Chapter 20. Attempt #12

42 4 0
                                    

Sol

Deep breath in...

Deep breath out...

Kaya mo ito Sol. Na practice mo na ito, magagawa mo ito nang maayos.

Napalunok muna ako bago pumasok doon sa malalaking pinto. Pinilit kong itago ang kaba at maging confident ang impression.

I felt intimidated by the people staring at me as I pass. Mas lalo akong kinabahan nang magtama ang mga mata namin nung judge.

Ibang iba siya sa iniimagine ko. Akala ko ay nakasalamin siya, matanda, at pang-pedo ang itsura. Pero isang magandang babae siya.

Namataan ko naman ang limang abogado. Pilit iniiwasan ng aking mata ang limang lalaking nakaupo sa harap.

Madami ring media dito sa loob, pero parang may dumaang anghel dahil for the first time ay tahimik sila.

Inalalayan ako ng isang gwardya paakyat sa mataas na lamesa. Hinanap ko agad sa mga nakaupo si tita Esme.

Nginitian niya ako at pinilit kong sinuklian ito.

Huminga ulit ako nang malalim bago umupo. Hinarap ko ang napakaraming matang nakatingin sa akin.

I have to show them that I am competent enough to give a correct, detailed and honest testimony despite my age. Or else they would distrust my words.

Sabi nung lawyer hindi ko na daw kailangan mag oath dahil wala pa ako sa edad kaya didiretso siya sa pagtatanong.

Tinanong muna niya ako ng mga simpleng tanong katulad ng pangalan at edad ko. Madali lang sagutin ang mga iyon. I made sure everything that I say is firm and final. I need to be confident.

Hanggang sa nagsimula na siyang magtanong tungkol sa gabing iyon. Lahat ng bagay tinatanong niya, mula sa oras ng pangyayari hanggang sa kung anong suot ko nun.

Sinabi ko ang mga katagang inuulit-ulit ko sa aking isip nitong mga nakaraang araw. Lahat ng detalyeng naaalala ko ay nireserba ko sa aking utak.

"Nandito ba sa loob ang lalaking sinasabi mong bumaril sa'yo, at sa iyong ina?" tanong ng abogado habang sumusulyap sa hawak na papel.

"Opo" mariin kong sabi habang pinipigilan paring tumingin sa direksyon ng limang lalaki.

"Maaari mo bang ituro?" medyo nainis ako sa tanong niyang ito pero kinapa ko ang rosas sa bulsa bago pinilit na igala ang mga mata ko. 

Lumunok ako nang makita na ang limang lalaki. Gamit ang buo kong lakas ay sinubukan kong kalimutan ang lahat ng nararamdaman ko at mag pokus sa tanong.

Nag-steady ang paningin ko doon sa lalaki, tinititigan niya ako pabalik.

Walang pinagbago ang mga mata niya.

I stubbornly stared back as I loaded my fists and pointed my forefinger at him.

Then I fired my words.

"That's him"

Mariing pinagmasdan ko rin ang apat pang mga lalaking katabi niya.

Isang buwan pagkatapos mahuli iyong lalaki ay itinuro daw nito ang iba pa niyang mga kasamahan.

Hindi na rin nagawang imbestigahan ng mga pulis ang karton na ipinadala sa akin dahil nahuli na ang mga suspect.

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon