Chapter 18. Unwanted

42 4 0
                                    

Sol

"So it's final then. Thank you, you may go" Anunsyo ko sa board at sa mga miyembro ng kumpanya ni Maximus.

Nagsimula nang magsitayuan ang mga tao sa loob at pumuntang labas. I met Maximus' eyes and his face broke into a smile.

Lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay "It's nice doing business with you" Nakangiting sabi niya at nakipag-kamay din naman ako.

"You too" Nakangising sabi ko rin at inaya siya palabas. "I believe I still owe you lunch?"

Lalong lumaki ang kaniyang ngisi at sinundan ako papalabas.

Ngayon kasi ang naka-sched na meeting para sa magiging partnership ng hotel ko at kumpanya ni Maximus. The board's descicion was unanimous and I am very happy with the outcome.

Dinala ko si Maximus doon sa isa pang resto ng hotel. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinag-hila rin ng upuan. Ang swerte ng magiging asawa nito ni Maximus, bihira nalang ang gentleman ngayon.

"This is cheating. You don't have to pay" Natatawang sabi ni Maximus nang makaupo kami.

"You never said which restaurant" Nakangising sabi ko rin at tumawag na ng waiter.

At natural na gaya-gaya itong si Maximus dahil ang inorder niya ulit ay kung ano ang inorder ko.

Nung makaalis na ang waiter ay handa na akong magsimula ng conversation sakanya ngunit napahinto ako nang abutan niya ako ng tsokolate na may sticker na puso.

"Para saan iyan Maximus?" Tanong ko habang pinipigilan ang sarili na tanggapin ang masarap na alok.

"For you. I'm still courting you" Nakangiti niyang sabi at inaalok parin sa akin ang tsokolate.

Naramdaman ko ang pagpula ng aking pisngi "Maximus, hindi talaga. Si Aku an-"

"Nasagot mo na ba si Aku?" He seriously asked and I was taken aback.

"H-hah?" Tanong ko at diretsahang nagsalita ulit siya.

"Are you currently in a relationship?" Umiling lamang ako dahil iyon ang totoo.

Bumait naman ulit siya agad at nakangising inilahad sa akin ang tsokolate "Then take it. I don't see why not"

Marahang tinanggap ko ito "Thank you, Maximus. I appriciate it" I said and reluctantly smiled.

His face softened then he started a new conversation. Masiyang sinakyan ko naman ito. Napagtsismisan namin ni Maximus yung mga board members kanina. Hinulaan namin kung sino ang may mga lihim na pagtingin sa isa't isa at ang mga maaaring love triangles. We also guessed who is most likely to secretly hate me.

Aminado akong mali ang pagtsismisan ang kapwa pero masyado akong nage-enjoy pangunahan ang mga love life nila.

And it's not like they don't talk about me behind my back either.

Nung dumating na ang pagkain namin ay napunta naman sa different cusines ang usapan.

Dahil nga mahilig mag travel si Maximus, marami siyang natikmang masasarap at exotic na food. He also cooks.

To be honest, I really enjoy Maximus' company. I just wish he'll stop courting me. He deserves a better girl. 

Sa kalagitnaan ng pagkain ay nagtawag siya ng waiter. Umorder ulit siya ng dessert at ibinigay ito sa akin. Nahihiyang tinanggap ko ito at nang hindi ko ito maubos ay itinake out nalang.

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon