Chapter 15. Hot Magic

47 3 0
                                    

Sol

I stared at the girl in the mirror as she put dark red lipstick on her lips. Her face a bit unrecognizable because of the cosmetics. But atleast she looked more sexier.

Matapos magamit ang make up ay ibinaba ko na ito pagkatapos ay muling pinagmasdan ang aking sarili sa salamin.

I remind myself of a child who plays 'dress up' using the clothes of her mother.

Nakasuot ako ng cocktail dress na kasing kulay ng dugo. Kumikinang ang pulang flat shoes ko at hinayaan kong bumagsak ang aking buhok.

Napangiti ako at lumabas ng kwarto. Pagkababa ay hinanap ng aking mata ang aking biktima. Nakaupo siya sa sala habang nilalantakan ang mga natirang chocolate chip cookies.

Huminga muna ako ng malalim, pagkatapos ay kinurot ang aking pisngi para gisingin ang sarili. Inipon ko ang natitirang lakas ng loob sa akin at naglakad papunta sakanya.

"Aku..." I said in a coquettish voice. Napalingon naman siya sa akin habang ngumunguya pa.

"Where are you going?" Nagtatakang tanong niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Mabagal na naglakad ako papunta sakanya. He stared at me with outmost vigilance.

Mariing kinagat ko ang aking ibabang labi habang mas lalo pang lumalapit. Naupo ako sa tabi nya at dumikwatro.

Mabagal na dinampian ko ang kaniyang braso. Bigla naman akong kinilabutan sa hindi maipaliwanag na dahilan. "I feel cold today.." I said, trying hard to sound sexy.

Bigla kong nagustuhang sapakin ang aking sarili. Nakakahiya itong ginagawa ko, ngunit kailangan kung gusto kong matapos ito agad.

Marahang idinikit ko ang likod ng aking kamay sa kaniyang pisngi. Nagulat ako sa pagkalambot nito.

"Maybe you can help me feel hot?" Mahinang sabi ko ngunit ang kaloob looban ko ay sumasabog na sa hiya.

Kaya mo ito Sol, keri lang 'yan.

Walang reaksyong tinititigan niya lamang ako. Kung ano man ang iniisp niya, hindi ko mawari kung ano.

Kinagat ko ulit ang aking labi. Sa pagkakataong ito hindi dahil sa nagse-seduce ako kundi dahil sa mga paru-parong nararamdaman ko sa loob ng aking tiyan.

Maya maya ay biglang uminit ang temperatura ng paligid. Bigla tumulo ang pawis ko dahil pakiramdam ko ay ipinasok ako sa oven. I accusingly stared at Aku.

"Now are you still cold?" He asked smirking. Agad naman akong napatayo. Hindi niya nag-gets ang nais kong iparating.

"A-ahm.." Utal ko. What will I do? This isn't going according to plan.

"What attempt will you try next?" tanong ni Aku. Napatingin naman sa amin sila Ana at ang mga gwardiya.

Sinubo ko muna ang waffles bago inilabas ang aking phone at tinignan ang listahan.

Attempt #8 Seduce him

Nanlaki ang aking mga mata sa nabasa.

I have never in my existance, tried to seduce someone!

"What is it?" tanong ni Aku at napailing lang ako. I'm too embarrased to say it.

"Basta gagawin ko nalang" I said and took a big bite of waffles to hide my embarrasment.

Nararamdaman ko ang mga nagtatanong na matang nakatitig sa direksyon ko ngunit iniwasan ko lang sila ng tingin.

Nang maubos ang aking breakfast ay madali akong umakyat sa taas at nagkulong.

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon