Chapter 11. Free Is Delicious

52 4 13
                                    

Sol

"Good morning Miffy" Nakangiti kong bungad sakanya pagkalabas ko ng kwarto. Tumahol-tahol naman siya habang maligalig na dinadamba ako.

Sinabay ko siya papalakad sa baba. But my usually peaceful morning was disturbed by the turmoil happening downstairs.

Binilisan ko ang lakad para malaman kung kaninong boses nangagaling ang away sa baba.

Nadatnan ko sila Ana at Aku na nagtatalo. Iritado ang mukha ni Aku habang si Ana naman ay pilit na niyuyugyog siya.

"Anong ginagawa nyo?" Tanong ko at napabaling sila. Agad na lumapit si Aku sa akin at pumunta sa likuran ko habang masama parin ang titig kay Ana.

"What's wrong with that human, Sol?" Aku snapped as if I wasn't a human myself.

"Mam Sol, pinapatanggal ko lang naman sakanya yung damit nya ehh" Pageexplain ni Ana na ikinakunot ng noo ko. Napansin ko rin na may audience pala kami dahil maraming nakasilip sa gilid.

"Sabi mo pag naglaba ay isabay ang mga gamit ni pogi. Eh parang hindi nya ata pinapalitan damit niya. Lalabhan ko lang sana" Pagpapatuloy ni Ana habang nanliliit ang mata sa damit ni Aku. Nakita ko naman na nagsitanguan ang mga sumisilip sa gilid.

Napabuntong hininga nalang ako at hinarap si Aku. "Aku, ipalaba mo na yung damit mo. Magtataka sila kung bakit di ka nagpapalit ng damit. Lahat ng 'tao' ginagawa yun" Pabulong kong sabi sakanya para hindi kami marinig.

"What will I wear, then?" He said mockingly at lumayo sa akin na parang anumang oras ay yuyugyugin ko rin siya.

Wala muna...

Gusto ko sanang sabihin ngunit parang mali naman pakinggan yun.

"Saglit" Sabi ko sakanila at mabilis na umakyat sa taas. Pumunta ako sa drawer na may mga lamang damit ni daddy pagkatapos ay kumuha ako ng pantalon at polo na kadalasang sinusuot nya tuwing eleksyon.

Pagkababa ko ay agad ko itong ibinigay kay Aku. "Ayan na muna suotin mo. Pagkatapos malabhan ng damit mo ibabalik naman saiyo agad eh"

His eyes were glaring at me while he took the clothes I was offering. Dumamba naman si Ana papalapit sakanya ngunit napahinto rin nang mag-glare din sakanya si Aku.

Padabog na umalis doon si Aku at sa tingin ko ay nagpuntang cr. Nagsialisan narin ang audience namin at lumapit sa akin si Ana.

"Bakit paulit-ulit nalang sinusuot ni pogi, mam Sol?" umiling na lamang ako. "'Di pa kasi sya nakakapag-shopping eh" I said half heartedly

Ilang minuto rin kaming nakatayo doon sa sala at maya maya ay nagpakita na si Aku.

My pupils diluted the moment I saw him wearing jeans and polo. "Mukha ka nang tao" Manghang sabi ko kay Aku. Sobrang naninibago ako sa suot nya at ang tanging out of place lang ay ang stick na hawak nya sa kaniyang kaliwang kamay.

"Grabe ka naman kay pogi mam Sol" Rinig kong sabi ni Ana habang natatawa. Nanlalaki parin ang mata ko kay Aku na ngayo'y nanliliit na tinitignan ako.

My trance was cut off when he threw his clothes straight at my face.

"Aybastosnanilalang-"

Sinamaan ko sya ng tingin habang ibinibigay ang damit nang maayos kay Ana. Her grin was very streched as she took the clothes and then waltz on her way outside.

Tinignan ko ang orasan at nakitang mag-aalas-diyes na. "Aku, kunin mo na mga gamit mo. Aalis na tayo" Sabi ko sakanya at dumiretso sa kusina para kahit papaano ay makakuha ng makakakain bago umalis.

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon