Chapter 21. Queer

45 4 0
                                    

Sol

"Bakit ang aga mo naman umalis ma'am Sol? Akala ko ba ten pa ang flight mo?"

sinenyasan ko si Ana na wag magingay at lumapit sakanya para bumulong.

"Basta pagkadating dito ni tita sabihin mo nasa work ako ah?" duda niya akong tinignan pero tumango lang siya.

Pumasok na ako sa jeep at nagmaneho. May flight ako papuntang Thailand mamayang ten pero alas-singko palang ng umaga ay umalis na ako.

In this early morning the airport is one of the places that's still busy. Nagmadali akong pumunta sa lounge at nagbihis na.

Bumili muna ako ng kape dahil matagal-tagal pa ang hihintayin ko bago ang flight ko. Bigla naman akong nanliit nang may mamataang pamilyar na mukha na umiinom din ng kape.

Our eyes met but he didn't greet me like he used to do. Instead of waving dramatically and screaming my name, his face turned gloomy while slowly approaching me.

"Sol" Mapait niyang sabi at umupo sa katapat kong upuan kahit hindi ko naman sya iniinvite.

"Seth" Bati ko rin pabalik. Ang aga pa ayoko muna mang-away.

Dumikwatro siya at mariin akong tinitigan habang humihigop ng kape

Ibang-iba sya sa nakasanayan ko. It's like he is a different person.

"I told you to get away from that Aku" Sabi niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"That is really none of your business. At bakit ba ayaw mo kay Aku?" Tanong ko at humigop din ng kape. Paunahan kaming makaubos.

"He is a manipulative freak. May kailangan ka sakanya, ano? Kaya mo sya sinasamahan. Pag-wala ka nang kwenta para sakanya iiwan ka din nun" Nanliliit matang panlalait niya na kasing lait ng kapeng iniinom niya.

Nakaramdam ako ng inis sa mga sinabi niya.

"Ano bang alam mo?" iritang tanong ko sa pakielamerong ito.

Tumigil muna siya at uminom bago nagsalita ulit.

"More than you know" sabi nito na dahilan ng pagkunot ng noo ko.

"I doubt that" sabi ko at tumayo tsaka kinuha ang kape ko.

"Please Seth, leave Aku alone" Pakiusap ko bago umalis doon dahil baka hindi ako makapagpigil kapag ni bad-mouth niya ulit si Aku.

"Wag mong sabihing hindi kita binalaan!" Pasigaw niyang habol at nagkunyari nalang ako na di ko sya naririnig.

Inis na dumiretso ako sa lounge. Ofcourse I know that after this Aku will leave. Nasa deal namin iyon, once I do my part we will be even.

Yeah, accept it Sol! Ikaw ang gumawa ng deal na ito in the first place. Panindigan mo.

Sumama na ang mood ko pagkatapos nun at nang biglang tumunog ang cellphone ko ay inis na tinignan ko ito.

Tita Esmeralda is calling.....

Nanlaki ang mata ko. Waahh ayoko sagutin ito! Siguradong pagagalitan ako ni tita.

Nagpa-panic na tumingin ako sa paligid na para bang nanghihingi ng tulong pero walang lumilingon sa akin.

Huminga ako nang malalim. Relax Sol, hindi ka na bata. Hindi ka na dapat matakot kay tita.

Sumang-ayon ako sa sarili ko at pigil hiningang sinagot ang tawag.

"Hello, tita?" I said trying to sound like I'm not guilty of murder.

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon