Chapter 19. Monster

52 4 0
                                    

Sol

Pinagmamasdan ko ang buwan sa langit. Napaka liwanag nito at napakalaki

Nakarinig ako ng kaluskos sa gilid. Excited na lumingon ako dito. Sa pagaasang sa pagkakataong ito, makikita ko na ulit siya.

"Mr. Grey eyes?" Pagtawag ko.

"Yes?" sabi ng kaniyang pamilyar na malamig na boses doon sa madilim na sulok.

Sasabihan ko na sana siyang lumabas nang marinig ko ang isang pamilyar ding tunog.

Kumalabog ang aking puso habang nilingon ang pinto. Inilabas noon si Mommy na pinagpapawisan ang buong mukha.

Agad akong umakap papunta sakanya. Niyakap niya din ako pabalik ngunit wala pang tatlong segundo ay naramdaman ko ang panghihina ng kaniyang katawan at pagbagsak niya sa lapag.

Doon ay pinaliguan siya sa kaniyang sariling dugo habang sinisigawan akong tumakbo.

Tumakbo ako sa kung saan at nakasalubong ko naman si daddy.

Ang kaniyang mukha ay katulad ng kay Mommy. Pero bago ko man siya mahagkan ulit, ay bumagsak din ito sa lapag. Ang kaniyang puting damit ay unti unting nagiging pula.

Sa likod ni daddy ay ang isang napakapamilyar ding mukha.

Nakikita ko pa ang usok na lumalabas sa kaniyang baril, ang isang bala nito ay nasa loob na ng puso ni daddy.

Mariin lamang na nakatingin sa akin ang lalaki. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan at nawalan ako ng enerhiyang sumigaw.

Walang imik na kinasa noong lalaki ang kaniyang baril.

Lalong kumabog ang aking dibdib at ang pawis ay tumutulo mula sa aking noo.

Luha na ang sunod na tumulo mula sa akin nang itutok nung lalaki ang baril at pinindot ang gatilyo

Ang ingay ng pagputok ang nagpagising sa akin mula sa panaginip na iyon.

Hihingal-hingal kong pinahid ang aking mga luha. Mabilis na kinapa ko ang aking dibdib, sinisigurado na hindi ito dumudugo at sumasakit.

Patakbong pumunta ako sa switch at i-on ang ilaw. Mabilis na nilibot ng aking mata ang kwarto, sinisiguradong ako lang ang tao sa loob.

Naupo ako at hinintay na kumalma muna ang pagpapalpitate ng aking puso. Pakiramdam ko ay uminom ako ng napakatapang na kape.

At nang maging normal na nga ang himig nito, bumalik na ako sa bed para matulog ulit.

Pero hindi ako makahimbing dahil tuwing pipikit, yung mukha ng lalaki ang nakikita ko. Kada minuto ay tumitingin ako sa pinto, sa takot na anomang oras ay pupuntahan niya ako.

Hindi Sol, wag kang papayag.

Hindi ako papayag na pati pagtulog ko ay ipagkakait ng lalaking iyon.

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon