cream. Pagkatapos ay iniabot ko na ang bayad.
I licked my ice cream with enthusiasm as I waltz towards my place. While on my way, I inhaled the scent of wilting flowers and melting candles. Of course, I am very wary not to step on the tombstones. I wouldn't want an angry ghost to haunt me just because I accidentally stepped on their flowers.
Napahinto ako sa aking paglalakad nang makaabot na ako sa puntod ng aking mga magulang at sakto dahil ubos ko na rin ang ice cream ko. Hindi na ako nagulat nang makitang may isang puting rosas na nandoon at nakapangalan sa akin.
Isa lang naman ang kilala kong matino na magiiwan ng regalo sa puntod ng mga magulang ng pagreregaluhan nya.
I sighed and took off my shoes. I welcomed the feel of the grass tickling my bare feet and lain back to enjoy the morning sun.
Naaalala ko nanaman ang kulay abo nyang mga mata at ang ngisi niyang nakakaloko. Simula noong araw na iyon ay lagi siyang nagiiwan ng puting rosas para sakin tuwing death anniversary nila mommy.
A rose to remember my promise by.
Buti sana kung sa birthday nya ako ni reregaluhan ehh. Kung tutuusin iisipin ko na hallucination lamang siya kung hindi dahil sa rosas na ito.
When I woke up at the hospital that time, the rose was the thing I took comfort from. And as much as I hate to admit it, I still held on the rose's comfort every year.
Pinilit ko ang sarili ko na umupo para sindihan ang mga kandila sa puntod nila Mommy.
"Happy tsugi anniversary Mommy, daddy" Kung nandito lang sana si Daddy, baka hinalangkat na niya ang buong pilipinas sa paghahanap doon sa lalaking nagbibigay ng rosas sa akin. At baka maging proud na si Mommy kasi sa wakas may nanliligaw na sa akin.
Teka, baka naman may nanliligaw lang talaga sa akin at nagkataon na puting rosas din ang binibigay..
Kaso sa puntod nanliligaw? Nono
Matapos ang isang oras ay tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko. Nagpaalam na ako sa aking mga magulang at dumayo sa parkingan ng mga kotse.
And as usual, nahirapan akong umakyat sa itim kong jeep wrangler. Napakataas naman kasi nito, pagkaupo ko ay nilapag ko na ang mga gamit ko sa shotgun seat at ang rosas sa may headboard.
Nag drive ako papunta sa simbahan malapit sa sementeryo at nag park sa may bakod sa likod. Hindi na ako nakaabot sa misa kaya magsisindi nalang ako ng kandila sa loob.
Habang naglalakad ay nagulat na lamang ako nang may biglang humawak sa aking siko. Muntikan ko pa itong masapak, pagkatingin ko kumalma na ako kasi di naman pala mamamatay tao.
Isa siyang matandang babae na may suot na kulay lilang roba. Ang buhok nya ay nagtatalo kung itim ba ito o puti. Ang kaniyang leeg ay halos bumagsak na sa sobrang bigat ng mga nagpatong-patong na mga kwintas na nakasabit dito
"Bakit po?" tanong ko sakanya at marahan na nilayo ang aking siko
"Andito siya ulit? Ang tagapag-bantay, andito sya ulit?" Hindi ko naintindihan ang kaniyang sinasabi pero sinundan ko kung saan siya nakatingin. Sa kamay ko na hawak hawak ang rosas, di ko namalayan na nadala ko pala ito
"Po?" tanong ko ulit.
"Galing iyan sa lalaki sa buwan, hindi ba? Ikaw ang napili niya, ano?"
BINABASA MO ANG
Man in Moon
Fantasy√ Sol √ Young Sol Esguerra found herself dangling at the edge of the underworld on the night of April 21st. Out of desperation and naiveness, she silently wished to the moon that she may live a little longer. Luckily, somebody heard her. Thus, 15...