Chapter 27. Date

42 3 0
                                    

Sol

"Capt. Sol! San ang flight mo?" Tanong sa akin ni Benedict nang makasalubong namin siya.

"Pasahero muna ako ngayon" Natatawa kong sabi. Tinignan niya si Aku na katabi ko at binigyan ako ng maalam na ngiti.

"Date ba yan~" He whispered in a sing-song voice. Pero mukhang narinig siya ni Aku.

"Yes. It's our first actually" Nakangising sabi ni Aku at pinatong ang kaniyang braso sa aking ulo.

Medyo namula ako at nakita kong nanlaki ang mga mata ni Benedict. Tinuro niya ako at binigyan ng tingin na nagsasabing 'tali-ka-na?' pagkatapos ay tumawa siya nang napakalakas.

Bago pa man ako mapikon ay hinila ko na papalayo si Aku doon at narinig kong kumantiyaw si Benedict.

"Lagyan mo na ng singsing para walang kawala!"

Aku chuckled and I smiled. He has the most melodic laugh I ever heard.

Naghintay pa kaming tawagin ang flight namin. Nainip naman ako kasi hindi ako sanay maging pasahero. Dala-dala ang mga maleta namin, naupo kami sa waiting area.

Mariin kong tinitigan si Aku na nasa malayo ang tingin. I'm still curious why he suddenly wants to date me. Kung ano man ang rason niya, hindi ko alam kung maganda ba o hindi.

Pero hindi ako takot masktan. Hindi ko man maintindihan ang dahilan, um-oo ako dahil gusto ko rin naman. Dahil kung hindi ang sagot ko, sigurado pagsisisihan ko iyon.

Aku's mood is also very unpredictable. Para siyang bipolar. Bigla-bigla nalang magiging gloomy ang mukha niya sa kalagitnaan ng pagtawa.

Pero tuwing tinatanong ko kung bakit, lagi niyang iniiba ang usapan.

Nanliit ang mga mata ko. Malalaman ko rin ang dahilan, and I don't care if I have to force it out of him.

Napag-usapan namin ang mga pinaggagawa ni Aku sa mundo noon. I was amused with his stories. I found out he once dated the queen if Italy accidentally. At na-accuse rin siya ng witchcraft noon sa Salem, which resulted in him being subjected to public hanging.

"You should have seen the look of those people's faces when I hanged there for an hour and still managed to grin and wave at them" Natatawa niyang sabi. Naimagine ko naman ang nais niyang iparating kaya natawa din ako.

"In the end I had to erase the whole town's memories under Z's orders. But I bet he also tought it was amusing" He said smirking and I imagined Z watching the villagers panic as Aku dangled from the rope, laughing evilly.

Nang tawagin na ang flight namin ay tumayo na kami agad para mag-board ng eroplano.

A lot greeted me since I have worked with atleast 90% of the crew. Kilala ko rin ang piloto kaya kampante ako. Nakalusot rin ang stick ni Aku dahil sa pinagsanib-pwersang charms niya at connections ko.

Ang seat namin ni Aku ay bandang gitna ng eroplano. Business class muna ang kinuha namin dahil ito nalang ang natitira.

Nang makaupo ay siya mismo ang nagkabit ng seatbelt ko pagkatapos ay ibinigay sa akin iyong neck pillow.

Mukhang feel na feel niya ang pagiging boyfriend ah.

"Aku, bakit di nalang kaya tayo mag-teleport papunta doon?" Tanong na suhestiyon ko. Mas mabilis kasi ang teleportation kaysa sa eroplano. Wala pang pila.

Seryoso niya akong tinignan "I'm not sure if I can do it again with you"

Nangunot ang aking noo "Why?"

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon