Chapter 32. El Nido

53 3 0
                                    

Warning; This chapter is longer than usual.

Sol

Saturday

It took me only three seconds to remember everything that happened yesterday once I opened my eyes.

Agad kong nilingon ang tabi ko at natakot nang makitang wala si Aku doon. Mas lalo pang kumabog ang aking puso nang kahit sa kasulok-sulukan ng kwarto ay wala siya.

Mabilis akong tumayo at lumabas. Hindi naghihintay si Miffy sa hallway katulad ng lagi niyang ginagawa. This just added to my fear.

"Miffy? Aku!" Tawag ko at sinilip ang lahat ng kwarto dito sa 3rd floor pati na rin ang attic.

"Aku!" Tawag ko nang makitang wala ring tao sa kwarto niya. Nagsisimula nanaman ako maiyak pero pinigilan ko ito at nag-panic muna sa paghahanap kay Aku.

Nang makapunta sa baba ay nakaamoy ako ng naglulutong bacon. Halos patakbo akong nagpuntang kusina at halos mapahandusay sa relief nang makitang nandoon naman pala si Aku.

Agad akong lumapit sakanya at niyakap siya nang sobrang higpit. "Bwisit ka....I thought you already left" Bulong ko habang hinihipo ang aking pisngi sa kaniyang dibdib.

Narinig ko ang marahan niyang pagtawa. "I won't leave without a goodbye, I promise"

lumayo ako para tignan siya sa mata. Aku is someone you can count on to keep his promises.

Nakaramdam akong ng pagsikip sa aking dibdib.

Hanggang ngayon ay di parin tinatanggap ng aking utak na aalis na siya. May pakiramdam akong may pwede pang mangyari...

Pinagmasdan ko siya. Ngayon ko lang napansin na suot suot niya iyong apron na pink habang si Miffy ay nakaupo sa gilid niya.

He is intently focused at the bacon he's frying. Sa kaniyang gilid ay may nakasalang din na sunny side up eggs at toasted bread.

"You're cooking?" Di makapaniwalang tanong ko.

Ngumisi lang siya habang ang mga mata ay nasa piniprito niya parin.

"Sit down. I'm almost done" He said and jerked his head at the dining room.

Imbis na lumabas ay nanliliit matang umupo ako doon sa lamesa dito sa kusina. Lumapit naman sa akin si Miffy at tumahol kaya siya muna ang pinagtuunan ko ng pansin.

Kumalam ang tiyan ko nang maamoy ang fried rice. Pagkatapos ay inilagay na ni Aku ang mga pagkain sa plate habang ma syang nagh-hum.

Pinalutang niya ang mga ito papalabas papuntang dining area. Sumunod kami ni Miffy sakanya at naupo na ako sa lamesa.

Habang kusang lumalapag ang mga pagkain nakita kong nag snap si Aku at lumutang papalabas ng kusina ang mga kubyertos at pinggan.

Nakaawang ang bibig na pinanood kong ihain nung pinggan at kubyertos ang sarili nila. Kunot noong nilingon ko si Aku na nakangisi at umupo sa tapat ko.

"Who are you and what have you done to Aku?" I demanded and he chuckled.

"You're too harsh" Sabi niya at umarte na parang nasasaktan. Natawa nalang ako at umiling.

Sinandukan niya ako ng lahat ng niluto niya. Nagtataka pero nakangising pinasalamatan ko naman siya.

"A while ago I saw Ana and the others getting ready to go somewhere. They said they had to take the entrance examination and I.....well, blessed them a bit" Sabi niya at ngumisi.

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon