Chapter 23. Savanna

40 3 0
                                    

Sol

Sinenyasan ko ang mga gwardya bilang pagbati bago ako dumiretso sa loob. Nang makapag-park na nang maayos ay hininto ko na ang makina at hinarap ang katabi ko.

"Aku, nasa outer space pa rin ba iyong mga sinabi mong Dimgrims?"

He looked at me with amusement "Yeah. So I'll have to face it alone"

Bumalik ulit ang takot ko dahil sa sinabi niya. He will have to face it...alone?

"Wala ka bang ibang pwedeng paghingan ng tulong? Sa iba pang guardian? Sa mga kasama mo sa buwan?"

Tinignan niya ako na parang nagsasalita ako ng lengguwaheng wala sa kaniyang bokabularyo. Pero maya maya lang ay tumawa ito na parang nangaasar.

"Other guardians?" his eyes lit up in humour. "Sol, there are no other guardians. I'm the only one. I'm the only occupant of the moon" He said with complacency.

Ilang beses bumuka ang bibig ko dahil sa pagtatangkang pagsasalita pero wala akong masabi. Paano kung hindi lang pala dalawa ang halimaw sa taas? Eh magisa lang siya...

Umiling ako. Nakita ko kung paano tinalo ni Aku yung Dimgrim kanina. Wala lang iyon para sakanya...

Yeah, I have my confidence in Aku.

"Okay. Basta kapag may nakapasok na dito, tawagin mo ako. You gave your word" Pagpapaalala ko sakanya habang binubuksan ang pinto.

"Sure. Just don't get too overexcited. Because I will really feed you to the Dimgrims if you annoy me while we fight" Pagbabanta niya pero ang kaniyang mukha ay nakangisi.

"Annoy you while you fight, got it" nakangiting sabi ko nang makalabas.

Umasim bigla ang mukha ni Aku "Don't test me"

Napatawa nalang ako at kinawayan siya "Sige na mag-teleport ka na. Bumalik ka nalang dito mamayang umaga, magluluto ako breakfast"

Tumango siya at hinintay kong mawala siya nang parang bula. Pero mali ata ako. Instead of dissappearing in just a second, his body took its time to vanish.

Ultimo nabasa ang naiisip ko, nagexplain si Aku "This is nothing, Sol. Teleporting from Earth to moon is just more difficult than teleporting from country to country. Kaya nagtatagal ang aking katawan"

Tumango ako sa pagintindi at manghang tinitigan ang katawan niyang unti unting lumalabo. Pakiramdam ko ay kapag hinawakan ko siya ngayon ay tatagos ang aking kamay.

Ang nakangisi niyang mukha ang huli kong nakita bago siya tuluyang mawala.

Nang makampante ay pumasok na ako sa loob. Madilim na ang bahay dahil paniguradong wala na sila Ana kasi off nila bukas. Si Miffy naman ay tahimik na natutulog habang inaangkin ang buong sala.

I tried my best to be quiet as to not wake up his highness.

Dumiretso ako sa fridge para sana uminom ng gatas pampatulog nang magaan ko ang box na kulay puti.

Madaling inilabas ko ang aking cellphone para itext si Maximus.

Expensive Detergent

Maximus sorry wala ako kanina, may flight kasi ako. Pero thank you sa cake na ibinigay mo, I really appreciate it!

Count with me. 10...9...8...7...6...5...4...3...2...

My phone vibrated.

Expensive Detergent.

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon