Sol
Inextend ko ang aking kanang braso para kapain ang paborito kong unan.
Nang hindi ko ito naramdaman ay kinapa-kapa ko ang buong paligid dahil tinatamad akong buksan ang aking mga mata.
Narealize ko nalang na kahit isa ay wala akong makapa o maramdaman.
I burst my eyes open and panic crept trough me in the realization that I am floating 2 feet above my bed!
Akala ko nung una at baka sinasapian lang ako ni Valak pero nakarinig ako ng mahinang tawa sa aking kaliwa at nakita ang suspect.
Nakaupo si Aku sa may veranda habang nakangisi ng pandemonyo at itinututok sa akin ang itim niyang stick na may asul na usok sa dulo.
"Ibaba mo ako Aku!" I demanded him at once.
He chuckled and tormented me further first before putting me down 'gracefully'.
Nang makababa ay agad kong kinuha ang pinaka-malapit sa akin na unan o gamit at pinagbabato kay Aku. Ngunit ang lahat ng binabato ko ay kusang tumitigil sa harap niya. Naka ngisi lamang siya sa akin.
Noong kumalma na ako ay dumiretso ako sa cr para maghilamos at magsipilyo.
Nakakainis! Umagang-umaga namb-bwisit siya. Palutangin ba naman ako? Napaka-galing niya manggising ng tao.
Padabog akong lumabas ng cr at nakitang wala na si Aku sa veranda. padabog rin akong bumaba para magluto. Off kasi nila Ana ngayon dahil linggo.
Padabog ko rin na binuksan ang ref ngunit lalo lamang uminit ang aking ulo nang makitang lahat ng tsokolateng ibinili ko sa duty free ay ubos na! Pati ang paborito kong gatas wala na ring laman!
I only know one 'person' who has the audacity to commit this callous crime.
Dahan dahan kong iginalaw ang aking ulo para tignan si Aku na kakapasok palang sa kusina. Nang magtama ang mata namin ay agad itong tumalikod at naglakad papalayo.
"AKUUU!!!" Nanggigigil na sigaw ko sakanya at patakbong hinabol siya habang hawak ang garapon ng gatas na wala nang laman.
Nang mahabol ko sya sa sala ay ibinato ko ito sakanya. This time hindi ito huminto sa harap niya bagkus ay natamaan siya sa ulo.
Ay, di ko ineexpect yun.
Nang siya naman ang tumingin sakin nang masama ay ako naman ang umatras. Nagiging pula nanaman ang kaniyang mata!
Stop Sol! Ikaw ang naunang galit, hindi siya.
"M-masyado kang palamunin! Ang deal lang ay ipapa-fall kita sa akin, pero hindi kasama dun ang pakainin ka!" Bulyaw ko sakanya at hindi nagpatinag.
"It's just a milk. And no one dares to throw bottles at me" Sabi niya nang kalmado ngunit may napakalamig na boses habang masama parin ang tingin sa akin ng kaniyang kulay pulang mata.
Okay, baka patayin na niya talaga ako.
But no, you can do this Sol! Inipon ko ang lahat ng tapang na inipon ko for the past 15 years at lumapit sakanya. Pagkatapos ay hinila ko sya papunta sa pinto at hanggang sa papalabas ng gate.
Hindi lamang ito pumalag. I was half expecting that he'll punch me on the way. "Nauubos ang pera ko saiyo, maghanap ka ng trabaho! Wag kang babalik habang wala ka pang pera!" sabi ko sakanya nang mahina para walang makarinig at mabilis na isinara ang gate.
Tinitigan lamang ako nila kuya Ben at iba pang gwardya ngunit hindi na nagtanong pa.
Pagkapasok ko ulit sa bahay ay agad naman akong nakaramdam ng guilt at panghihina. That was a lie, hindi nauubos ang pera ko dahil sakanya. My salaries are too much for one person only.
BINABASA MO ANG
Man in Moon
Fantasy√ Sol √ Young Sol Esguerra found herself dangling at the edge of the underworld on the night of April 21st. Out of desperation and naiveness, she silently wished to the moon that she may live a little longer. Luckily, somebody heard her. Thus, 15...