Sol
"Damn! Why does it rains without warning?" Patakbong pumunta si Maximus sa likod ng kaniyang kotse at naglabas ng itim na payong. Mabilis niya itong binuksan at patakbong pumunta ulit sa direksyon ko.
"Silong tayo saglit sa loob" Sabi ko habang pinapayungan niya ako at pumunta naman kami sa tapat ng main door.
Nang makasilong ay tinupi na niya ang kaniyang payong at hinarap ako.
"You have a beautiful home, Sol" Ang boses ni Maximus ay 'di masyadong rinig dahil sa ingay ng dumadagundong ulan.
"Thank you" I said and he asked me "Where did Aku go?"
"Hindi ko alam.." Nagkikibit-balikat na sabi ko.
Stop getting mad, Aku. Sige ka, lalong magtatagal dito si Maximus sa silungan.
"Do you like me, Sol?" Napatalon ako sa gulat nang tanungin ito ni Maximus. Pinagmasdan ko ang mukha niyang biglang sumeryoso.
"You mean like as in romantically? Hindi ba parang ang bilis naman, Maximus?" His brown eyes faltered a bit.
"Do I have a chance then, if I court you?" Tinignan ko rin siya nang seryoso.
"No. Not while Aku's here" Hindi ako sigurado kung may nararamdaman ako kay Maximus at ayoko siyang paasahin dahil hindi ko talaga siya sasagutin habang kasama ko si Aku. I gave my word, hindi ko ito babawiin.
But then again, being with Aku is temporary. Kapag nakuha na niya ang kailangan niya sakin, we promised to leave each other alone.
I wonder, kung di ko nakilala si Aku, magpapaligaw kaya ako kay Maximus?
Hindi, kasi kung di ko sya nakilala wala na rin ako sa mundong ito...
"I knew it, you like him. The look you give him..." I was about to apologize when he cut me off.
"Hindi pa nga ako nanliligaw, talo na ako agad" He smiled bitterly. Ngunit agad din tumamis ito at tinignan niya ako muli.
"But I want you to know, if ever he leaves you, I'm just a text away" Nakangising sabi niya at kumindat, napatawa naman ako.
"And..well, I'll still try and court you" Sabi niya at inayos ulit ang kaniyang ayos nang polo
"Sorry Maximus.." pagpapaumanhin ko at umiling lang siya. "Don't be. It's not your fault you fell for him" He said meaningfully.
Me? Fell for Aku?
I somehow doubt that....
"I have to go Sol, my car might get toll outside" Sabi niya at ngumisi ako.
"Oh yeah. You left it open, didn't you? Lax about carnappers, I see" I teased him at sya naman ngayon ang tumawa.
Binuksan na niya ulit iyong payong at naglakad na. Kalagitnaan ay napatigil siya at tumawag sa akin. "You still owe me lunch, Sol!"
Kumaway naman ako pabalik "I'll choose the place!" Bati ko
Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang kaniyang likod ay pumasok na ako sa bahay. Sinalubong naman ako ni Miffy at dumiretso ako sa taas para makapag-bihis.
Nang mahimasmasan ay bumaba na ako. Iginala ko ang aking mata sa paligid, ngunit mga gamit lang ang nandito para samahan ako.
Syempre pwera na nga lang kung may multo.
Pero sa opiniyon ko ay mas nakakatakot pa sila Aku at tita Esme kapag nagagalit.
Atleast hindi ako pinapa-squat at pinapaulanan ng mga multo.
BINABASA MO ANG
Man in Moon
Fantasy√ Sol √ Young Sol Esguerra found herself dangling at the edge of the underworld on the night of April 21st. Out of desperation and naiveness, she silently wished to the moon that she may live a little longer. Luckily, somebody heard her. Thus, 15...