Chapter 3. Man In Moon

104 3 26
                                    

Sol

"And now I'm here to collect your due"

Nailunok ko agad ang kinakain kong sushi.

"Sisiguraduhin ko ang pagtibok ng puso mo? How?" Pabulong kong tanong..

Kunot noong tinignan niya ako at nawala ang kaniyang ngisi.

"Love, Sol. Love. The very root of what keeps everyone alive"

Nanlalaking matang napatitig na lamang ako sakanya.

Hinihintay ko siyang tumawa at sabihin na nagbibiro lamang siya ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin habang kumakain

"Are you sure? Sigurado ka ba na gagana iyan?" tanong ko.

He swallowed the last bite of the strawberry cake he was eating before continuing "The source said it's the only way. Like how you humans feel when your heart jumps at the moment you see someone you love"

"Sigurado kang legit iyang source mo na iyan?" baka naman mamaya nakuha niya lang yan sa mga manghuhula sa quiapo.

Pero si lola Baby ay isang manghuhula sa Quiapo.

Napailing na lamang ako

"Well, that source is the reason why you are still alive and well" Tumitig na lamang ako sakaniya, may point naman siya.

Tinignan ko ang mga pagkain sa harap ko na malapit nang maubos. Kailangan maunahan ko sa pagkain ang katapat ko na matakaw.

"But you're fine without your heart beating, why do you want it to suddenly work again?" he just smirked at me and grabbed a glass of coffee jelly at his left.

"Ask me no questions and I will tell you no lies" he said rather cunningly.

I sighed and decided to just drop that question. I stared at the coffee jelly he is eating, gusto ko rin noon.

May biglang pumasok sa isip ko

"What if I don't want to?"

Ngumisi siya at nag lean papalapit sa akin.

"I never said you have to want me, I just said you have to do it" Sinabi niya ito na parang alam niyang papayag ako at wala akong choice sa diskusyon na ito.

"Yes, but what if I won't do it?" Sa pagkakasabi ko nito ay biglang tumalim ang kaniyang tingin at ang kaniyang kulay abong mata ay unti unting nagiging asul.

Kasabay nito ang muling paglamig ng buong paligid at pag-ulan sa labas na may pagdagundong ng nagagalit na mga kulog at kidlat.

"Then you will make me kill you" Nanlaki ang mga mata ko at hinawakan ang braso dahil sa panlalamig.

"Y-you can't do that! That would be murder!" tinignan ko ang paligid para malaman kung may ibang nakakaramdam sa lamig ngunit dahil gabi na, kami lang ang tao dito at nasa malayo ang mga staff na tila walang kaalam alam.

"Hindi iyon pagpatay. Kukuhanin ko lamang ang buhay na hiniram mo sa akin" ngumisi siya nang nakakademonyo at biglang lumutang ang kutsilyo sa kaniyang tabi.

Ang kutsilyong ito ay tila ibon na lumipad papunta sa harap ng aking mukha. Ngunit agad din itong pabagsak na bumaba sa lamesa.

Napalunok ako at huminga nang malalim.

"Once I do my part, will you finally leave me alone?" tanong ko sakanya, hindi parin umaalis ang aking titig sa kutsilyo na nakahiga lamesa.

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon