Sol
Nagtataka kong pinagmasdan si tita na nakatulala lamang kay Aku. Agad naman napailing si tita na tila nagising mula sa pagkatulog at kinuha ang nakalahad na kamay ni Aku.
"Esmeralda Esguerra" Pagpapakilala ni tita habang may mapanuring mata sa nasa harap niya. Tumango lamang si Aku at maiging pinagmasdan din si tita.
Kung nakakasunog lang ang tiningin, barbecue na itong dalawang 'to.
"Tara na po sa dinning room?" Tanong ko sakanila at naglakad na kami papunta doon.
Nagsimula naman magsalita si tita habang iniikot ang mata sa paligid. Ang sosyal pa niya pakinggan dahil may british accent pa siya habang sinesermonan ako.
"Kailan mo papalitan ang carpet, Maria? Halos magl-limang taon na ito sayo ah?"
"Why do you always cut your hair short? Mas bagay sayo ang mahaba"
"Processed milk is unhealthy, Maria. And keep your house clean" Sabi bigla ni tita nang mamataan ang kariton ng gatas na naiwan lamang sa taas ng grand piano.
Agad ko namang pasimpleng sinamaan ng tingin si Aku na naglalakad sa tabi ko at nag shrug lamang ang bwisit. Alam kong siya ang salarin nito at nakakainis na ako ang pinagagalitan ni tita imbis na siya.
Pagdating namin sa dinning room ay naupo na sila at nagpunta akong kusina para kunin ang mga niluto ko.
"Tara kakain na" Pangaaya ko kaila Ana ngunit umasim lamang ang mga mukha nila.
"Hindi na, kakakain lang namin" Sabi sa akin ni Celine habang naka-ngiwing sinisilip si tita sa dining room.
"Oo nga, baka kami ang gawing main course ng tita mo" Bulong sa akin ni Ana at napatawa na lamang ako.
"Ang main course ay yung kaldereta, dessert pwede pa" Nakangising bulong ko kay Ana at lumabas na doon dala-dala ang pot ng kaldereta. Bigla naman kunalamm ang tiyan ko sa masarap na amoy.
Pagdating ko doon ay naabutan ko ulit sila Aku at tita na nagtititigan lamang. They are probably having a staring contest and I can't decide who I want to win over the other.
Nang mailapag ko ang kaldereta ay si Aku ang unang bumigay sa titigan. Kung sino ang mas marupok, alam na.
Naupo ako sa tapat ni Aku at katabi ni tita. Nang makasandok na kaming lahat ay mariin kong sinulyapan si tita Esme.
Sumandok muna siya sa kaniyang kutsara at pinanliitan ako ng mata bago sumubo. She can be a very difficult critic. Ngunit Nang maka-nguya ay tumaas ang kaniyang kilay at binigyan niya ako ng isang maliit na ngiti.
Hah! Take that Gordon Ramsey!
Ngumisi ako at sumubo na rin. Tinignan ko si Aku na kumakain na. Atleast hindi siya mahirap pakainin.
"So, out of all the other girls, why my niece?" I heard tita ask in a british accent. Halos mabulunan naman ako sa narinig.
Napaka-pranka ni tita. Natatakot na tinignan ko naman si Aku dahil hindi namin na-practice ang tanong na iyan
Nilunok muna ni Aku ang kaniyang nginunguya bago tinitigan si tita at nagsalita "Why not?" He said meekly.
Yeah, why not?
Iibahin ko sana ang subject nang nagsalita ulit si tita "Because Maria can be difficult at times. She is impatient, impulsive, sarcastic, cheeky, and stubborn" Sabi ni tita at nakita ko naman si Aku na napa-ngisi sa kaniyang narinig.
BINABASA MO ANG
Man in Moon
Fantasi√ Sol √ Young Sol Esguerra found herself dangling at the edge of the underworld on the night of April 21st. Out of desperation and naiveness, she silently wished to the moon that she may live a little longer. Luckily, somebody heard her. Thus, 15...