Chapter 12. Akumatakaw05.com

64 5 38
                                    

Sol

"Chikading chikading lumipad lipad, chickading chikading lumipad lipad~" I sang and danced as I walked down the stairs. I don't know why but I feel slightly more happy this morning.

Sinalubong naman ako ni Miffy kaya niyakap ko muna siya bago ako nagpuntang kusina. Pagdating ko doon ay nagb-breakfast na sila Aku at yung iba pa.

"Good morning" Nakangising bati ko sakanila at bumati rin naman sila pabalik. Pagkaupo ko para magbreakfast ay nagkatinginan kami ni Aku.

Napansin kong suot na niya ulit yung walang kasawa-sawa niyang damit. Wala ba itong balak suotin ang mga pinamili namin kahapon?

"Where are you going?" Tanong niya habang pinagmamasdan akong gayak na gayak at suot na ang aking usual bagpack.

"Hmm? May flight ako mamaya" Sagot ko habang busy sa pagkuha ng pancakes at paglagay ng syrup.

"San ang flight mo?" Tanong sa akin ni Celine. "Sa HongKong lang" Sabi ko at sumubo. Napangiti ako dahil sa sarap.

"Pasalubong ma'am Sol ah?" Maligalig na sabi ni Rain pagkatapos ngumisi din. "Sigee!" Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain

"I want to come" Rinig kong sabi ni Aku at tumango na lamang ako. Kahit naman hindi ako pumayag sasama parin siya.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso ako sa sala para kunin ang susi sa kotse. Sinigurado ko naman na dala ko lahat ng kailangan ko bago tinawag si Aku.

"Aku aalis na ako!" Tawag ko sakanya sa kung saan. Narinig ko naman ang mga yapak niyang papalapit sa akin.

Dala dala ang kaniyang bag at stick ay lumabas na kami para pumuntang kotse.

"Sasakay ka ba sa eroplano o magt-teleport ka ulit?" Tanong ko sakanya habang nagmamaneho.

Sa pagiisip ko ng salitang 'eroplano' ay pakiramdam ko napakabagal ng takbo nitong kotseng maneho ko.

"I'l teleport there. Saan ka ba pupunta?" Tanong nya habang nakasilip sa labas ng bintana.

"Sa HongKong airport nalang tayo magkita. Bakit nga pala parang ayaw mo sa mga eroplano?" Tanong ko nang maalalang isang beses ko lamang sya nakita sa loob nito. Iyon ay noong una pa kaming nagkita.

"I don't see why I need to" Nagkibit-balikat nalang ako sa sinabi nya at naghum habang nag-drive.

Pagkadating namin sa hotel ay dumiretso ako sa pilots' lounge para makapagbihis na.

"Sir, only employees are allowed inside" rinig kong desididong sabi nung babaeng guard. Hinarangan niya ang daanan ni Aku gamit ang kaniyang kanang braso.

I was just about to tell her that Aku is my guest when I saw Aku beam at the guard. The girl blushed and her eyes went unfocused.

At wala pang tatlong sagundo ay pinadaan na niya si Aku.

Naka-nganga ako habang pinagmamasdan itong lalaking nang-hypnotize ng tao. "Did you just-"

Ngumisi siya sakin at inayos ang kaniyang kwelyo "And that, is how you tresspass"

Napailing nalang ako. Bakit parang immune ako sa magic ngisi nya?

Pagkadating namin sa lobby ang unang namataan ko ay ang kape na iniinom ni Seth.

Nagtama na ang mata namin bago pa man ako nakapag-isip na magtago. His face lit up and he jumped on his seat
"Uy Sol! Ngayon mo lang naisipan pumasok?" Sabi niya at halos patakbong lumapit sa akin. Parang siyang may megaphone sa lalamunan dahil ang lahat ng tao sa silid ay nakaririnig sakanya.

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon